chapter 46 "pangungulila"

855 23 2
                                    


Bryan's Pov.

Abalang-abala ako ngayon dito sa office. Maraming mga nakatambak na papeles. Maaga akong nagpunta rito kasi wala naman akong gagawin sa condo.

'Di ako umuwi do'n mas gusto ko do'n sa bahay namin dati ng asawa ko ako tutuloy. Kahit mahirap sa 'kin na do'n matutulog kasi lagi ko siyang naalala do'n.

Pero gusto ko namang mag stay do'n dahil 'yon na lang ang natitirang alaala niya sa 'kin. Limang taon na rin ang nakalipas mula ng huli ko siyang makita at makausap.

Kung saan ang huling araw din na pinaka masaklap sa 'kin.

 Sumandal na lang ako sa swivel chair ko saka ipinikit ang mga mata ko. Inalala ko lahat no'ng mga panahon na kasama ko pa siya sa bahay.

Hindi ko akalaing sa bahay na 'yon din matatapos ang lahat. Halos isang taon akong naglalasing at umiiyak sa pangungulila sa kaniya.

Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Dahil ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit kami humantong sa ganitong situation.

Kung saan 'di ko na siyang makitang muli.

Kung saan huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sabihing mahal ko siya noon pa man. Tama ang kapatid ko. I love her already before Athena came back.

Sa dalawang taon naming pagsasama sa iisang bubong bilang mag asawa noon nakita ko kung paano siya mag alaga at magmahal.

Kaya no'ng bumalik na si Athena naramdaman kong hindi na gano'n ka special sa 'kin si Athena.

But I keep to be with her. Dahil akala ko siya pa rin but definitely not. Naramdaman ko na lang na lagi akong nagagalit at naiinis tuwing may kasamay lalaki si Rhiann.

Alam ko namang ako lang ang mahal niya. Kaya lang 'di ko maiwasang magalit noon lalo na't may mga litratong isenend sa 'kin na masayang masaya sila.

Dagdagan mo pang lagi akong sinasabihan ni Athena tungkol kay Rhiann. 'Di ko man lang naisip noon na sinisiraan lang pala ni Athena si Rhiann sa 'kin.

Huli na nang marealize ko lahat ng kasinungalingan ni Athena. Huli na ng marealize kong hindi na pala si Athena ang mahal ko. Dahil nagpaka tanga lang ako masyado sa kaniya.

Alam kong noon pa man simula ng maging kami ni Athena, naramdaman kong hindi niya ako gano'n kamahal.

Tama si Shane at ang mga kaibigan ko.

Nagpakatanga lang ako sa babaeng ni minsan 'di ako kayang mahalin. Na nagpapanggap lang pala siya na mahal ako. Na gusto lang pala niya akong paikutin sa mga palad niya.

But I will make sure na hindi siya magtatagumpay sa plano niya. Oo, alam ko na kung ano ang binabalak niya sa 'kin.

Minsan ko na siyang inimbestigahan. Dahil nagdududa ako sa kaniya. Kung kaya niya akong paikutin noon, pwes ngayon hindi na. Dahil siya ang papaikutin ko.

'Di na ako magtataka kung isang araw nasa kulungan na siya. Dahil nawasak akoo ng dahil sa kagagawan niya.

  Nasaktan ko ang taong totoong magmahal sa 'kin ng dahil sa kaniya. Akala ko totoo lahat ang mga sinasabi niya sa 'kin pero hindi pala. Kaya ako naman ang magpapaikot sa kaniya.

Wasak na wasak ako. Kaya wawasakin ko rin siya tulad ng ginawa nila sa 'kin.

 Bigla na lang akong napamulat nang may kumatok sa pinto. Umayaos muna ako nang upo bago sumagot.

"Sir, nand'yan na naman si Athena." naiinis na sabi ng secretary kong si Joan.

'Di na ako magtataka kong inis na inis siya sa babaeng 'yon. Alam na rin kasi nila na may asawa ako at kilala nila ito.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now