chapter 44 "A live"

948 20 8
                                    

Jake's Pov.

*U.S San Francisco California

Nagmamadali akong nagbihis dahil may kikitain ako ngayon. Habang nagbibihis hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Makikita ko na uli ang Miss. Sungit na 'yon.

Habang tumatagal nagiging masungit siya. Minsan nga napaka lamig niyang magsalita. Si Kuya lang ang makakapag pakalma sa kaniya.

Nagbago na siya pero alam kong siya pa rin ang kaibigan na kilala ko.

Pagkatapos kong magbihis agad na akong lumabas at dumeretso sa sasakyan ko. Hasyytt! Halos limang taon na rin ang nakalipas.

Miss ko na rin ang mga kaibigan ko sa pilipinas. Sana mapatawad nila ako na hindi na ako nagpakita sa kanila. Sana mapatawad nila ako na naglihim sa kanila.

Tama nga si Kuya dapat i-settle muna ang lahat para naman wala na kaming problemahin pa.

Hindi pa nabigyan ng hustisya ang pagkawala niya. Pero sa pagbabalik namin sisiguraduhin naming sa kulungan na ang bagsak nila.

Nalaman na namin ang totoo. Kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Kuya Ian at pagsagasa kay Rhiann.

Tama ang hinala ko na may kinalaman ang babaeng 'yon.

At tama rin ang ginawa ko na huwag munang husgahan ang babaeng ginamit lang para patayin si Rhiann.

Hindi nga ako nagkamali dahil tama lahat ng naging hakbang ko. 

Alam na rin namin kung sino ang nagtangkang pabagsakin ang kompanya nila Bryan. Alam kong nagpa imbestiga na rin si Bryan tungkol do'n.

At 'yong tungkol sa nangyari kay Rhiann. Alam kong may suspetsa na siya kung sino ang mga 'yon.

Ang galing rin ng mag ama na magmanipula ng lahat. Ang galing nilang gumawa ng kahayupan. Kung pwede lang sana ako ang pumatay sa kanila matagal na.

Simula nang bumalik ako rito sa U.S nalaman ko ang lahat dahil kay Kuya. Kaya magdasal na kayong mag ama.

Makikita niyo ang bagsik at demonyong hinahanap niyo. Mali kayo nang binangga at alam kong malapit nang matapos ang mga kahayupan niyo.

Tingnan natin kung 'di kayo himatayin sa gulat at bigla. Akala niyo nagwagi kayo? Hind. Hindi kayo nag wagi. Hihintayin niyo ang pagbabalik nila.

Masyado niyong minaliit ang kakayahan nila lalo ka na Mr. Santillo at ang anak mo.

 Hindi ko namalayang nandito na pala ako. Pinagbukasan ako ng guard nila kaya pimasok ko na ang kotse ko sa loob.

Grabe, napakalaki talaga ng bahay nila. Sabagay talagang mayaman naman sila.

Simula nang malaman ko ang katutuhanan halos 'di ako makapaniwala sa lahat nang nalaman ko. Akala ko eala na siya.

Akala ko iniwan na niya kami ng tuluyan ngunit, hindi pala. Pati sila Tita Xia at Tito Ryan 'di rin makapaniwala sa nalaman nila. Halos nahimatay si Tita dahil sa saya.

Sa wakas nakasama na ulit nami ang taong tinuring ko ring kapatid. Labis ang galit ko no'n nang malaman ang nangyari sa kaniya.

Dahil siya lang ang sinasabihan ko ng problema, siya lang ang taong nand'yan at dinamayan ako.

Pinaramdam niya sa 'kin kung paano magkaroon ng kapatid. Kaya malaki ang pasasalamat ko nang makita siyang muli at mayakap siya.

Agad na ako bumaba ng kotse saka pumasok sa loob. Nakita ko silang nag kukilitan sa sofa. Kinikiliti siya ni Kuya kaya tawang-tawa siya. Grabe, ngayon ko lang ulit narinig ang tawa niya.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now