Chapter 34

12 2 0
                                    


"Good morning, la.." Bati ko kay lola pagkakita ko sakanya sa may kusina.


"Maganda umaga, ano iyang niluluto mo, apo?" Tanong nya habang papalapit sakin.


"Onion fried rice po, tapos omelet at calamansi juice," pagpapahayag ko sa mga niluluto ko.


"Onion? Hindi ba at garlic dapat iyon, apo?" Bigla akong nawalan ng gana.


"Ayoko po non, ang bango po kasi ng ginisang sibuyas...kung gusto nyo po ay...magluluto nalang po ako ng iba," mahina kong sabi, ayoko non...hindi ko alam pero ayoko ng garlic fried rice.


"Nako, hindi wag na...nagtaka lang ako kase sibuyas iyong nilahok no sa sinangag," nakangiting sabi ni lola kaya parang bigla akong sumigla.


"Tara na po, kain na po tayo," yakag ko kay lola pagkatapos kong patayin ang kalan.


Masigla akong kumain habang si lola ay panay ang tingin sakin, "La? May problema po ba?" Nagtataka kong tanong.


"Ay nako, wala iyon apo," sabay iling habang kinukumbinsi ako na wala iyon.


Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain, pagkatapos ay ako na din ang naghugas dahil pinapunta kona si lola sa kwarto nya para magpahinga.


Napagpasyahan kong bisitahin sina tita dahil matagal na din noong nakapunta ako sa bahay nila Dwaine.


Hindi pa rin nagpaparamdam sakin si Dwaine, dahil siguro busy sya pero hindi ko alam kung saan.


"Lola, pupunta lang po ako sa palengke...may bibilhin lang po," paalam ko at lumabas na ng bahay.


Pumara ako ng sasakyan, "Manong, sa palengke po," sambit ko at umarangkada na ang sasakyan.


"Salamat po," pagkababa ko ng sasakyan ay nagbayad na agad ako ay pumunta sa loob ng palengke, doon ako dumaan sa dry section.


Bibili lang ako ng ingredients para sa pang carbonara, ang alam ko kasi ay mahilig doon si tita..bigla tuloy akong natakam sa carbonara, lalo na kapag madaming cheese at milk ang nailagay sa pasta, hmm sarap.


"Ate pasta po, tapos pakilagay na din po ng mga rekado para sa carbonara, pakidagdagan po ng cheese...thank you po," sambit ko sa tindera habang nilalagay sa eco bag iyong mga binibili ko, buti naalng at iyong tindahan na napuntahan ko ay naroroon na ang lahat kaya naman isahang lakadan nalang.


"Ate eto po, thank you po," inabot ko iyon g mga pinamili ko at nag bayad.


Pumunta naman ako sa bakery, ang sarap ng amoy! Biglang kumalam ang sikmura ko laya naman pumili na ako ng gusto ko.


"Ate ensaymada po tapos egg pie," sabi ko sa tindera at naghintay ng ilang minuto, paniguradong masarap ang mga tinapay dito dahil halos dumugin na ito ng mga tao, buti nalang at nakapila kaya naman hindi masyadong magulo.


Kumuha ako ng panyo sa bag ko at pinunasan ang ang pawis sa aking mukha hanggang leeg, may naamoy akong mabagsik laya naman napatakip ako sa aking ilong gamit ang aking panyo at pinigilan ang aking pagsuka, nakakasuka iyong amoy, hinanap ko iyong amoy na iyon at napagtanto kong hot choco iyon dahil katabi ko pala ang vendo machine.


"Ate, ito na po iyong ensaymada at egg pie nyo," nagpasalamat ako dahil tapos na ang aking paghihintay.


Nagbayad na ako at hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko iyong dapat na isusuka ko kanina, kiniha ko na ang mga pinamili ko, habang naglalakad ako papunta sa terminal ng mga sasakyan ay nakakita ako ng nagtitinda ng buko juice, lunapit ako doon.


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon