Chapter 16

8 3 0
                                    

"Bakla!" Masyang bati sakin ni Martin pagkarating ko sa room.

"Yes? Saya natin, ah?" Nagtataka kong tanong habang nakangiti.

"Lapit na birthday mo ah? Ano..beach party?" Habang nagpapa-cute nyang sabi at ang kanyang mga kilay ay tumataas baba.

"Hmm.." Kunwaring nag-iisip habang nakaturo sa sentido,

"Si bakla! Fake drama," natawa ako dahil napaka arte nitong baklang to.

"Sige. Weekend naman non kaya go!" Kaya napa palakpak nalang sya.

"Sa white sand beach resort tayo? Hmm? Ano..over night?" Tumango nalang ako kase minsan lang naman ito.

"Basta libre mo," natatawa kong sabi kaya inirapan nya ako.

"Dahil birthday mo naman noon...hmm..sige na nga!" Sus rupok din neto kaya sissy ko to!

"Ano yon? Inom lang, ganon?" Tanong ko kaya naman tumango nalang sya.

"Inuman, landian, at magpaka sarap." Tapos iyong itsura nya ay parang natatakam.

"Sige, magpapaalam nalang ako kila lolo, alam mo naman.." Sabi ko nalang kaya umayos na ako ng upo.

"Isama mo na rin si fafa Dwaine! Patikim ako," pagsabi nya noon ay sinapak ko sya kaya ang bakla umacting na akala mo talaga nasaktan.

Nagsimula na ang klase, whole day sila Dwaine ngayon kaya naman baka sa coffee shop nalang kami magkita mamaya.

Next week ay thesis week na kaya naman medyo inaayos ko na yung sched ko, siguro naman tapos ko na lahat ng thesis ko kapag birthday ko na dahil I need a break, iniwan na kami ng prof namin at nag pa early dismissal dahil may urgent meeting na naman sila. Lately wala ng masyadong nagpapatutor sakin dahil siguro alam nilang medyo busy na ako at pinatigil muna ako ng mama ni bakla sa pagtu-tutor kay Martin at ayos lang naman sakin iyon para may time naman akong mag review at para kay Dwaine.

Sa buong buhay ko ay sina lolo at lola lang ang inaasikaso ko at pina-prioritize ko bukod sa studies ko pero ngayong nandito na si Dwaine ay pakiramdam ko ay responsibilidad ko na din sya. Kapag kasama ko sya ay hindi ako makaramdam ng lungkot, sa katunayan ay masaya ako kapag kasama ko sya pero minsan may pagka naughty din kami. Isa sa rules namin ay 'no penetration' pero alam kong dadating sa punto na makakalimutan namin iyon kaya ihahanda ko na ang sarili ko.

"Bakla, bye na huh? Una na ako. Ingat!" Paalam ni Martin pagkahatid nya sakin sa tapat ng coffee shop at nagpaalam narin ako.

"Babush! Ingatan mo sarili mo, bakla!" Batawa ako dahil imbis na sabihin ko iyon sa sarili ko ay kay Martin ko pa iyon ipinaalala, napailing nalang ako ng sumagi sa isip ko ang pagtawag sakin ng malanding si Dwaine.

"Oh, good afternoon Ms. Trinch," bati sakin ng manager namin na si Ms. Sarah.

"Hi po, sorry po ngayon lang ako.." Sabi ko kaya napatawa sya ng kaunti.

"Nako! Ang aga mo nga bilang isang part timer. Hala sige, magsimula kana," then umalis na sya dahil may tumawag sa phone nya.

"Oh, Diara..mag bihis kana..madami tayong costumer ngayon." Sabi ng kasamahan ko dito. Tumango nalang ako at pumunta sa CR na para lang saming mga crew.

Inayos ko ang uniform ko dito sa coffee shop, all around iyong trabaho ko dito dahil iyon lang ang vacant noong nag-apply ako ng trabaho.

Papunta palang ako sa loob kung saan doon ginagawa ang mga orders ng mga costumers ay nakita kong may dalang tray si Bella kaya naman kinuha ko na.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon