chapter 7 "Beach resort"

416 20 0
                                    

Shane's Pov.

Nandito na kaming lahat ngayon sa bus ang ibang section naman ay nasa iba pang bus. Matapos kong pagsabihan si Kuya kanina ay iniwan ko na sila. Naiinis  talaga ako kay Kuya, eh. Nagpakagago sa malanding higad na 'yon. 'Di man lang niya iniisip kung ano ang mararamdaman ng asawa niya. At talagang mas kakampihan pa niya ang babaeng 'yon. Dahil lang galit siya kay Rhiann. Actually 2 years na sila since kinasal tapos 'di pa nagbabago si Kuya.

Ang Sarap kutusan ng ugok kong kapatid tch!

Kunti na lang ang pasensiya ko sa kaniya. 'Wag niya lang talaga saktan si Rhiann at ako makakalaban niya kahit kapatid ko pa siya.

No'ng sinabi ni Athena na siya ang mahal ni Kuya nakita kong nasaktan si Rhiann. Kitang kita ko sa mga mata niya kanina kahit nakayuko pa siya. Naawa na talaga ako sa kaibigan kong 'yon.

I thought, 'pag magtatagal sila ni Kuya mahuhulog din si Kuya sa kaniya pero 'di pala.

Hindi alam nila Mom at Dad na ganiyan niya itrato ang asawa niya. Alam kong nasasaktan si Rhiann tuwing magkasama si Athena at Kuya.

Kahit hindi niya sabihin sa 'min alam naming nasasaktan siya. Pati sila Tob at Tom nakakahalata rin pero 'di na lang namin kinukulit si Rhiann alam naman naming 'di rin niya sasabihin, eh.

Duda talaga ako na may dahilan kung bakit sila ipinagkasundo nila Mom at Dad. Pero wala namang sinasabi sila Mom at Dad sa 'min. Ngunit alam kong meron.

Magkatabing nakaupo ngayon sila Rhiann at Jake samantalang katabi ko naman si Tob at katabi ni Aya si Tom.

Nakatingin lang sa labas ng bintana ng bus si Rhiann.
Habang nakapikit naman si Jake. Actually, kundi lang kasal si Rhiann masasabi kong bagay na bagay sila ni Jake.

Pero hanggang pagkakaibigan ang tingin ni Rhiann sa kaniya. Minsan masasabi kong, kundi ko lang sila kilala pareho, mapapagkamalan kong sila ang mag asawa. Sadyang gago lang talaga si Kuya.

Maganda at mabait naman si Rhiann. May bilugang mukha, mahabang kulay itim na buhok, mahaba at makapal na pilik mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi kahit walang lipstick. Maputi ang kaniyang balat, medyo matangkad na sexy at maganda ang katawan.

Sadyang hindi lang mahilig si Rhiann mag suot ng sexy na mga damit. May plano ako. Kakausapin ko si Aya mamaya pagdating sa Tagaytay.

"Shane, paglapitin kaya natin sila Rhiann at  Bryan." Komento ni Tob.

Bui na isip din pala niya 'yon.

"May plano ako pero kakausapin ko mamaya si Aya." tugon ko sa kaniya.

"Tutulong kami ni Tom." dagdag pa niya tumango na lang ako saka ngumiti.

Malayo-malayo pa kami bago makarating sa beach resort namin sa Tagaytay. Mula Manila patungo sa Tagaytay maybe 3 hours or more pa bago makarating sa Tagaytay. Medyo mabagal lang kasi ang takbo ng bus.

Actually, maganda naman do'n lagi nga ako nagbabaksyon do'n, eh minsan kasama ko si Kuya.

Nadala ko sila Aya at Rhiann dito no'ng highschool pa kami. Sa mall lang kami nag gagala noon nila Rhiann at Aya.

Minsan naman nag swimming kami o 'di kaya mag movie marathon sa bahay nila Rhiann.

Pinagmamasdan ko ngayon si Rhiann. Kitang kita ko kasi sila ni Jake dahil nasa kabilang row ng upuan sila naka upo.

Sa likod naman nila si Aya at Tom. Mahimbing na natutulog si Rhiann na nakasandal sa upuan habang naka suporta naman ang kaliwang kamay niya sa may bintana.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now