Chapter 1

42 9 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang kubyertos, nakita ko si tita kung paano sya humagulhol kasama ni Amira. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko kung paano nag histerikal ng ganoon si Denver, kilala ko si Denver bilang isang maloko at masayahing binata pero sa pagkakataong ito, ganon nalang kagunaw ang mundo nya noong sabihin ni Amira na buntis sya pero hindi si Denver ang ama.


"Amira..sino? Sino ang...tatay?" Naguguluhan kong sabat sa tunog ng iyakan nila. Kung hindi ko itatanong ito ay baka hindi ako makatulog, kahit na hindi ako ang nasa katayuan ni Denver ay ramdam ko ang pighati nya. Nasaksihan ko kung paano sila maging masaya sa isa't isa pero napatanong nalang ako sa aking sarili kung bakit namgyari ito.


"Si...iyong k-kaibigan ko, ate," parang kakapusin ang kanyang hininga habang sinabi nya iyon, tatanungin ko na sana ulit sya kung bakit nangyari ito ngunit biglang napatayo si tita at humahagulhol na sinampal si Amira kaya naman ganon nakang ang gulat ko.


"A-anong karapatan mo! B-bakit mo..naman sinaktan ng....ng ganoon ang anak ko?! Tinanggap ka namin bilang isang kapamilya pero, bakit naman ganoon Amira, anak?"


Ramdam ko ang pagkadismaya ni tita kay Amira pero nag-aalala ako sakanya dahil alam kong bawal sa isang buntis ang ma-stress ng ganoon pero wala akong magawa. Tila nabalbado ako, pinakiramdaman ko ang sarili ko at ganon nalang ang awa ko para sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay napaka walang kwenta ko dahil ni wala akong magawa para patigilin sila. Buong buhay ko ay sina lolo at lola ang magpalaki sakin, ang daming tumatak sa puso't isipan ko na mga pangaral nila pero sa puntong ito, na personal kong nasasaksihan ang ganitong pangyayari hindi ko inaasahang madadawit ang presensya ko.

"Tita...Amira, tama na po. Hindi po makakabuti para sainyong dalawa ang ganyan. Wala po akong karapatan para manghimasok pero, pasensya na po dahil hindi ko napigilan ang sarili ko," huminga ako mg malalim dahil nanginginig na talaga ang buo kong katawan lalo na ang aking mga kamay. Mabilis akong kumuha ng dalawang baso ng tubig at ibigay sakanila, napaka tanga ko dahil tubig ang una kong binigay sakanila imbis na pakalmahin muna sila pero sobrang hindi gumagana ang utak ko.

"Uminom muna po kayo, a-alam kong napaka tanga ko dahil ito ako at nag-offer sainyo ng tubig pero iyon lang ang alam kong kaya kong ibigay." Nakayuko kong sabi, nagpatuloy ako dahil hindi naman nila ako pinipigilan.

"Amira, alam ko na alam mo dyan sa sarili mo na nagkamali ka pero sana...sana wag mong kamumuhian ang anak mo dahil una sa lahat wala syang kasa...kasalan," unti-unti ng nagsituluan ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay ako iyong batang nasa sinapupunan ni Amira.

"Buhayin mo sya...alam kong masyado pa kayong mga bata pero responsibilidad nyo iyan. Hindi ko sinasabi ito sayo dahil nagmamarunong a-ako pero sana wag mong sasaktan iyong bata kung sakali man." Napaiyak na ako dahil pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit sakin, ang sakit.

"Tita..sana po tanggapin nyo na...na hindi ang a-anak nyo ang..ang t-tatay noong bata pero sana ay wag nyong kasusuklaman iyong mag-ina," suminghap ako at napahawak nalang sa dibdib.

"Tita kase, ano...walang anak ang gustong kamuhian sya ng kanyang m-magulang. Alam ko pong alam nyo iyon dahil isa kayong ulirang ina. Ako na po ang hihingi nga tawad sainyo dahil pakiramdam ko ay..." Napahinga ako ng masakit dahil hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko.

"Pakiramdam ko po ay kasalanan ko." Nanghihina akong umupo kaya naman nagulat ako kase niyakap ako ni Amira.

"Sorry, sorry po..pasensya na po.."

"Noong, nasa puder po a-ako ng tunay kong ina... She never treated me as hers because she said, I am just a mistake and that mistake is needed to be erase. Noong una..ay hindi ko maintindihan pero habang tumatanda na ako ay ang sakit po pala? Kase mismong nanay ko, ayaw sakin.." Bakit nga ba ako nagdadrama? E, moment nila ito tapos makikidrama din ako?

"Kaya tita, Amira..sana ay bago kayo magkagalit ay pag-usapan nyo muna. Iiwan ko na lang kayo dahil pakiramdam ko ay ako po iyong batang nasa sinapupunan ni Amira, baka sa mismong mga bibig nyo ay makarinig ako na sya ay pagkakamali lamang.." Ngumiti ako ng pagak at tumalikod na sakanila, sayang iyong grasya dahil hindi naman namin naubos lahat at mukhang masasayang lang dahil sa alitang ito.

Nagplano akong silipin ang magkapatid sa labas pero hindi kona itinuloy ang balak ko dahil baka mas lalo lang akong masaktan dahil alam kong hindi lang si tita at Denver ang may problemang kinahaharap dahil maging si Yngrid ay halata sa buong itsura nya na napapagod na din sya.

Nagkulong ako sa kwarto ko at inilock iyong pinto, bakit ang sakit din nitong nararamdaman ko, e sa katunayan ay hindi naman ako dawit sa problema nila? Gusto kong tumakbo habang naghihimutok kina lolo at lola pero hindi ko magawa dahil bukod sa wala sila dahil nagsasaya ay masyado ka silang matanda para tumanggap ng rants ko at baka maging sanhi pa iyon ng pagka-stress nila.

"Lord, I know you're listening.... I just want to have a little talk... Please, can you make this stop? I am starting to hate this feeling po, kase feeling ko bawat pagkakamali ay ako ang dahilan.." Madrama kong sabi habang umaagos iyong luha ko. Bakit ko ba kase nararamdaman ito? Akala ko tapos na iyong delubyo ng buhay ko dahil wala na ako sa puder ni nanay pero bakit parang nauulit na naman?

"Wag nyo po sanang hayaan na mapahawak ang mag-ina at sana po ay maging maayos na po ang buhay nila tita. Hinihiling ko po na sana ay mas maging masaya pa sina lola at lolo, kahit iyon nalang po. Kahit na..kahit na wag nalang po ako b-basta maging masaya ang lahat ay masaya na din po ako.." Humihikbi kong salita, medyo umayos iyong pakiramdam ko dahil sa pag-oopen ko kay Lord, kaya naman nang gabi ding iyon ay nakatulog ako.

Nang matapos ang school year, nagdesisyon sila tita na umuwi na sa kanila at iwan ang nakaraan, kasama na doon sa mga iniwan nila ay ako pati sina lolo at lola. Sa buong tatlong araw ay mag-isa ako at naging malungkot ang bakasyon ko dahil nawala na iyong nag-aasarang sina Yngrid at Denver. Natinag ang pagkatulala ko ng may kumatok sa pinto ng bahay habang sumisigaw, kaya napag pasyahan kong buksan ang pinto..

"Yngrid! Kausapin mo naman ako...please?" Nagdadalamhating saad ni Isaac habang parang puyat na puyat sya.

"Isaac..wala na sina Yngrid dito. Umalis na sila kaya umalis kana din dito." Mababa kong sabi pero ang gago parang tangang tingin sakin

"Hindi ako naniniwala! Yngrid! My venus!" Sigaw nya parin kaya naman pinasuyod ko sakanya ang buong bahay namin para matigil na sya at bigo syang umalis sa bahay. Naawa ako para sakanya at para kay Yngrid dahil hindi man lang naayos iyong problema nila baka sila umalis.

Bukas ay dadating sina lolo at lola dahil nalaman nilang wala na akong kasama dito sa bahay, pingilan ko sila dahil alam kong sabik sila sa pagbabakasyon dahil alam kong ngayon lang nila mararanasan iyon pero ako parin ang inalala nila kahit ang kapalit ay ang masayang bakasyon na sasalubong sakanila.









    •__•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon