Chapter 12

10 4 0
                                    

Kasamahan nila Dwaine ang may hawak ng baseball bat at naka tayo sa home plate at habang naka taas ang bat nya at parang pinag-aaralan nya kung paano sya papalo mamaya kapag ibinato na ng pitcher ang bola habang parang kumekembot na gumegewang ng kaunti. Hindi ko alam kung paano ang takbo ng laro, siguro ay buong team nila Dwaine ang papalo bago tumira ang kabilang team okaya naman ay kapag hindi naka home run ang titira ay ang kalaban naman ang susunod na titira, basta hindi ko alam. Nanonood lang naman ako dahil laro ito ng boyfriend ko. Wow, ang sarap pala sa feeling na may boyfriend na ako tapos player pa!


Nang ibato na ng pitcher ang bola sa batter na si number 2 ay pwersahan nya itong pinalo kaya naman sa sobrang lakas ng pagkakapalo nya sa bola ay umabot iyon hanggang sa outfield, hinabol ng right fielder ang bola samantalang tumakbo ng mabilis si number 2 papunta sa second base, nakita kong nakuha na ng right fielder ang bola at ibinato nya ito sa second baseman pero nakapag base na si number 2 at papunta na sya sa third base, ang third base ang magsisilbing pinaka home run dahil pa-diamond shape nga ang field para sa baseball, tumingin si number 2 sa third baseman nang itaas nito ang kamay nyang mayroong gloves, mas bumilis ang takbo ni number 2 hanggang sa mai-safe nya ang sarili sa third base at saktong pag sambot naman ng third baseman ang bola, nauna si number 2 kaysa sa bola kaya naman..


"Home run!" sigaw ng announcer sa kanyang mic at malakas ng tumunog sa mga speakers at nagsigawan ang mga nanonood.


Sunod na papalo ay team parin nina Dwaine, number 6 naman ang nakaprint sa likod ng uniform nya. Inihagis ng pitcher ang bola pero hindi napalo ni number 6 ang bola kaya naman nasalo ito ng catcher, counted iyon as strike, hindi ko narinig ng mabuti yung speaker pero hinagis ng catcher iyong bola sa pitcher. Inulit ang pagbato nito at natamaan na ito ni number 6, malakas din ito pero mas malakas iyong nauna sakanya. Tumakbo sya at naka base na sya sa first base, patakbo na sana sya sa pang second base kaso nakuha ng player ng third base ang bola at itinap ang bola sa base kaya nagsigawan ang mga tao. Hindi naka home run si number 6 kaya naman nagsigawan ang kampo ng kabilang team.


Hindi counted iyon as home run pero dumagdag ang bilang sa score board, may tatlong box sa score board kung saan run, strike at error ang nakalagay. Padamihan ng scores ang larong ito, padamihan ng run at pauntian ng strikes at error. Nag break muna, at maya-maya pa'y nagsimula na ulit ang laro. Si number 12 naman ang batter at players parin ng school namin ang pumapalo, siguro nga ay patitirahin muna ang lahat bago ang kalaban. Nakita ko si Dwaine na kinakausap ang kanyang team, ang iba ay tumatango at ang iba ay nakikipag-usap din sakanya, mukhang seryoso ang usapan nila. Siguro ay big game ito para sakanila dahil ibang school ang kalaban nila.


Nakita kong tumakbo na si number 12 hanggang sa second base at nang makuha ng  kalaban ang bola at nakipag habulan at korneran pa ang batter at baseman kaya naman matinding kaba ang nararamdaman ko, konti nalang ay maghohome run na sya, nadulas ang kalaban kaya naman tumakbo ng mabilis si number 12 at nakapag base na sya huling base,


"Home run!" mahabang sabi ng speaker kaya naman nagsigawan ulit.


Sunod-sunod na ang pagpalo at ang laro nina number 4, 8, at 14. Dalawa sa kanila ang naka home run at ang isa ay hanggang second base lang pero counted pa rin naman iyon sa run.


"Bakla! Ang ganda pala nitong laro na ito," nadistract ako sa pagka-focus ko sa laro nang dumaldal si Martin.


"Shh..alam ko. Bakit kase hindi ka nagbaseball?"


"Gagang to! Baka ako pa ang magpatalo sakanila dahil ang mamacho ng mga fafa!" Malandi nyang sabi kaya naman napatawa ako,


"Harot mo!" Kaya naman pinilantik nya ang imaginary hair nya.


"Asus, porket naka bingwit kana ng player huh?" Asar nya habang sinusundot sundot ang tagiliran ko, nakakakiliti kaya naman kinurot ko sya,


"Shh..mamaya mo na ako harutin!" Sabi ko kaya naman tumigil na sya.


Si number 10 na ang batter ay nagfocus na ako. Binubukas sarado nya ang kamay nya habang nakataas iyong baseball bat, bumwelo ang pitcher at hinagis ang bola kaya naman malakas na pinalo ni number 10 ang bola, tumakbo sya ng mabilis at dali daling tumakbo naman ang center fielder, muntik nang lumabas iyon sa warning track pero nakuha agad ito ng center fielder, naghiyawan ang lahat ng ibato ng center fielder sa ka-team nyang nakabantay sa second base pero huli na noong nakuha ng second baseman ang bola dahil nakapag base na sya sa second base, napaluhod pa sya kaya naman ang tindi ng sigawan ng lahat pero mabilis syang tumakbo at pagkapunta nya sa third base ay bigla namang dating ng bola,


"Home run!" Sigaw ng umpire kaya nagsigawan ang lahat. Nauna kasing makapag base si number 10 kesa doon sa bola, napahinga ako ng malakas.


Nagjo-jogging na pumunta si number 18 sa home plate habang nasa balikata ng baseball bat, umayos sya ng pagkakatayo sa home plate at malakas na pinalo ang bola...hinabol iyon ng left fielder ang bola at ipinasa iyon sa third baseman dahil nakita nyang nakapag base na ang batter sa second base kaya ipinasa nya iyon sa third baseman, napailing nalang ako dahil napailing din ang batter dahil siguro nanghinayang sya.


Ang susunod at last na titira naman ay si number 16, si Dwaine! Shet.


"Lord, gabayan at protektahan nyo po si Dwaine," bulong na dasal ko.


Kinuha ni Dwaine ang baseball bat at iminuwestra iyon pataas habang pinagdikit nya ang mga tuhod, ginalaw galaw nya ang balikat nya habang mahigpit ang hawak sa bat dahil kahit na malayo ako ay tanaw ko bumabakat ma ugat sa kamay nya. Bumwelo ang pitcher at malakas ng ibinato ang bola sa batter na si Dwaine kaya naman mas pinalakas nya ang pagpalo doon kaya naman sa sobrang taas ng bola at napatingala nalang ang tatlong fielders dahil paniguradong nasa outfield ang bola, nakita ko kung gaano kabilis tumakbo si Dwaine at nang nasa short stops na sya ay nasalo ng kalaban ang bola at akmang ibabato na nya ito sa third baseman kung saan nandoon ang pinaka home run ay biglang natalisod ang player na sumalo ng bola kaya naman gumulong ang bola, tatakbo na sana si Dwaine pero tinulungan nya munang tumayo iyong kalaban nyang player at ng maka tayo iyong player sa second base ay mabilis na tumakbo si Dwaine papunta sa third base hanggang sa natumba ito dahil napatid nya ang sarili nya at nakita kong sasaluhin na sana ng baseman iyong bola para magsafe sa base ay biglang nag split ni Dwaine at nanlaki ang mga mata ko.


"Home run!" Sigaw ng speaker kaya naman napatayo ako! Nakita kong nasa base ang isang paa ni Dwaine habang tinutulungan naman sya ng ibang player na makatayo, hindi ko alam kung matatawa ako dahil nag split sya o maaawa dahil paniguradong masakit iyon.


Tumayo ako at nagpaalam kay bakla, "Bakla, dyan ka muna. Pupuntahan ko lang si Dwaine! Jusko!" Nagpapanic kong sabi dahil napansin kong wala ng reaksyon sa itsura ni Dwaine habang akay-akay sya ng ibang players papunta sa bench ng team nila.


"Wait, bakla! Sama ako!" Kaya naman hinintay ko na sya at kinuha nya yung cup na may lamang kape na para kay Dwaine.


Mabilis kong hinawi ang kumpol ng mga tao na nakaharang daanan, "Excuse po," sabi ko at narinig kong umirit ang bakla, "Padaanin nyo ang dyosa!" Kaya natawa ako dahil ang landi ng pagkakasabi nya roon.


Nang makapunta na kami sa bench area ng baseball team nila Dwaine ay agad kong binuksan ang bag ko kung saan nagdala ako ng extra towel, pawis na pawis sya kaya naman pinunasan ko iyon.



"Kyshilabs...ang sakit ng ano ko," nagsusumbong nyang sabi kaya naman napatawa ako ng kaunti.


"Nice split, Dwaine-y!" Proud kong sabi habang nagpipigil ng tawa.


"Kyshilabs naman e," nakanguso nyang sabi. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pawis nya at pati sa likod nya ay pinunasan ko na din. May ilang minuto silang break para sa susunod na game.




•___•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon