Chapter 25

10 3 0
                                    

"Saan ko ito ilalagay, Kyshilabs?" Tanong ni Dwaine habang naka sabit pa rin sa mga kamay nya iyong pinamili namin.

"Lagay mo nalang sa may counter table," walang lingon-lingon kong sabi dahil naghahanap ako ng mga gamit na paglulutuan ko.

"You need help?" Baritonong tanong nya, shet talaga, kapag kase nag-eenglish ay mas prefer ko iyong kapag naughty yung sasabihin nya, pero ngayon? Para bang first time ko syang narinig magsalita.

"Pakipuntahan nalang sina lolo doon sa may bakuran, ako na bahala dito. Magpakita ka sakanila para malaman nilang nandito ka tapos chismisin mo," natawa sya dahil siguro doon sa utos kong chismisin sila lola.

"Okay, just call me when you need help," sabay halik sa tuktok ng ulo ko, napangiti nalang ako.

Matapos kong makuha lahat ng mga gamit na gagamitin ko para sa lulutuin ko ay isa-isa ko ng binalatan ang ang mga ingredients ko, bumili na din ako ng gata para hindi na ako magkakayod. Hiniwa ko na ang mga saging, langka, at kamote pagkatapos ay hinango kona ang sagong pinakuluan ko, niluto kona iyong ginataang saging at habang nag hihintay ay nagtimpla na ako ng juice at kumuha ng mga baso.

Tiningnan ko sila Dwaine sa may bintana kung saam makikita doon ang bakuran, ang saya nila dahil halos malaglag na ang pustiso ni lolo habang may chinichismis sa isa't-isa.

Inihanda ko na ang paglalagyan ng niluto ko dahil luto na iyon ay sinerve. Inuna ko ang pitsel na may juice, nang makalabas ay natigilan sila lolo.

"Oh, luto na ba apo?" Masayang tanong ni lolo kaya naman ngumiti ako.

"Opo! Wait lang po at nasa kusina pa,"

"Tulungan na kita, Kyshilabs," tumango nalang ako.

"Asus ang mga apo ko oh! Ano Ara, may magiging apo na ba ulit ako?" Natatawang sambit ni lolo kaya naman napailing nalang ako.

"Si lolo, gusto na agad akong magkaanak e hindi pa naman stable buhay ko.." Kalmado kong sabi.

"Ay nako! Alssyd, hijo..napaka hina mo! Noong panahon ko ay--" napatigil si lolo dahil hinampas sya ng mahina ni lola kaya naman ayon, naglambingan na naman sila.

"Pano ba yan? Gusto na ni lolo ng panibagong apo.." Makahulugang sabi ni Dwaine noong nasa loob na kami ng kusina dahil kinukuha na namin iyong niluto ko.

"Hoy ikaw Dwaine ha? Aba nag-aaral palang tayo tapos wala pa akong trabaho.."

"Wow...so sakin mo pala gustong bumagsak huh?" Binunggo ko sya ng mahina.

"Gunggong!" Mahina pero marahas kong sabi pero tinatawanan lang ako.

"Kainan na!" Masaya kong sabi at binigyan sila isa-isa ng mangkok.

"Salamat apo!" Saad ni lolo kaya naman napangiti nalang ako.

"Grabe ang sarap!" Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil bahagyang umungol si Dwaine habang ninanamnam ang niluto ko.

"Bolero! Gutom lang yan.." Natatawa kong sabi pero umiling sya habang puno ang bibig.

Nag thumbs up sya, "Tunay, Kyshilabs! Masarap.." Naestatwa ako saglit dahil ibang masarap ang naisip ko, shet.

"Apo, ang sarap naman nitong luto mo," puri ni lola kaya naman napangit ako.

"Hala kayo ah? Pinapalaki nyo ang ulo ko..bahala kayo baka sumabog ako!" Natatawa kong sabi pero natigil iyong ng bumulong sakin si Dwaine.

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon