chapter 6 "Announcement"

449 23 0
                                    

Rhiann Pov.

Dumaan na ang ilang araw, linggo at buwan. Mas naging malapit na sa 'min sina Tob at Tom. Nagtataka lang ako sa kanila kung bakit simula nang bumalik si Athena 'di na nila masyadong kasama si Bryan. Si Shane rin ay 'di na kumikobo sa Kuya niya. Hinayaan ko na lang sila. Maaga akong nagising ngayon araw ng lunes.
Nag-toothbrush na lang ako saka bumaba para magluto at maglinis.
Pagkatapos kong magluto nilinis ko na agad ang buong bahay. Hindi naman masyadong madumi dahil nilinis ko naman to kahapon, eh.

Pagkatapos kong maglinis umakyat na ako sa taas upang maligo't magbihis na rin. Nang matapos sa kwarto ay bumaba na ako para kumain, kanina ko pa narinig ang sasakyan ni Bryan na umalis.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko pati na rin ang pinagkainan ni Bryan bago umakyat ulit sa kwarto para kunin ang gamit ko.

Nag antay lang ako sa gate ng bahay namin kasi sabi ni Jake susunduin niya ako. Hanggang sa may nakita akong sasakyan at huminto sa harap ko baho lumabas si Jake.

"Tara na, baka ma late pa tayo." sabi ni Jake sabay bukas ng passenger seat kaya pumasok na ako.

Pumasok na rin siya saka pinaandar ang sasakyan.

"Kumusta naman ang weekend mo?" tanong ni Jake sa akin habang nasa kalsad pa rin ang tingin.

"Okaylang naman. Busy ako sa bahay." nakangiting sagot ko.

Ngumiti lang siya at tumango-tango.

Buti pa siya kinakamusta ang weekend ko haysstt.

"Oo nga pala. Bakit 'di ka pumasok no'ng nakaraang araw?" tanong ko sa kaniya ngumiti naman siya bago nagsalita.

"Busy kasi ako, eh. Tinawagan din ako ni Mommy kasi nagkaroon ng kunting problema sa business." sagot niya.

"Ahh okay." sabi ko na lang.

Hanggang nakarating na kami sa school at pinarada niya sa parking lot ng school ang kotse niya bago lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

By the way, alam ng mga classmates at schoolmates namin na kaibigan ko si Jake noon pa noong nasa U.S. kami.
Kaya 'di sila nag-iisip nang masama tuwing ihahatid ako ni Jake.

Nagtataka lang sila dahil ang lagi kasama ni Bryan ay si Athena.

Simula nang bumalik siya rito lagi siyang nakadikit kay Bryan. Hindi ko na lang sila pinapansin.

Minsan din kapag nagkasalubong kami ni Athena tinatarayan ako pero 'di ko na lang pinatulan pa. Ayaw ko kasi ng gulo kaya umiiwas na lang ako sa kaniya.

"Tara sa na loob." aya ni Jake saka naglakad na kami papasok sa loob. Sakto namang nandito na rin sila.

"Nget!!" sigaw ni Shane at napalingon rin si Aya sa 'min.

Grabe 'tong kaibigan ko makasigaw, ah.

"Uyy, nget!!" sabi ko rin sabay yakap sa kanila.

"Musta ang weekend mo?" tanong ni Aya.

Ngumiti lang ako saka nagsalita.

"Ayos lang naman." nakangiti kong sabi.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now