Chapter 27

9 3 0
                                    


Maaga akong gumising dahil ang sabi ni Dwaine sakin kahapon bago sya nagpaalam ay mahigit dalawang oras iyong magiging byahe kaya naman 4 AM palang ay maghanda na ako.


Beach club daw iyon kaya naman nagdala na rin ako ng swimsuit at beach dress, pagkatapos kong gumayak ay lumabas na ako sa kwarto ko at dala-dala ang mga gamit.


Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas kaya naman alam kong si Dwaine iyon, binuksan ko ang pinto at hinintay sya, pinatay nya ang makina at lumabas na sya sa sasakyan.


"Good morning, Kyshilabs.." Bati nya sakin sabay halik sa tuktok ng ulo ko.


"Good morning, tara pasok ka..kumain muna tayo mg almusal bago magbyahe," at hinila na sya papunta sa loob.


"Sina lolo?" Tanong nya pagkaupo nya sa upuan doon sa may hapag kainan,


"Nasa kwarto pa, wait lang tatawagin ko lang para sabay-sabay na tayong mag umagahan," sambit ko at iniwan muna sya para puntahan sina lolo sa kwarto nila.


Kumatok ako sa pintuan ng kwarto, "Papasok po ako," paalam ko at tuluyan ng pinihit ang door knob, lumakad ako palapit sa kama nila at napansin kong gising na naman sila.


"Tara na po, mag-agahan na po tayo," anyaya ko sakanila kaya naman tumayo na sila.


"Napaka aga naman apo, teka diba ngayon ang alis nyo ng nobyo mo?" Tanong ni lola kaya naman napatango ako.


"Opo, nandito na po sya, kakarating lang kaya naman po sabay-sabay na po tayong mag-agahan tutal ay alas singko na din naman po," sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto nila.


"Good morning po!" Masayang bati ni Dwaine kila lolo.


"Maganda umaga din apo," sambit naman nilang dalawa at umupo na.


"Kainan na.." Sabi ko at kumain na kami, nang matapos ay ako ang nagligpit ng mga pinagkainan namin.


"Lolo, Lola, aalis na po kami," paalam ko at nagmano sakanilang dalawa.


"Osya, mag-iingat kayo mga apo, Alssyd..ingatan mo ang apo namin," payo ni lolo kaya naman nagmano na rin si Dwaine kina lola.


"Opo, alis na po kami," paalam nya at sumakay na kami sa sasakyan.


Nagseatbelt kaming pareho pagkatapos naming maayos iyong mga gamit namin, "Ready kana?" Tumango nalang ako.


Bandang alas sais na din kami nakaalis, "Dwaine-y.." Sambit ko kaya naman pinagsalikop ni Dwaine ang mga kamay naming dalawa habang nag mamanehi sya.


"Yes, Kyshilabs?" Nakangiti nyang sambit habang nasa daan ang paningin nya.


"Proud ako sayo kase..naks! Pang international na yung pagka-propesyonal mo bilang baseball player," nakangiting puri ko kaya naman mas lumawak ang ngiti nya,


"Wow, kinikilig naman ako e," natawa ako dahil nababakla na naman sya.


Nag-usap pa kami sa kung anong mga bagay hanggang sa makarating kami sa beach club na pinareserve nila para sa celebration na gaganapin.


"Hi!" Bati samin nila Terence, wow nandito si Amanda?


"Hi, Amanda!" Bati ko dahil nagtataka parin ako.


"Well, jowa ko si Amanda!" Nagulat ako dahil napakabilis.


"Tara na guys! Let's party na!" Sigaw ng mga kateam ni Dwaine kaya naman nag party na kami dahil ito naman ang agenda namin, hanggang sa maghating gabi ay nagcecelebrate kami.


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon