Chapter 3 "Jake"

534 22 6
                                    

Rhiann Pov.

"Peepp!! Peeeppp!!" busina ng sasakyan. Napatingin naman ako sa kotseng huminto sa harap ko. 'Di ko maaninag ang tao sa loob kasi tinted ang bintana.

Maya-maya lumabas 'yong lalaki at binuklat ang payong na dala nito. Nang lumapit siya sa 'kin ay nagulat ako sa taong nakita ko. Ano ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Ang huling balita ko nasa U.S pa rin siya at do'n nag-aaral.

"J-jake..." bigkas ko sa pangalan niya.

"Rhiann, sakay na basang-basa ka na, oh." Sabi niya kaya natauhan ako.

Natulala na pala ako sa kakaisip kung ano ginagawa ng lalaking 'to rito.

Haysstt.

"Bakit ka ba nagpapaulan? Aish! Nasaan ang asawa mo? Bakit 'di ka niya hinatid?" seryusong tanong pa niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Nang 'di ako nagsalita ay napabuntong-hininga na lang siya.

Inalalayan niya naman akong pumasok sa loob kahit basang-basa na ako. Siya pala si Jake corpuz ang lalaking kaibigan ko.

Siya 'yong naging kaibigan ko noong nasa U.S kami nila Mom at Dad. Sa U.S kasi kami nag bakasyon at do'n ko rin naging kaibigan si Jake.

Napaka bait ng lalaking 'to at ang gentleman pa. Tinuring ko na ring kapatid si Jake, dahil mabait siya at maalalahanin higit sa lahat matulungin.

Pero bakit andito ang mokong na 'to? Eh, ang huling alam ko nasa U.S pa rin siya at do'n nag-aaral. Kataka-taka namang biglang sumusulpot 'tong mokong na 'to, ahh.

"Jake, ano ginagawa mo rito? 'Di ba nasa U.S ka? At bakit 'di ka dumalo sa kasal ko?" tanong ko sa kaniya nang makapasok na siya sa driver seat.

"Sorry naman, busy kasi ako sa mga nagdaang araw, eh." sabi nito, saka pinaandar ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.

"Eh, kung busy ka, anong ginagawa mo rito?" tanong ko uli.

"Busy ako sa pag-asikaso ng mga documents ko at passport. Dito na ako mag-aaral, eh." paliwanang niya.

"Bakit naman dito ka mag aaral?" tanong ko ulit.

"Babantayan kita, magkakaibigan tayo, 'di ba? Ayaw kong saktan ka ng asawa mo." sabi pa niya nagtatakang tiningnan  ko naman siya.

" 'Di ba sabi mo sa 'kin nagalit sa'yo ang asawa mo? Kaya baka saktan ka niya babantayan na lang kita rito. Tutal, dito na rin ako mag- aaral for my course." paliwanang niya kaya napatango-tango naman ako.

"Ahh, pero 'di mo 'ko kailangan bantayan, Jk. 'Di naman siguro niya ako kayang saktan physically." sabi ko sa kaniya.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now