Chapter 23

8 3 0
                                    

"Lolo! Lola, tara na po.." Aya ko dahil ngayon araw na ito ay recognition na.

"Sandali lamang, apo at napaka bagal nitong lolo mo," sabi ni lola kaya naman hinintay ko sya.

Nagkasundo kaming magkita nalang ni Dwaine sa university dahil aawardan din naman sila. Sa wakas, next school year ay graduating na ako at third year college naman noon si Dwaine.

"Tara na apo," tumango nalang ako ng matapos na si lolo. Nag-arkila kami ng sasakayan papunta sa university.

Nang makarating na kami ay sobrang dami ng tao, hinawakan ko sa magkabilang kamay sila lolo para hindi ko sila maiwan. Sisikan ang ibang parte ng university, nagsisimula na pala ang awarding. Pinaupo ko sila lola sa monoblocks at tumayo naman ako.

Nasa second year na pala ang awarding kaya naman noong sa Education na ay nag focus ako, nang tinawag na nag emcee ang pangalan ni Dwaine ay sobrang abot hanggang langit ang ngiti nya. Ang dami nyang award at isama pa iyong pagiging sporty nya, nakaka proud.

Nang nasa third year na ay inayos kona ang sarili ko, matapos matawag ang ilan sa mga kaklase ko sa Biology ay ako na ang sunod na tinawag. Umakyat ako sa stage at nakipag kamay.

"Congratulations, Ms. Trinch.." Sambit ng dean namin.

Ngumiti ako, "Salamat po," ibinigay na sakin ang ilang certificates at medals ko kaya naman humarap ako sa libo-libong estudyanteng naroon at pinicture-an kami.

Pagkababa ko ng stage ay biglang may sigaw kaya naman napa ngiti ako, "Whoo! Kyshilabs ko yan!" Proud na sigaw ni Dwaine. Lumapit ako sakanya at niyakap namin ang isa't-isa.

"Tara na, puntahan natin sila lolo," pag-aaya ko at tumango nalang sya habang nakapulupot ang isa nyang braso sa likod ko at mahigpit na hinawakan ang bewang ko gamit amg kamay nya.

"Lolo, lola oh! Si Dwaine hinakot lahat ng awards!" Loko kong sabi at napatawa naman sila ng bahagya, nakita kong papalapit sina tita at tito samin kaya naman humarap ako sakanila at nagmano.

"Tita, tito..sina lolo at lola ko nga po pala.." Pakilala ko kaya naman nag bless din sila kila lola.

"Tara na sa mall at magcelebrate!" Masiglang aya ni lolo kaya naman sumakay na kami sa sasakyan nila Dwiane.

Si tito ang nasa driver seat at si tita naman ang katabi nya. Sa passenger seat naman na nasa likod nila tito ay sina lolo at lola at kaming dalawa ni dwaine ang magkatabi sa likuran.

"Proud ako sayo, Kyshilabs!" Sambit nya kaya naman ngumiti ako.

"Ako din, proud ako sayo, Dwaine-y.." Then dinampian nya ako ng magaan na halik dahil nasa harapan namin sila lolo at sina tita

Nang marating namin ang mall ay agad kaming kumain sa fastfood chain at masayang nagkwentohan, mga tatlong oras din ang inilagi namin sa mall dahil pagkatapos naming kumain ay nag shopping muna kami at sunod ay nanood ng sine.

Nagpaalam kaming dalawa ni Dwaine kina tita at tito pagkahatid nila samin sa bahay, "Tita, tito..thank you po." Sabi ko kaya naman ngumiti si tita.

"Tay, dito muna ako kila Kyshi, uuwi nalang ako mamaya." Tumango naman sina tito.

"Paano po, una na kami." Paalam ni tito kina lolo.

"Sige, mag-ingat kayo sa byahe.." Saad naman ni lolo.

Pumasok na kami sa bahay, "Mga apo, proud kami sainyo ng lolo nyo," nakangiting sambit ni lola kaya naman niyakap ko sya.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon