Chapter 20

9 3 0
                                    

"Happy birthday, to you.." Pagkanta nila lolo at lola, nakayakap naman sakin sa likod ko si Dwaine habang binubulong sa tenga ko ang kanta nya.

"Happy birthday!" Bati nilang tatlo kaya napa ngiti ako,

"Thank you po!" Magiliw kong pagpapasalamat kina lolo at hinalikan ang mga pisngi nila.

"Happy 21st birthday, Kyshilabs.." Ngumiti ako at dinampian sya ng halik.

"Thank you, Dwaine-y!" Pagkasabi ko noon at iniikot nya ako at nag sayaw kami kahit walang tugtog, iikot ako tapos ay ibebend ko ang likod ko at sasaluhin naman nya ako.

"Osya, tara na at kumain.." Pag-aagaw pansin ng boses ni lola kaya naman napatawa si lolo.

"Nako, iniibig kong Maria, halika't isasayaw din kita," nakangiting sambit ni lolo kaya naghiyawan kaming dalawa ni Dwaine.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan, naglabas ng wine si lolo kaya naman naki cheers narin kami. Inabot kami ng tanghali at napag pasyahang magligpit na.

"Alis na po kami, lolo, lola," paalam ko at nagmano na kaming dalawa ni Dwaine.

"Dwaine, hijo..ingatan mo ang apo namin." Sabi ni lolo kaya naman napatango nalang si Dwaine.

"Opo, lolo. Iingatan ko po itong Kyshilabs ko.." Nakangiting tugon naman ni Dwaine.

"Maasahan ko ba ang pagkakaroon ko ng panibagong apo?" Natatawang asar ni lolo kaya naman ginatungan ito ni Dwaine.

Nagpaalam na kami at pumunta na kami sa bahay nila Dwaine, nakita ko sina tita at tito na nakaupo sa may upuang kahoy,

"Tita, tito!" Bati ko kaya naman napatingin sila sakin.

"Oh hija..happy birthday.." Bati ni tita kaya naman nagmano ako sakanilang dalawa ni tito.

"Happy birthday, hija.." Bati naman ni tito.

"Thank you po," sambit ko naman.

"Halika't magmeryenda ka muna," hikayat ni tita pero umiling ako,

"Nako hindi na po, hinihintay ko lang naman po si Dwaine. Overnight nga po pala kami sa White Sand Beach Resort," paalala ko kaya naman may inihabilin pa sila sakin, nakita kong lumabas na si Dwaine.

"Tay, nay, alis na po kami.." Sabay halik sa pisngi sa mga magulang nya.

"Tita, tita, bye na po.." Paalam ko rin.

"Ingat kayo sa byahe, happy birthday ulit!" Masayang sabi ni tita kaya naman pumunta na kami sa sasakyan.

Tinext ko na si Amanda at sinabing on the way na kami, nag reply naman agad sya na papunta na din sya. Biglang tumunog ang phone ko, si bakla tumatawag at sinagot ko iyon.

"Yes, hello.." Sabi ko kaya naman sumakit ang tenga ko ng umirit sya,

[Bakla! Happy birthday! Nasan kana?]

"On the way na," tipid kong sabi at napasinghap ng biglang diniinan ni Dwaine ang pagkakahawak nya sa hita ko,

[Nag-invite ka ba ng mga fafa]

"Oo! Players, para sayo talaga 'tong celebration.." Asar ko kaya napatawa sya.

[Asus! Byee na, pumipili pa ako ng swim suit ko] Pagkasabi nya noon ay pinatay na nya ang tawag.

"D-Dwaine.." Pigil ang hininga ko ng lumandas ang mahahaba nyang daliri sa singit ko.

"What?" Patay malisya nyang sabi kaya naman napahawak nalang ako sa braso nya.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon