chapter 10 "subuan"

407 21 3
                                    

             
  Aya's  Pov.

Nagpapahinga kami ngayon dahil sa pagod namin sa paghahanap ng flags sa gubat for the first activities namin.
Grabe ang hirap no'n kasi sa gubat pa talaga itinayo ang mga maliliit na flags. Pero na challenge rin naman kami kahit papa'no. Worth it din naman kasi kami ang nanalo sa unang activity ngayon. Habang nagpapahinga kami naalala ko 'yong mga nangyayari kanina sa activity namin.

Kinikilig din ako kanina kasi naman kapag nadadapa ako sa gubat. Iyong mukha ni Tom parang ewan hahaha! Iba rin pala siya 'pag nag-aalala. Kaya kinikilig ako pero 'di ko pinapahalata.

Kahit papa'no dalagang pilipina pa rin ako 'no! hehehe. Crush ko kasi siya shhh! Lang kayo, ahh hehehe.

Kahit pala 'di ko pinapahalata pero 'yong mga kaibigan ko talagang kilala ako kaya buking tuloy ako. Ang ending 'di na 'ko makatingin ng deretso kay Tom. Medyo may points din si Bryan kanina.

Actually, kinikilig din talaga ako kanina habang nakatingin kay Rhiann na nakasampa sa likod ni Bryan. 'Wag kayo, ahh first time ko kasing nakitang binuhat ni Bryan si Rhiann.

Pero alam ko rin naman na iba ang laman ng puso ng gunggong na 'yon, eh. Naniniwala naman akong balang araw makita niya rin ang halaga ng bff ko.

Speaking of her. Nasaan na ba 'yon? Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita kong nakaupo at nakasandal siya sa puno sa 'di kalayuan.

Pinagmamasdan ko lang siya nang biglang natumba siya kaya dali-dali akong napatayo.

Nakita ko namang tumakbo si Bryan sa pwesto niya at ginigising siya. Tumakbo na rin si Jake ng makita niyang natumba si Rhiann.

"Anong nangyari sa kaniya?" nag- aalalang tanong ko.

"Nahimatay siya dahil sa pagod." sagot ni Bryan.

Nag-aalala na rin siya. Nang tingnan ko siya bigla na lang siyang napaiwas ng tingin.

Sana naman nagkaroon na ng puwang si Rhiann sa puso mo.

Tinapik-tapik ulit ni Jake ang balikat ni Rhiann upang magising pero ayaw pa rin.

Nag-aalala na rin siya, nandito na rin sila Shane, Tob, Tom, Kath at April 'yong kasama namin kanina sa grupo.

"Jake, buhatin mo siya." sabi ni Shane kay Jake.

Kahit ang Kuya naman niya ang may hawak kay Rhiann.

"Ako na," sabi ni Bryan sabay buhat kay Rhiann at dinala sa tent niya.

Sumunod kaagad kami. Nagkatinginan pa kami ni Shane bago sabay kibit-balikat.

"What's happening here?" nag- aalalang tanong ni sir Alvarez.

"Nahimatay po siya, Sir." sagot ni Shane.

"Siguro dahil napagod siya." sabat ni Kath.

"Oo, 'tsaka 'di pa nagamot 'yong sugat niya sa binti." sabi ni April.

Oo nga pala, may sugat siya sa binti at namula rin ang mga paa niya.

"O siya, sige. Gamutin niyo muna ang sugat niya. Kahit maliit lang 'yan ay nakaka infection 'yan 'pag 'di nalinis." Saad ni Sir.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now