chapter 22 "past"

325 17 0
                                    


Rhiann's Pov.

Nandito kami ngayon sa garden ng school namin. Nandito na rin mga kaibigan ko pati sila Tob. Sila Kath at April naman naging kaibigan na rin namin sila simula no'ng nasa Tagaytay pa kami. Ang saya nila kasama at talagang mawawala ang anumang problemang dinadala mo tuwing kasama mo ang mga kaibigan mo.
Malas nga ako sa love life. Pero mas naging swerte naman ako sa mga kaibigan ko. Tiningnan ko sila isa isa. Nakaupo si lang lahat sa harap ko. Parang mga batang hinihintay nilang magkwento ako. Nakaupo kasi kaming lahat sa damo. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga kalukohan ng mga kaibigan ko. Pa'no ba naman kaniya-kaniya sila nang nagmamake face habang nakatunganga sa 'kin.

Gusto ko sanang tumawa pero mukhang seryuso silang nakatingin sa 'kin.

Mga timang hehehehe!

Pa'no ko simulan 'di ko alam kung saan magsisimula. Naiilang ako sa mga tingin nila.

Makatingin naman ang mga to tss!

"Ahm. Ano... ahh----"

"Ano?" Halos sabay sabay nilang sabi.

"Hehehe. 'Wag kasi kayong tumingin ng ganyan." napakamot sa batok kong sabi.

"Paano ba? Tatalikod na lang kami habang nagsasalita ka." sabi ni Aya.

Napapailing na lang ako.

Magmumukha akong tangang nagsasalita pag nag kataon hayyssstt.

"Sige na nga." sinula ko. "Ano kasi... kahit ako 'di ko naman maalala na nakapunta na pala ako sa Tagaytay." pagpapatuloy ko.

"Kagabi ko lang din nalaman. Kundi nagkwento si Dad kagabi kay Dad Ivan 'di ko sana maalala." sabi ko.

Ang seryuso naman nila, ahh!

"Deretsuhin mo na." maktol ni Tob.

"Nagmamadali? Ikaw na lang magkwento." sarcastic kong sabi sa kaniya.

"Angtagal kasi," maktol pa ni Kevin.

Isa rin to tss!

"Okay lang, wala naman ang Arts teacher natin ngayon." sagot ni Jake.

Buti pa 'tong isa nakakaintindi---

"Pero bilisan mo na rin gusto ko marining." dagdag pa ni Jake.

Ayownn! Kala ko pa naman nakakainyindi 'di pala tss!

"Siraaa!" sabay na sabi nila kay jake.

"Okay tahimik," sabi ko."Ganito kasi 'yon. Naalala niyo noong bata pa tayo Shane, Aya? No'ng nag bakasyon daw kami sa resort nila Shane sa Tagaytay no'ng inaya kami ng magulang nila Shane. Pati na rin 'yong magulang ni Aya." pagpapatuloy ko.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon