Chapter 21

8 3 0
                                    

Nang makarating kami sa cottage na para samin ay agad naming inayos ang mga gamit at pagkain na pinareserved at order namin dito sa may resort.

"Bakla, ano na? Malapit na daw ba sila?" Excited na tanong ni Martin.

"Papunta na daw si Amanda dito, hindi ko lang alam kung nasaan na mga kateam ni Dwaine," agap kong sabi at tiningnan ang phone ko.

"Dwaine-y, nasan na ba sila?" Tanong ko naman kay Dwaine na nag-aayos ng mga gamit.

"10 minutes daw," tumango nalang ako.

Tinext kona din si Amanda kung nasan na sya at nagreply sya na nasa entrance na daw sya.

"Dwaine, tara sunduin natin si Amanda sa entrance gate," aya ko kaya naman nagsimula na kaming maglakad papunta sa may entrance, nakahawak ang kamay nya sa kamay ko.

"Hi! Happy birthday!" Bati sakin ni Amanda pagka kita nya samin.

"Thanks, uhm...si Dwaine nga pala, boyfriend ko.." Pakilala ko kaya naman kumaway lang si Amanda,

"Dwaine-y, si Amanda iyong bago kong friend.." Tumango lang sya at tinulungan nya si Amanda sa dala nyang bag.

Naunang maglakad si Dwaine samin kaya naman naiwan kami ni Amanda, "Papakilala ko sayo si Martin, yung bakla kong friend," pagbubukas ko ng usapan habang papunta ulit kami sa cottage.

"Really? Wow.." Iyon lang naman sinabi nya at luminga-linga sa paligid.

"Ang ganda dito! Private resort ba ito?" Umiling ako at humarap sakanya.

"Kamag-anak kase ni Martin iyong manager ng resort kaya naman madali lang nyang na-book iyong sched natin," sabi ko nalang.

"Martin, bakla! May papakilala ako sayo!" Sigaw ko habang hindi magkandaugaga si Martin sa kakapose.

"Fafa na ba iyan?" Sigaw nya rin habang nakatalikod parin sakin.

"Sabi sayo e, malandi yang baklang yan," natatawa kong sabi kay Amanda kaya napatawa na din sya.

"Parang ang sarap magkaroon ng beki friend," nakangiti nyang saad kaya tumango-tango ako.

"Simabi mo pa! Kaso minsan masasapawan ka dahil sa kalandian nya at kaartehan," pinaupo ko sya sa upuan ng cottage namin.

"Bakla, punta ka muna dito!" Sambit ko at sumunod naman sya pero kumekembot kembot pa sya habang papunta sa cottage.

"Si Amanda, friend ko." Pakilala ko kay Martin, tumaas ang kilay nya.

"Hi!" Sabay wave ni Amanda at may awkward na ngiti.

"Si Martin, yung bakla kong friend na maharot," nakangiti kong sambit.

"Halu!" Matinis na sambit ni Martin sabay hampas sa pwet nya, lokang to.

"Kyshilabs...papunta na daw sila sa cottage natin.." Pag-iinform ni Dwaine kaya naman tumango ako.

"Hala tara, mag bihis na tayo ng beach attire!" Masiglang sambit ni Martin at hinila kaming dalawa ni Amanda.

"Dwaine, maiwan ka muna namin! Hintayin mo na mga kateam mo," sabi ko kaya naman tumango nalang sya.

Nakapunta na kami sa may CR at magpalit. Naka one pice baby pink swimsuit ako ng lumabas sa cubicle.

"Ay pak! Taray ni birthday girl!" Sabay palakpak ni Martin, naka two piece hot red swimsuit naman sya.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon