Epilogue

39 4 0
                                    


Tumunog ang cellphone ko kaya naman pagkatingin ko niyon ay nakita ang pangalan ni Kyshi sa caller.

Sinagot ko iyon at hinintay syang sumagot.

[Hello? This is the Ambulance crew] Pagkarinig ko noon ay naguluhan ako.

[I am sorry, Sir Dwaine..pero yung owner ng cellphone na ito ay nasa critical stage..] Gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

"What? Bakit? Anong nangyari kay Kyshi?"

[Nabundol po ng kotse, sir..please pakipuntahan nalang po ang pasyente sa hospital.] Then namatay na ang tawag.

Tumakbo ako papunta sa terminal ng sasakyan, "Manong, sa malapit po na ospital," aligaga kong saad kaya naman umarangkada na ang sinasakyan ko.

Tensyonado akong tumakbo papasok ng ospital, "Miss...yung sinugod po..nabundol ng..ng kotse..." Hinihingal kong sabi.

"Sir, nasa O.R pa po..kritikal po kasi yung babae noong dinala sya rito," bumagsak ang balikat ko sa sinabi ng nurse.

Naghintay ako sa waiting area hanggang sa nakita ko si lola papalapit sakin, tumayo ako at sinalubong sya.

"Lola..si Kyshi po.." Pinilit kong wag umiyak dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Kyshi.

"Ang apo ko.." Nakapagsabi nalang ng ganoon si lola habang inalalayan ko syang umupo.

Wala kaming imikan ni lola dahil hindi pa rin nagsisink-in samin ang mga nangyari.

Simula noong una kong nakita si Kyshi ay alam ko na agad ang magiging future ko kung sya ang kasama ko, siguro ay tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo kami...noong dinala ko sya sa clinic dahil nahimatay sya sa lakas ng pwersa ng bola na tumama sa kanyang mukha at ganoon din ang lakas ng impact nya sa puso ko.

Hanggang sa tumagal na kami at mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sakanya. Alam kong sya na, sigurado na ako sakanya, kaya noong pinakiusapan ako ni lolo Isko na alagaan ko ng mabuti si Kyshilabs ay alam kong maaalagaan ko talaga sya, gusto ko na syang pakasalan at bumuo ng masayang pamilya pero alam kong may tamang panahon para mangyari iyon.

Noong nagsalo kami ng unang gabi namin ng pagmamahalan sa beach resort, nagpatulong na agad ako kay Tracy.

"Hello, Tracy.." Bungad ko sakanya pagkasagot nya ng tawag ko.

[Oh, bakit? May kailangan ka ba?] Tanong naman nya at may konting pagkaasar sa boses nya.

"Hihingi sana ako ng tulong.." Iniisip ko kung paano sasabihin sakanya to.

[Ano yon? Ay nga pala..iyong land owner na pinuntahan natin noong nakraan, nangangamusta..]

"Ayun na nga! So ano daw? Kailan natin sya pwedeng imeet?"

[Hindi ko pa alam, pero iuupdate kita kapag alam ko na]

"Ah talaga ba? Sige..sige..puntahan nalang kita sa susunod.."

[Osige, basta wag kang bomba...ako malilintikan kapag hindi mo iyon binili.] At pinatay kona ang tawag nya.

"Sino yong kausap mo?" Nagulat ko ng may magsalita sa likuran ko.

"Ay, Ksyhilabs! Ano..kaibigan ko lang.." Palusot ko, balak ko sanang isurprise sya.

Biglang bumukas ang double doors ng operating room kaya naman napatayo kaming dalawa ni lola.

"Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" Tanong ng doktor kaya naman napatango nalang ako.

"Ah, opo, doc..apo ko po iyong pasyente..kamusta na po sya?" Nag-aalalang tanong ni lola.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon