Chapter 7

12 4 0
                                    

"Mr. Almarico, saan mo ba ako dadalhin? Ang init-init kaya tapos kakaladkarin mo lang ako?"


"Mrs. Almarico, hindi kita kinakaladkad atsaka ang bagal mo kayang maglakad?" Wow? Nakakadami na itong duwende na to ah?


"Just call me Diara. Pano ba ako makakalakad ng mabilis e, naka heels po ako.." Inform ko kaya naman ang loko tumigil sa paglalakad at humarap sakin, tinaasan ko naman sya ng kilay.


"Sa SOGO kita dadalhin, gawa tayo ng taga pagmana," tumawa sya ng malakas kaya naman binatukan ko sya.


"Gago ka ha? Aba, kanina hinalikan mo ako tapos ngayon may plano kang gahasain ako? E kung kasuhan kita ng rape dyan?" Banta ko kaya naman tumigil sya sa kakatawa,


"Walang rape na magaganap kase Kyshilabs, magugustuhan mo ang gagawin natin at hahanap-hanapin mo," loko to ah!


"Bahala ka na nga sa buhay mo! Aalis na ako, babalik na ako sa school. Walang kwenta.." Himutok ko kaya naman inakbayan nya agad ako.


"Asus, si Kyshilabs naman oh! Nagtatampo kaba? Sorry ha, ibang panunuyo ang alam ko, sa kama."



"Iyang bibig mo! Nakakairita na." Seryoso kong sabi kaya naman hinawakan nya ang kamay ko,


"Sorry na, Kyahilabs. Kiss mo na ako!"


"Kiss mo mukha mo, gunggong!"


Ngumisi lang sya at humarap ulit sakin at hinalikan ako ng matagal, shet. Gago to ah? Humiwalay sya sakin at napako iyong mga paa ko, bibigyan nya ba ako ng sakit sa puso? Bobo ba sya? Bakit nya ba ako ginaganito?


"Putaragis! Isa pa nga!" Hamon ko sakanya kaya naman ang loko nagulat kaya ako naman iyong tumatawa mg malakas.


"Naughty girl, huh?"


"Bugok!"


"Ayts, tara na nga at mag date na tayo." Hinila na nya ako at naglakad kami, talagang nilakad lang namin hanggang sa OhFooDelicious, wow name palang mukhang masarap na nga.


"Grabe ka! Talagang pinaglakad mo ako kahit na alam mong naka heels ako?"


"Desisyon mong mag heels kaya wag kang magreklamo," aba? Kung hindi lang to gwapo at baseball player kanina ko pa ito iniwan.


"Wow ha? Napaka gentleman mo naman po," naaasar kong sabi kaya ang loko ngumisi lang tapos pumasok na kami sa loob.


"Eat all you can dito, kaya anything you want to eat or taste is alright." Buti naman at may pakinabang din to.


"Libre mo?" Agap kong sabi kase baka ako din naman magbabayad nito ay talagang gigilitan kona sya ng leeg.


"First date natin kaya, libre ko. Sa susunod nating date ay ikaw naman ang manlilibre, alternate lang."


"Lakas naman ng loob mo at nasisgurado mo na agad na may susunod pa itong date mo?"


"Wala ka ng kawala sakin, Kyshilabs,"


"At bakit?" Matapang kong tanong at ang loko, naglabas ng maliit na salamin sa loob ng bag nya at ibinigay sakin.


"Tingnan mo ang sarili mo, especially yung leeg mo," nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang leeg ko.


"Tanginamo, Dwaine! Bakit naman nilagyan mo ako ng chikinini? Bobo ka ba? Walang hiya naman oh!" Atungol ko kaya naman ang gago tumawa lang. Pano naman nya ako nalagyan ng chikinini? Ghad! Noong wala ba ako sa sarili ay binigyan nya ako nito?


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon