Chapter 13

10 3 0
                                    


"Oh fafa, mag iced coffee ka muna.." Singit ni Martin sa usapan namin kaya naman tinanggap ni Dwaine iyon.


"Malamig pa ba? Sorry nakalimutan ko kasing ibigay sayo kanina kaya naman natunaw na ang yelo, may lasa pa?" Tanong ko kaya naman tinikman nya at tumango.


"Ayos na ito! Thank you, napaka supportive naman nitong girlfriend ko!" Sabi nya habang naka baon ang mukha nya sa tyan ko dahil nakayakap sya sakin..


"Hoy duwende, PDA na ito.." Paalala ko pero nakiliti ako dahil mas binaon nya pa ang ulo nya sa tyan ko.


"Energizer lang, boss!" Paglalambing nya sakin kaya hinayaan kona.


"May masakit ba sayo? Ano, kaya pa?" Tanong ko naman kaya nag thumbs-up nalang sya.


"Ayos na ako, nandito ang girlfriend ko e!" Masaya nyang sabi kaya naman napangiti nalang ako.


"So..how's my game?" Bigla nyang tanong kaya napatawa na naman ako, humiwalay sya ng yakap at ngumuso,


"Ayos! Super galing, first time kong makanood ng nag split para lang maka home run!" Proud kong sabi habang nakangiti dahil talagang pinipigilan ko ang tawa ko. Bigla syang tumayo kaya naman tumingala ako dahil ang tangkad nya.


"Pengeng pain reliever!" Saad nya at bigla akong hinalikan, tutugon na sana ako kaso humiwalay na sya. Ayts! Nakakahiya, buti nalang at humiwalay sya dahil muntik ko ng makalimutan na nasa public kami.


Tumawa sya ng malakas kaya naman gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Tinawag na ang team nila dahil magsisimula na daw ulit ang game.


"Tara na bakla, balik na tayo doon sa bench natin," aya ni Martin kaya naman nagpatianod na ako sakanya.


Nagsimula na ulit ang laro, center fielder si Dwaine kaya naman kinabahan ako dahil alam kong malaki ang ambag ng fielders sa laro, lahat naman ay malalaki ang mga ambag pero ang tatlong fielders ang may malaking ambag pero mas malaki pa rin ang thrid baseman.


Ang pitcher ay si number 2, ang catcher naman ay si number 8, ang dalawa pang fielders na kasama ni Dwaine ay sina number 10 at 4 then the rest of their players are in the bases.


Pumalo si number 3 ng malakas kaya naman hinabol iyon ng left fielder, nakuha naman nya ito pero nasa short stops na si number 3 kaya naman binato ng left fielder ang bola sa ka-team nya na nasa second base at ibabato na sana sa third baseman kaso nakapag base na si number 3.


"Home run!" Then nagsigawan na naman.


Sunod na pumalo ay si number 1, malakas ang pagkakapalo nya kaya naman hahabulin na sana ng right fielder ang bola kaso napunta ang bola sa foul line kaya naman hindi na counted iyong takbo ni nimber 1 pero bumilang iyon sa error.


Pinalo ng malakas ni number 7 ang bola at tumakbo ito ng matulin, ang bola ay papunta sa warning track kaya naman hinabol ng center fielder ang bola at tumalon si Dwaine ng mataas kaya nakuha nya ang bola at dali-daling binato ang bola sa player na nasa second base pero nakapag base na ang kalaban kaya naman mataas na binato ng player sa second baseman ang bola papunta sa third baseman at walang pag-aalinlangan na itinap ang bola sa base, kaya hindi iyon home run pero counted pa rin naman ang takbo ng batter. 


Si number 5 naman naman sunod na batter, napaka tangkad nya ang laki ng katawan nya. Nang binato na ng pitcher ang bola ay sa sobrang lakas ng palo nya sa bola ay ang taas ng abot nito kaya naman hinihintay ng mga fielders na bumaba ang bola pero nasa second base na ang batter noong naipasa ng left fielder ang bola sa baseman at akmang ibabato na ng baseman sa third baseman ay nadapa si number 5, naghiyawan ang mga tao at sabay na tinap sa base ang bola ng player kaya hindi home run iyong effort nya pero counted naman sa run. 


Natapos ang laro na parang alternate lang ang home run at hindi. Panalo ang baseball team ng school namin, kahit ang dalawa sa players namin ay injured dahil iyong isa ay na sprain at ang isa ay masakit ang mga hita dahil sa split nya at iyon ay si Dwaine.


Nakita kong nakipag kamay ang dalawang teams sa isa't-isa at nakipag fist bump naman ang iba.


"Bakla, go! Tara na sa Dwaine-y mo," sabi ni Martin kaya naman pinuntahan na namin sila Dwaine.


Nakangiti akong sinalubong ni Dwaine, kaya naman nginitian ko din sya at yumakap sakanya. "Naks!" Sabi ko kaya naman umakto syang pinapakita ang muscles nya.


Napatawa ako at umiling, ganito ang mayabang na Dwaine. "Kyshilabs! Home run tapos panalo!" Pahiwatig nya kaya naman tumango nalang ako habang natatawa dahil naiisip ko parin iyong pag split na ginawa nya.


"So..anong gusto mong reward?" Tanong ko kaya naman nag-isip sya ng kunwari.


"Kung ituloy natin yung Tagaytay trip natin? Sorry kase na postponed, alam mo na..practice game.." Sabay kamot sa batok na sabi nya.


"Go! Pero daan tayo sa Mcdo," sabi ko kaya natigilan sya.


"Akala ko ba ay nag resign kana?" Kaya naman tumango ako bilang sagot.


"May ipapakilala lang ako sayo...katrabaho ko iyon tapos part timer din sya," nakangiti kong sabi kaya naman tumango na lang sya. Nagpaalam na si bakla samin dahil may kikitain daw sya, nag resign na ako doon sa Mcdo pero nag-apply naman ako sa coffee shop na malapit lang dito sa school, tumatanggap naman sila ng part timer kaya tinanggap na nila ako at isa pa ay may tinututor pa naman ako, si Martin.


"Hmm, Dwaine-y? Nga pala..nag-apply ako sa coffe shop dyan malapit sa may school, tinggap naman nila ako dahil ang sabi ko ay part time lang at hindi regular so thrice a week din ang sched ko kaya..okay lang naman diba?" Halatang nakikinig talaga sya dahil masinsin ang pagkakatitig nya sakin saka tumango,


"Okay, mag-iingat ka doon huh? Text mo lang ako kapag malapit ka ng mag out at susunduin kita," kaya naman nagpasalamat ako sakanya.


Hinintay ko sya sa may hallway dahil nasa private shower room sila ng mga ka-team nya dahil maliligo sila para fresh na pagkalabas ng school. Natapos na si Dwaine kaya naman pumunta na agad kami sa terminal ng jeep at pumunta sa Mcdo, tinext ko si Tracy na pupunta kami doon at sinabi nyang tama lang daw ang oras ng pag punta namin dahil kaka-out nya lang.


Nag-order muna si Dwaine ng kakainin namin habang hinihintay si Tracy, ang sabi ko nga ay ako nalang pero pinigilan nya ako dahil ako nalang daw ang makipag kita muna kay Tracy dahil kakilala ko naman sya, hanggang ngayon ay hindi ko pa sinasabi kay Dwaine na ang manager namin ang isa sa mga humabol sakin at dahilan kung bakit ako nag resign.


"Diara! Namiss kita, kamusta kana?" Sigaw ni Tracy kaya naman napangiti nalang ako,


"Upo ka, hintayin muna natin yung boyfriend ko. Umorder lang sya para satin para habang ipinapakilala ko kayo sa isa't-isa ay may makakain tayo," sabi ko kaya naman umupo na sya.


"Wow," sabi nya at namamangha parin dahil totoong may boyfriend na ako.


Nang nakita kona si Dwaine ay tumayo na ako para tulungan sya, "Ah Tracy, si Dwaine..boyfriend ko. Dwaine, si Tracy, sya yung ka close kong part timer dito." Nakangiti kong sambit pero ang dalawa, gulat na gulat.


"S-si Dwaine?!" sigaw ma gulat ni Tracy kaya naman tumango ako,


"Bakit? Magkakilala na ba kayo?" Tanong ko at tumingin kay Dwaine.


"Magkababata kami ni Tracy," simple nyang sabi at binigay na ang pagkain namin.


"Ah, so magkakilala na naman pala kayo edi mas okay kase hindi na ako mahihirapan," sabi ko nakang at kumain na. Nakita kong nakangiti si Tracy at nagpasalamat sa libreng pagkain.


Naging masaya kaming tatlo dahil ang daming kwento nila Dwaine at Tracy sa isa't-isa tapos ako ay nakikitawa okaya ngiti lang, umuwi kaming tatlo at hinatid muna namin si Tracy bago ako hinatid ni Dwaine.


"Bye, ingat ka huh? So sa sabado nalang?" Sabi ko kaya naman tumango sya pagka tapos ay hinalikan ako at nagpaalam na.





•___•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon