chapter 56 "Nakaraan"

521 18 2
                                    


Bryan's Pov.

Nandito ako ngayon sa bar umiinom. Pagkaalis ko sa restaurant dumeretso na ako rito. Nakakatatlong buti na ako ng alak.

Hindi ko maiwasang masaktan tuwing iniiwasan niya ako. Ilang buwan na since nabalik na ang alaala niya.

Mula rin no'n iniwasan na niya ako. Hindi ko alam kung bakit. Maayos naman kami no'ng birthday niya.

Mas lalo akong nasasaktan no'ng isinauli niya sa 'kin 'yong diamond ring na regalo ko sa kaniya.

Parang dinurog ang puso ko sa sakit. Tinungga ko ulit ang bote ng makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko tuwing iniiwasan niya ako. Para akong mababaliw sa kakaisip na ngumingiti siya sa iba samantalang sa 'kin halos 'di niya ako tapunan nang tingin.

Nasasaktan ako ng lubos dahil parang 'di niya ako kilala tuwing makakasalubong o makikita ko siya.

 Ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko. Parang sinaksak ng kutsilyo sa sobrang sakit tuwing maiisip ko siya. Para akong may nakakahawang sakit na dapat iwasan.

Hindi naman niya sinabi sa 'kin kung bakit niya ako iniiwasan. Tuwing tatanungin ko siya wala siyang sagot. Lagi ko siyang sinusuyo sa mga dumaan na buwan pero lagi niya akong itinataboy.

Ayaw niya akong kausapin. Sobrang sakit, sakit na parang ikamatay ko na. Siguro ito rin 'yong nararamdaman niya no'ng mga panahong magkasama pa kami aa iisang bubong.

'Yong mga panahon na hindi ko siya tinrato ng maayos. 'Yong mga panahong nasasaktan ko siya. Alam ko na ang feeling na nasasaktan ngayon.

Akala ko wala ng mas ikakasakit pa ng puso ko no'ng mga panahong wala siya. No'ng mga panahong nasagasaan siya.

No'ng mga panahong lumipas ang limang taon na hindi siya nakikita at nakakasama.

Dahil may ikakasakit pa pala. Tulad ngayon hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ngayon. Ang alam ko lang uminom nabg uminom hanggang sa mamanhid ako.

'Yong hindi na ako makakaramdam ng sakit. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin. Hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko.

Dahil mula ng minahal ko siya nararamdamn ko na lang sa sarili ko na hindi ko kaya na wala siya. Hindu magiging kompleto ang buhay ko ng wala siya.

  Panay lang ang tungga ko sa bote. Halos hindi ko na kayang uminom nang maayos dahil nahihilo na ako. 

Kanina pa ako rito at ngayon gabi na. Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang wallpaper ko kung saan mukha niya ang bumungad sa 'kin.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang nakatitig sa picture niya.

"Where is he?" narinig kong tanong ng babae.

"Nasa table no. 6 po siya, Ma'am. Kanina pa po siya umiinom." rinig kong sagot ng isang staff ng bar.

Maya maya bigla itong lumapit sa 'kin. Si Shane pala halos 'di ko na maaninag nang maayos ang mukha ng kapatid ko.

"Kuya, what happened to you?" nag aalalang tanong nito.

"S-shane, a-ayaw *hik niya ako *hik makita *hik* lagi na lang niya ako iniwasan *hik." sumbong ko sa kaniya.

Halos 'di na ako makapag salita nang maayos. Naramadaman kong pumatak ulit ang mga luha ko. Wala akong ibang masumbungan kundi ang kapatid ko lang.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now