Chapter 2

26 7 0
                                    

"Good morning, lola at lolo!" Masigasig kong bati nang makarating sila sa kusina, nag handa ako ng almusal namin at dahil namiss ko sila at paborito nilang garlic fried rice, nilagang itlog, kamatis na may patis para sa sawsawan at ginisang talbos ng kamote dahil healthy living na daw sila.


"Wow naman! Ang apo namin oh, masyado kaming iniispoil," nakangiting puri sakin ni lolo kaya naman nagmano na ako sa kanila ni lola at hinalikan nila ang pisngi ko, talagang napaka swerte ko dahil sila ang kumupkop sakin.


"Hanla! Dapat ko lang kayong pagsilbihan dahil namiss ko kayo ng sobra! Tapos nang iinggit pa kayo dahil panay ang send nyo sakin ng mga pictures nyo. Kapag may time ako ipapadevelop ko iyon at ididikit sa pader ng kwarto, kahit na may apo na kayo nagfifeeling young parin," napatawa nalang ako dahil parang kinikilig ang dalawa, shet sana lahat.


"Osya, tara na at kumain dahil alam kong nag-effort kang lutuin ito kaya mahal ka namin Ky-Ky!" Masayang sabi ni lola kaya naman napasimangot ako.


"La naman e, wag na kasing Ky-Ky ang itawag nyo po sakin dahil kung may makakarinig man po na iba ay matatawa sila dahil tatawagin nyo ako ki-ki," nakanguso kong sabi kaya naman tumawa ang dalawa kong mahal. Happiness talaga nila iyong magtatampo ko?


"Hala sya sige, Ky-Ky--" Ayts naman!


"Lola naman e, ang laswang pakinggan po," kaya naman nilagyan ko nalang ang kanilang mga pinggan ng sinangag at pinagtimpla ko sila ng kape.


"Tara na po, kain na po tayo," kaya naman tumigil na kakaasar si lola. Ganadong ganado iyong pagkain nila kaya naman napangiti nalang ako, sobrang namiss ko sila dahil ilang buwan din silang nagsaya.


"Kamusta naman iyong pag-aaral mo, apo?" Pag-oopen ni lolo kaya naman napa-ayos ako ng upo, nilunok ko muna iyong pagkain ko sa bibig at nagsimulang ikwento ang nangyayari sa school,


"Ayos lang naman lolo, medyo nahihirapan ako kase yung ibang prof namin ay minsan lang makipag meet samin tapos may surprise recitation okaya naman ay surprise test kaya naman medyo batak iyong utak namin," natatawa kong salaysay tapos kitang-kita ko sa mga itsura nila na talagang nakikinig sila.


"Tapos, one time po..habang nagpapasagot iyong prof namin ay biglang nag ring ang bell at may urgent meeting daw po kaya naman sobrang saya namin kase po hindi kami nakapag review sa subject nya!" Kaya naman mas lumakas iyong tawa ko dahil nakakatuwa iyong mukha nila lolo, imbis na magalit sila kase hindi ako nakapag review ay napangiti nalang sila,


"Ayos lang naman iyong hindi ka masyadong lulong sa pag-aaral, tao ka parin naman kahit na hindi ka pasado sa ibang subject mo pero kung maaari ay magbutihin mo iyong edukasyon mo, apo ha?" Napangiti nalang ako, ang sarap kapag ganito yung pangaral nila sakin, imbis na pagalitan nila ako ay pangangaralan nila ako na mas makakatulong sakin at motivation ko na rin.


"Opo naman po! Hayaan nyo po, kapag tapos na ako sa pag-aaral ko ay lilibutin natin ang buong mundo para makapag pasalamat po ako, kahit sa ganong paraan po ay maka-bawi ako,"


"Nako, jusko! Ayos na samin nitong lolo mo na makapag tapos ka ng pag-aaral, kung maaari nga ay mag-asawa kana agad at mag-anak para abot pa namin iyong kaapo-apohan namin," nagbibirong sabi ni lola kaya naman sinundan iyon ni lolo.


"Kung maari ay tatlohin mo na ang pag-aanak para may mga makukulit na bulilit dito sa bahay natin, apo." Natutuwang saad ni lolo kaya naman napangiti nalang ako.


"Lolo, iyong apo nyo na sina Denver at Yngrid, ayon po ay binata at dalaga na! Mas naunahan pa nila akong magkaroon ng kasintahan!" Magiliw kong saad kaya naman napahagalpak ng tawa si lolo.


"Nako, itong apo ko napaka hina. Noong panahon namin ng iyong lola, aanyayahan ko lamang syang mag sayaw doon sa may bayan at pagkatapos noon ay magkasintahan na kami! Walang ligawan ang naganap dahil sayang lang iyon sa oras," mayabang na sabi ni lolo habang nagpapakita pa ng muscles nya.


"Ay nako, apo! Iyong lolo mo ay napaka babaero niyan, alam mo bang hinabol sya ng itak ni tatay dahil may nakakita daw sakanya na nakikipag hawakan ng kamay doon sa may fishball-an?" Kaya naman natawa ako dahil nakita kong natahimik si lolo ay sya namang pag hagalpak ni lola,


"Nako, ang iniibig kong si Maria ay tuwang-tuwa pa na ako'y nahabol ng itak ni tatay." Pagkatapos noon ay naglambingan na ulit sila ni lola, edi sana lahat maykalambingan.


Natapos ang agahan namin ng may ngiti sa aking mga labi, namiss ko itong masayang pakiramdam tapos napakagaan sa hininga.


Si Jazzer ay lagi akong kinukulit tungkol kina Yngrid pero wala naman akong masabi sakanya dahil nag deactivate sila ng accounts nila, pero ang balita ko kay tita ay napapunta si Denver sa Mental Institution dahil sa overflowing emotions nya. Naawa ako noon pero pinigilan ko dahil alam kong ayaw nyang kaawan ng iba ang sarili nya. Gusto ko mang sabihin kila lolo at lola ang sitwasyon ng pamilya nila tita ay hindi ko masabi dahil masyado na silang matanda para mag-isip ng ganoong problema at mastress.


Scholar ako sa Provincial Colleges University dito saamin at may part time job ako dito sa bayan, suportado naman ako nila lolo pero noong una ay pingilan nila ako dahil baka daw kalusugan kona iyong madamay pero pursigido talaga ako kaya naman pinayagan na nila ako.


Every month ay ako ang bumibili ng groceries dito sa bahay para naman makatulong ako tapos minsan ay nag tu-tutor ako, malaking tulong iyon dahil masusuportahan ko kahit papaano iyong mga luho ko.


Pinuntahan ko sila lola sa bakuran kung saan doon sila laging nakatambay dahil presko ang hangin doon at talagang nakakarelax.


"Lo, La, bukas po labas tayo. Linggo naman kaya simba muna tayo tapos punta tayo sa mall, ang alam kopo may showing sa cinema kaya panuorin natin iyon!" Masaya kong sambit kaya naman nag-agree sila, ang saya kapag nakakatulong na ako sakanila kahit pakonti-konti lang.


"Hala sige, apo....masaya iyon tapos punta naman tapos sa SPAlarium, pa spa tayo para makapag relax-relax nadin." Masayang suggestion ni lola.


"Sure po! Ikaw lolo saan mo pa gustong pumunta? Gusto nyo sa salon tayo?" Mapang-akit kong sambit kaya naman nag thumbs up sya.


"Asus, kaya nawiwili ka sa salon ay may mga malalaki ang pakwan doon! Nako Francisco, sinasabi ko sayo ha? Matanda kana pero babaero ka parin," parang nagseselos na sambit ni lola kaya naman nagtitigan kaming dalawa ni lolo at sabay na tumawa.


"Si lola, oh! Nagseselos pa, e tyak na sayo parin ang bagsak ni lolo," asar ko kaya naman umaktong dalagang pilipina si lola, hala feeling young talaga itong lolo at lola ko.


"Osya, iiwan kona kayo dyan at mag loving-loving muna. Sana lahat, nang-iinggit pa kayo e," nakanguso kong sabi at umalis na doon sa bakuran at naligo na muna dahil sobrang banas.



   
•__•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon