Chapter 11

10 4 0
                                    

Sports fest ngayon kaya naman bilang girlfriend ng isang baseball player ay kailangan ako sa field upang sumuporta. Kasama ko si Martin, whole week ang sports fest kaya naman ang iba ay kaya lang pumasok para pumirma sa attendance sheets dahil counted pa rin ang attendance kahit na wala namang klase.


"Bakla! Ano na, nasan kana?" Iyan ang unang tanong na bumungad sakin pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag ni Martin.


"Wait lang! Nandito ako sa may cafe, order lang ako ng iced coffee para samin ni Dwaine," sagot ko habang nag hihintay ng inorder ko.


"Wow ha, paano naman ako? Isang macho fafa nalang ang sakin bakla!" Napatawa ako dahil ganon ang code name nya sa mga paborito nyang drinks.


Pinatay ko na iyong tawag nya at pumunta ulit sa counter, "Ah miss..paki add naman ng mocha frappe with caramel for toppings, thanks" then may pinindot sya sa screen na nakaharap sakanya,


"Okay maam, please wait in 3 minutes." Nakangiti nyang saad kaya naman tumango nalang ako at umupo ulit sa upuan kung saan malapit sa may aircon.


Natapos ng iprepare iyong pina-add kong frappe kaya naman nang ibinigay na sakin lahat ng orders ko ay umalis na ako dahil nabayaran ko na naman. Malapit lang ang cafe na ito sa school kaya naman walking distance lang, nagmadali na ako dahil tumatawag na naman si bakla, sinagot ko iyon at ang sakit sa tenga ng kanyang boses.


"Bakla! Ano na, malapit na daw mag simula ang game ng baseball!"


"Wait lang! Malapit na ako, tatawid nalang ako sa pedestrian lane then konting kembot at malapit na ako, sige na bye!" Then pinatay kona dahil napaka OA na nya.


Nakarating na ako sa gate ng school, open gate ngayon dahil may ibang schools na dumadayo kapag sports fest. Sobrang dami ng mga tao dahil higit sa apat na schools ang makakasalamuha ko, bukod doon ay may mga open booths din kaya naman may options sila.


"Excuse me," saad ko habang itinaas iyong dala ko para ipahiwatig na may dala ako.


Nakipagsiksikan na talaga ako dahil iyong iba ay hindi ako pinansin at ang iba ay pinaraan na ako. Nasa hallway palang ako ay rinig na rinig na dito ang sigawan mula sa gym at field.


Nakita ko agad si bakla dahil fitted ang damit nya at agaw pansin iyon dahil nagrereflect ang ibang parte ng damit nya dahil nasisinagan ito ng araw, inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakikipag kamay na ang dalawang teams, naka kulay pulang uniform ang baseball players ng school namin samantalang naka kulay puti naman ang sa kabilang school.


Pinuntahan ko na si bakla at ang gago umirit ng pagkatinis-tinis kaya naman napalingon ang ibang tao samin kasama na doon ang mga players, nakita ko ang nakangiting si Dwaine na nakangiti ng sobrang lawak at kumakaway pa ang kamay na akala ko ay kakandidato.


"Bakla! Kanina kapa hinahanap niyang si Dwaine-y mo! Aba konti nalang at magdadabog na," pagdadahilan ni Martin sakin kaya naman ibinigay ko sakanga iyong hawak ko at pinuntahan si Dwaine,


"Hi," bati ko kaya naman niyakap nya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


"Akala ko hindi mo na sisiputin ang game ko!" Nagtatampo nyang sabi habang nakanguso, natawa ako dahil mukha syang longganisa dahil sa suot nyang uniform at naka salubong pa ang mga kilay nya,


"I love you, galingan mo sa game ha?" Paglalambing ko kaya naman itiningala nya ang mukha ko at hinalikan nya ako ng magaan. Kumalabog ang puso ko dahil PDA ito!


"Anong reward ko kapag naka home run ako?" Nakangisi habang tumataas baba ang kanyang mga kilay, loko to ah? Namula ako dahil naisip ko na naman iyong nangyari sa kwarto ko noong isang linggo. Shit, muntik na akong madevirginize!


"Date tayo," mapanuya kong sabi kaya ang loko pinapakita sakin na magtatampo sya,


"Ha?! Date lang? Ang hina naman ng offer mo..what about kapag naka home run ako...doblehin ko?" Sinapak ko sya kase naisip ko ang gusto nyang ipahiwatig.


"Gago! Hala sige na, nandoon lang ako sa may bench kasama si Martin," sabay turo sa kinaroroonan ni Martin ay ang loko kumaway pa samin kaya natawa kaming dalawa ni Dwaine.


"Watch me Kyshilabs..makaka home run ako!" Mayabang nyang sabi kaya naman tumango nalang ako at tumakbo na din sya papunta sa field.


"Sana lahat.."


"Yay, kakilig naman! Relationship goals!"


"Maghunting na ba ako ng baseball player?"


Mga naririnig kong sabi ng mga manonood habang proud akong bumalik sa pwesto namin dahil taas noo ko pang dinaanan ang mga ito.


"Bakla! Ano iyong nakita kong kissing scene? Aba PDA kayo! Iniinggit nyo ako.."


"Loko! Akin na nga yang iced coffee ko!" Sabay kuha ko ng order ko, nakalimutan ko pang ibigay kay Dwaine ang sa kanya pero mamaya nalang dahil baka makasama pa iyon sa laro nya dahil malamig iyong iinumin nya tapos magbibilad pa sya sa field.


Nagsimula na ang game, parang pa diamond shape iyong field dahil ang may green grass iyon, samantalang parang pa skite shape naman iyong nakapaligid na walang damo siguro ay doon tatakbo ang player na nasa home plate.


Most ng nasa field na maglalaro ay naka kulay puti ang uniform, at kung hindi ako nagkakamali ay iisa lang ang naka pulang uniform at may hawak itong baseball bat siguro ay sya iyong papalo at dapat syang maka home run para sakanila ang puntos.


May kanya kanyang naka assign ang mga players ng kabilang school, ang nasa gitna ay ang pitcher, sa likod ng batter o hitter na nasa home plate ay ang catcher kung saan sya ang sasalo ng bola kung sakali man na hindi iyon mapalo ng batter at mabibilang iyon bilang strike, may tatlong players na mag babantay sa bawat base at tinatawag iyong baseman, kung saan sila ang bantay sa bawat base na tatakbuhin ng batter, kailangan nilang maging alisto sa pagsalo ng bola dahil kung hindi ay may posibilidad na maka-home run ang batter.


Ang tinatawag na infield ay iyong tatakbuhan ng tumirang player kung saan nandoon ang mga bases na kailangan nyang kumpletohin para maka-home run sya at ang outfield naman ay ang mga center, right and left fielders na responsableng habulin, saluhin at ipasa ang bola sa baseman para hindi maka-home run ang kalaban.


Ang coaches ng magkabilang teams ay ang gagabay sa first base kung saan doon ang coach box at ang third base naman ay coach box ulit at sila ang mag sasabi kung sino ang makakapuntos, ang kalaban ba o ang tumira at sila din ang titingin kung sino ang nauna, kung iyong batter ba o ang pagsalo ng bola ng baseman. 


Napansin kong even numbers ang naka print sa uniforms ng players nitong school namin samantalang odd number naman ang sa kabilang team, hindi ko alam kung coincedence lang ba o sumusunod lang sila sa rules.


Pinakilala ng announcer o ng umpire ang magkabilang teams at nasa isang tao lang ang atensyon ko, syempre kay Dwaine lang. Number 16 ang nakaprint na number sa likod nya at sa taas ng malaking number na iyon ay amg surname nya, Almarico. Napangiti ako at nagdasal na sana ay manalo ang team nila at wala sanang aksidente ang maganap.


"Let us all welcome..the baseball players of the PCU team and our visitors school!" Nagsigawan na kaya naman kahit na mainit ang hulab at naiinitan na mga players sa gitna ng field ay parang wala lang iyon sakanila.


Ipinakilala na ang lahat at sinimulan na ang game at lahat ng mga manonood maging ang mga coaches na nasa loob ng field ay seryoso na ang mga mukha.



•___•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon