Chapter 5

16 4 0
                                    

May nurse na nag-assists sakin at binigyan nya ako ng maliit na salamin para makita ko ang sarili ko. May malaking pasa iyong  taas ng pisngi ko at maliit na cut sa bridge ng ilong ko kaya naman nilagyan ng band aid ng nurse iyon at binigyan ako ng ointment para sa pasa ko. Mild lang daw na injury iyon at wala namang napinsala sa utak ko, kaya guminhawa ako. Ang problema ko nalang ngayon ay ang magiging reaksyon nila lolo, paniguradong mag-aala sila.


"Bakla! Ano itong katanghan na meron ka at pati pagsalo ng bola ng baseball ay kinarir mo?" Hindi ko sya sya pinansin dahil dinadampian ko ng cold compress itong pasa ko.


"Miss.. I'm sorry, it's my fault." Kaya naman napatingin ako sa katabi ni bakla at sya iyong bumuhat sakin.


"A-ah, okay lang. Aksidente iyon kaya walang may kasalanan," mahinhin kong tugon pero ang gwapo! Este iyong player lumapit sakin para icheck ang mukha ko.


"I'm really sorry, what about..I'll treat you?" Kaya nagulat ako dahil bumilis iyong pintig ng puso ko.

"Ha?"

"I said, I'll treat you." Nahihiya nyang saad habang nakangising nakahawak sa batok iyong kamay nya.


"Date?" Ay tanga! Libre lang iyon pero bakit ko sinabing date?


He chuckled, "Date..hmm...if that's what you want, then let's date." Ay nakakahiya!


"Ouch!" Napa aray nalang ako dahil nadiin ko iyong cold compress sa pasa ko dahil sa kahihiyan.


"Careful, miss." Hndi ba ito marunong magtagalog?


"Mr, nasa pinas tayo.." Iyon nalang ang sabi ko at bigla syang tumawa.


"Sorry to pop your bubbles but...walang tayo." Taragis! Bakla, help!


"Ah..I mean..ano.."

"If you want, tayo na lang." Napahagalpak naman ng tawa si bakla, wow nandito pa pala sya?


"Ayos ka din fafa, ano? Aba! Binigyan mo na nga ng pasa itong sisteret ko tapos eto ka at mag-ooffer ka ng date at ang matindi ay kayo na agad?"


"S-sorry dude, Easy! I am no harm." Taas kamay nya pang sabi na para bang pulis si Bakla.


"The fudge? Dude? Seriously? Hindi na magbabago iyang isip mo, dude ako?" Kaya napahagikgik ako. Kawawang bakla, na dude lang nitong jologs na ito.


"By the way...who are you?" I ask him out of the blue. Lakas maka-hokage nito e hindi pa naman kami magkakilala.


He cleared his throat then offered his right hand to me, "Dwaine Alssyd Almarico, at your service miss," pakilala nya kaya naman tinggap ko iyong kamay nya.


"Yakyshi Diara Trinch," then he smiled.


"Gwapo.." Ay pasmadong bibig!


"Oh, thanks for the compliment. You're so gorgeous, Kyshilabs." Nagulat ako, bakit napaka dali lang para sakanya nya pakabahin ako?


"Ay si bakla, may pa Kyshilabs! Ikaw na, ang bakla ng taon!" sabat na naman ni bakla kaya inalis ko iyong pagkakahawak ng kamay naming dalawa.


"So, maiwan ko na kayo dito. Sorry ulit kase natamaan ka noong bola, iyong date natin wag mong kalilimutan!" Nagmadali na syang umalis dahil may practice pa daw sila.


"Bakla! Ito na ba iyong sign na madidiligan kana?" Irit nya kaya naman ang sakit sa tenga.


"Tangeks, kinikilig kapa dyan imbis na mag-alala ka sakin dahil natamaan ako ng bola." Tampo ko pero ang bakla, bigla akong niyakap.


"Asus si atengs! Kung ako sayo ay jojowain ko iyon, aba minsan lang sa tanang buhay ko ang maka-encounter ng baseball player!" Bugaw nya kaya naman kinurot ko ang braso nya.


"Edi ikaw ang gumawa, jowain mo. Kung ganoong lalaki ang magiging boyfriend ko ay wag nalang, masyadong maharot! Sa pagsasalita palang ay halata na..what more kung gumalaw na?" Tumawa ang bakla, nagtaka ako dahil bakit sya tumawa bigla.


"Anong galaw ba ang gusto mo? Ang masarap ay iyong dogstyle! Okaya naman ay cowgirl para you hold the game," binato ko sakanya yung cold compress kaya naman mas lalo syang tumawa.


"Gagang to! Idadamay pa ako sa kabaliwan nya," pagpaparinig ko.


Buti nalang at wala na kaming klase dahil ngayong buong week at half day lang kami dahil introduction palang, nag leave muna ako ng isang gabi sa trabaho ko dahil nakakahiya sa costumers kung makikita nila akong may malaking pasa sa mukha.


Sinabihan kami ng nurse doon sa may clinic na pwede na daw akong umuwi dahil humupa na daw naman ng kaunti iyong pasa ko. Dumaan na kami ni Martin sa cafeteria at nilibre nya ako.


Konti lang inorder ko dahil kapag binubukas ko iyong bibig ko at nagagalaw ang muscles sa mukha ko ay kumikirot ang pasa ko.


"Tara na bakla, ihahatid na kita at baka matanga ka na naman ay isalpok mo iyang ulo mo sa poste," wow? Concern ba sya o wala lang syang maasar?


"Thank you, ha? Sobrang naappriciate ko.." Asar ko din sakanya kaya naman ang loko umirap sakin.


Nag-abang kami ng pang pasaherong jeep at nang makasakay ay nilibre ulit ako ni Martin ng pamasahe, minsan napaka swerte ko kapag ganito ang mood nya.


"Para po!" Sigaw na para ni Martin kaya naman nagulat yata ang driver at biglaan ang pagpreno nya.


Sumakay naman kami ng tricycle dahil dumaan pa si bakla sa pizza hut, makiki hang-out daw kase sya sa bahay namin kaya naman wala na aking magawa dahil pagkasakay na pagkasakay namin sa tricycle ay sinabi na nya agad ang address namin kaya wala akong kawala.


"Bakla, anong sasabihin ko kila lola?"


"Aba! Edi sabihin mo katangahan," sinapak ko sya dahil napaka walang kwenta ng sagot nya.


"Wala kang kwentang kausap," pagmamataray ko sakanya kaya naman tumawa sya.



"Lola, lolo, nandito na po ako. Kasama ko po si Martin." sigaw ko pero walang sumagot sakin, ang hula ko ay nasa bakuran ang mga iyon.


Nagluto muna ako ng pagkain dahil wala ng pagkain, bago naman ako umalis kanina sa bahay ay pinagluto kona sila para hindi na sila magluluto pa.


"Bakla, dyan ka muna. Magbibihis lang ako," paalam ko kaya naman naglibot muna sya sa bahay, kilala na naman sya nila lolo kaya walang problema.


Inayos ko iyong kwarto ko dahil alam kong doon kami tatambay at manonood ng netflix. Lumabas ako sa kwarto ko para tingnan iyong niluluto kong pagkain, kahit na naka kain na kami ni Martin sa school ay parang mas gutom ako sa lutong bahay.


Pinuntahan ko sina lolo sa bukaran at ang bakla, nakikichismis sa dalawang matanda. Napangiti nalang ako dahil ang saya nilang tingnan kase halos malaglag ang mga pustiso nila dahil sa pagpapatawa ni bakla.


Lumapit ako sakanila, "Lolo, lola, bakla! Chibugan na..." masigla kong sabi kaya naman nagdesisyon kaming sa bakuran nalang kumain dahil daw mas presko ang hangin sa labas kaya naman hinada ko iyong lamesa at nagpatulong kay bakla na ilabas at ihain ang mga pagkain na niluto ko.


"Nako, apo! Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong ni lola.


Umiling nalang ako at ngumit ng kaunti, "Ayos lang po ako, lola..natamaan lang ng bola," pampalubag loob kong sagot sakanila kaya naman iniba ni Martin ang usapan.



"Bakla! Pwede ka ng maging chef nito, bakit naman kase Biology iyong pinili mong course e pwede namang culinary?"


"Want kong maging biologist e, pake mo? Kumain ka nalang," bara ko at nagtawanan sila.


Nangmatapos na kaming kumain ay nagpresinta si bakla na mag hugas ng plato at tungkol naman doon sa pasa ko ay nag-alala parin sila kahit sinabi kong aksidente lamang iyon, pero kahit na ganon ay ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalala sayo ng totoo.




    •__•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon