Chapter 1 "wedding"

1.6K 35 20
                                    

Third person's Pov.

Ito ang nakatakdang araw sa gaganaping kasal ni Rhiann Calabim sa isang anak ng ka-business partner ng kaniyang magulang na si Bryan Matines na kung saan ay magkaklase ang dalawa.

Marami ang dumalo sa kanilang kasal sapagkat kilalang tanyag na mahusay na negosyante ang kanilang mga magulang. Dumalo rin ang kanilang mga kaibigan. Napaka-elegante at napaka-bongga ng kasalang ito, sapagkat ang kanilang mga magulang ay magkaibigan lalo na sa negosyo.

   Marami ring mga kaklase at school- mates nila ang pumunta na bakas ang saya para sa ikakasal. May iba ring tila naiinggit kay Rhiann, dahil pinakasalan ng isang Bryan Matines si Rhiann Calabim. 'Yong iba naman ay nagsasabing bagay na bagay ang dalawa.

Nagsimula na ang serimonya ng kasal. Unang naglakad ang mga Ninang at mga Ninong ng ikinasal. Hanggang sa sunod-sunod nang pumasok ang iba pa. Ang bride na ang huling naglalakad sa aisle kasama ang mga magulang nito.

Manghang-mangha ang mga dumalo na nakatingin kay, Rhiann, habang naglalakad at inalalayan ng kaniyang mga magulang. Napaka-ganda nito sa suot na puting gown na may magandang design sa harap.

Talagang makikita mong galing sa mayamang pamilya si Rhiann.

Nakangiti ito na parang siya ang pinakamasaya sa balat ng lupa sa araw na ito. Habang si Bryan na nasa harap at nakatingin kay, Rhiann na nakangiti. Kung titingnan mo ang dalawa ay parang matagal ng nagmamahalan at parang sabik na sabik sa isa't isa.

Pero ang mga kaibigan nila ay alam nila, kung talaga bang masaya o hindi ang dalawa. Dahil alam nilang sa likod ng mga ngiti nila ay kabaliktaran sa mga nararamdaman nila sa isa't isa. Kahit na nakangiti ang kaibigan nilang babae alam nilang sa kaloob- looban nito ay malungkot.

Dahil nagpakasal siya sa taong siya lang naman ang nagmahal.

Alam kasi ng mga kaibigan ni Rhiann na hindi ginusto ni Rhiann ang kasalan na ito, kahit pa mahal na niya noon pa man ang lalaki. Alam din nila na hindi rin siya mahal ni Bryan, kahit kunting pagmamahal man lang. Kaya naaawa sila kay Rhiann.

Wala na rin kasi silang magawa upang pigilan ang kasal kasi ang mga magulang nila ang na-arrange marriage sa kanila. Sa huli sandamakmak na mga payo at comforts ang ibinigay ng mga kaibigan ni Rhiann sa kaniya.

Nakarating na sa harapan ni Bryan si Rhiann. Nakangiting ibinigay ng mga magulang niya ang kamay ni Rhiann, saka nagtungo na sa upuan ang mga magulang ng huli. Nagsimula na ang pari sa ritual ng kasal hanggang nasa I do's na sila.

Natapos ang serimonyas ng kasal pagkatapos ng kiss the bride.

Nagsipalakpakan ang mga taong dumalo lalo na ang mga mahalagang tao na ka-business partner ng mga magulang ng bagong kasal.

Pagkatapos nang pictorial ay nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan at dumeritso sa Beach resort, kung saan gaganapin ang celebration ng kasal. Gano'n din ang bagong kasal, mga magulang at kaibigan nila.

Pagdating nila sa beach resort ay nakahanda na lahat at ang mag-asawa na lang ang hinihintay ng lahat.

Mababakas sa mukha ng lalaki na hindi nasisiyahan at pilit lang ang mga ngiti nito sa mga taong bumabati sa kanila. Si Rhiann naman ay mababakasan mo nang saya ngunit deep inside malungkot siya. Akala ng karamihan ay tunay na nagmamahalan ang bagong kasal. Ngunit, taliwas ito sa ina-akala ng lahat. Binati sila ng kanilang mga kaibigan.

"Congrats, bro," bati ni Tom, isa sa mga kaibigan ni Bryan.

"Bro, para ka namang nawalan nang aso," biro ni Tob.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now