Chapter 19

9 3 0
                                    

"Good morning, lola, lolo!" Masaya kong bati sakanila habang naghahanda ng almusal namin, sa wakas ay tapos na din ang thesis week.

"Maganda umaga din, apo.." Bati ni lolo.

"Morning, Ky-Ky," napang-asar na bati ni lola kaya napanguso ako.

"Ahm..lola,lolo..papaalam po sana ulit ako," pagbubukas ko ng topic habang kumakain kami.

"Saan ba ang punta mo?" Tanong ni lolo,

"Sa birthday ko po ay..nagkayayaan na mag beach party.." Panimula ako.

"Aba, oo nga pala at malapit na ang kaarawan mo.." Sabi naman ni lola kaya napatingin ako sakanya,

"Pwede po ba akong mag-overnight sa resort? Kasama ko naman po sina Martin, Dwaine tapos may bago pa po akong kaibigan na si Amanda.."

"Nako, sakin ay ayos lang, apo. E sa lola mo kaya?" Napatingin naman ako kay lola.

"Hala sya sige, papayagan kita pero sa umaga ay tayo munang tatlo ng lolo mo ang mag celebrate, ayos ba iyon?" Napangiti ako kaya tumango ako,

"Opo! Sayang nga po at hindi ko kayo maisasama ni lolo sa beach dahil masyado po iyong malayo at bawal na naman po kayong magbyahe ng gabi.." Pagdadahilan ko.

"Nako, ayos lang iyon. Nandoon naman pala si Dwaine kaya naman panatag na ang loob ko, apo." Sabat naman ni lolo.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, nang matapos na ay ako na ang nagligpit noon, nagpaalam na ako kila lola at pumasok na sa school.

Nakita ko si bakla na may hawak na mga bond papers, "Oh, bakla ano yan?" Tanong ko dahil hindi magkandaugaga ang itsura nya.

"Thesis, bakla."

"Huh? E kahapon yung deadline nyan, ah?" Pagtatanong ko dahil naipasa ko na ang thesis namin ng kagroup ko, hindi ko kagroup si Martin kaya ganyan nalang sya ka-stress.

"Humingi kami ng palugit kay prof, pinayagan naman kami kaso hanggang ngayon nalang.." Napahilamos nalang sya sa mukha nya, tinulungan ko syang ayusin iyon dahil arrangements nalang daw naman ang kailangan kaya ng matapos na ay sinamahan ko syang ipasa iyon sa office ng prof namin.

"Success, bakla!" Masaya nyang sigaw kaya naman napatawa ako.

"Asus, kanina lang ay para kang nalugi.."

"Si sister naman.."

"Tara na sa room, baka nandoon na ang prof.." Kaya naman pumunta na kami sa room.

"Ano bakla, ready kana ba for tomorrow?" Pagtatanong ni bakla kaya naman tumango nalang ako.

"Ready na, nga pala may inaya ako si Amanda.." Sabi ko kaya kumunot ang noo nya.

"Amanda?"

"Friend ko, nagkakilala kami sa cafe.."

"Ay nga pala bakla, nasabi mo na ba kay Dwaine-y mo na may overnight tayo?" Kaya naman napailing ako.

"Mamaya ko nalang sasabihin, dalawang araw na kase kaming hindi nagkikita dahil alam mona..thesis week din nila..umabsent din ako sa trabaho ko dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko," pagdadrama ko dahil totoo naman na hell week nga iyon bukod pa sa exam namin.

Natapos ang klase at pumunta na ako sa coffee shop, maingat ang bawat galaw ko dahil pakiramdam ko ay prone na ako sa aksidente at baka iyon pa ang ikasanhi ng pagkasisante ko. Halos anim na oras din ang trabaho ko bilang part timer. Nagtext sakin si Dwaine na naghihintay na daw sya sa labas ng shop, ang reply ko naman ay pumasok muna sya pero nag text ulit sya na hihintayin nalang daw nya ako sa labas.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon