chapter 34 "convince"

393 15 0
                                    

Aya's Pov.

Nandito ako ngayon sa bahay wala kaming pasok it was Saturday.
Nakabihis na ako ngayon dahil gusto kong pumunta sa bahay nila Rhiann.

Gusto ko lang pumunta do'n at makipag chikahan. Wala naman akong gagawin, eh.

Ang iba naman naming kaibigan medyo busy sila ngayon kaya ako lang ang bakante hehehe.

It's already lunch time do'n na lang ako kakain sa bahay nila. Masarap kasing magluto si Rhiann kaya believe na believe ako sa bff ko na 'yon.

Nasa kaniya na lahat, eh. Pero nakakainis lang na binalewa lang siya ni Bryan psh!

Pagkatapos kong mag ayos agad na ako bumaba saka dumeretso sa garahe at sumakay sa kotse ko.

  Habang nasa byahe ako parang kinakabahan ako. Pero binalewala ko lang saka nag focus sa pagdrive.

Hayysst.

Sa wakas nakarating din ako gutom na ako, eh. Bumusina ako ngunit walang nagbukas ng gate. Lalo tuloy akong kinakabahan.

Bumaba na lang ako saka pumunta sa gate. Luh? Ba't bukas ang gate? 'Di ba siya naglocked ng gate?.Hayaan na nga lang baka busy siya.

Naglakad na lang ako papasok sa loob ngunit parang walang tao. Nako nasaan ba 'yon? Habang papasok ako sa loob lalong lumakas ang kaba ko Kaya agad ko siyang hinanap.

"Nget? Nasaan ka? Nandito ako sa baba." sabi ko pero walang sumagot.

Baka nasa kwarto niya. Biglang tumunog ang tiyan ko kaya dumeretso na lang ako sa kusina nila.

Baka may pagkain pa. Sana pala nagdala ako ng pagkain kanina. Next time mag order ako para sulit.

Hehehe.

Naglakad na lang ako papuntasa kusina. Papasok na sana ako sa kusina nang mapansin kong  may---what the!?

"Nget!" sigaw ko sabay takbo sa pwesto niya na nakahandusay.

Wala na siyang Malay at...

"What the heck!?" nataranta kong  sigaw.

"Nget! nget!!" sabi ko sabay yugyog sa kaniya.

"Nget, please wake up! Wake up!" umiiyak na sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

Duguan ang noo niya at parang namumutla pa siya.

No!

"Nget, gumising ka! Ano bang nangyari sa'yo." nataranta ko siyang niyuyogyog pero 'di pa rin siya gumising.

Namumula ang mga pisnge niya.

What the heck!

Who did this to you, nget!!

Dahil sa taranta 'di ko alam ang gagawin ko. Umiiyak na ako sa taranta. Nanginginig kong kinuha ang phone sa bulsa ko ngunit wala ito.

Halos mabaliw na ako sa taranta nang mapatingin ako sa mesa nakita ko ang cellphone ni Rhiann Kaya agad ko itong kinuha.

Dinial ko isa isa ang number ng mga kaibigan namin.

Pagkatapos binalingan ko ulit si Rhiann. Pilit ko siyang niyuyogyog  para magising ngunit 'di pa rin nagising.

Umiiyak na ginising ko ulit siya at sa wakas gumising na siya.

"Nget! Hali ka ka, dadlhin kita sa hospital." sa wakas pumasok na sa isip ko ang kanina ko pa gusting gawin.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Onde histórias criam vida. Descubra agora