chapter 16 "Home"

384 20 1
                                    

Rhiann Pov.

Nandito na kami ngayon sa bahay. Kakarating lang namin at pagod na pagod ako sa byahe gustong gusto ko nang magpahinga ngunit nagugutom na ako. Nandito na rin si Bryan at naka upo siya sa sofa umakyat na lang ako sa taas para ilagay sa kwartoko ang mga gamit ko. Nagbihis na lang muna ako saka bumaba na ng hagdan at nagtungo sa kusina para magluto.
Nagsaing na ako saka nagsimula nang lutin ang ulam namin. Nagluto lang ako ng adobo. Iyon lang kasi ang gusto kong lutuin. Namis  ko na rin ang adobo na ako ang magluto.

Pasado alas-onse na rin ng tanghali at tapos na ako sa pagluluto. Maaga rin kasi kaming bumyahe kanina pabalik dito sa maynila. May asikasuhin daw kasi ang mga teachers pati ang principal kaya maaga kaming umuwi.

Tulog lang kami buong byahe at isa pa, hindi namin kinakausap ang mga kasama naming lalaki. Inis na inis kasi kami sa nangyari kahapon nang naliligo kami at nagkagulo. Matapos 'yon 'di namin sila kinakausap.

Iniiwasan din sila ng mga kaibigan ko Buti nga kung makapagselos kasi sila wagas.

Kala mo mauubusan tss!

Wala namang label!

Except lang sa isa rito. 'Di naman talaga kami nag uusap so parang normal lang din naman psh! Kung magalit kahapon kala mo nagseselos but the truth is hindi naman. Alam kong inaalala lang niya kung ano ang sabihin ng mga kaklse at school mates namin.

Higit sa lahat ang rules niya.

Hayssst!

Pero 'yong paglalandian nila ni  Athena 'di inaalala. Kung makapag landi harap harapan nga, eh psh!

Hinanda ko na lang ang mesa para makakain na kami--este siya pala-- kasi ayaw niya pala akong kasabay hayssttt.

Naalala ko ang nangyari sa Tagaytay, lalo na iyong sabay kaming kumain at sinubuan pa niya ako. Napapailing na lang ako at bumuntong-hininga.

Naglakad ako patungo sa sofa ngunit Wala na siya do'n. Baka nasa kwarto Niya kakatukin ko na lang siya.

"Tokk! Tokk! Tokk! " katok ko ng tatlong beses bukas naman ang pinto.

"Kain ka na," malumay kong sabi dahil rin siguro sa pagod.

Tumango lang ito kaya naglakad ako pababa ng hagdanan para kumuha ng pagkain.

Sa kwarto na lang ako kakain gutom na ako 'di na ako makapaghintay na matapos siya bago ako kakain.

Naramdaman ko namang nakasunod lang siya sa 'kin.

Agad akong kumuha ng plato saka nagsalin ng pagkain at nilagyan ng ulam.

Nakaupo naman siya at nakatingin lang sa ginagawa ko.

Hmm. Baka nagtaka siya kung bakit ako nagsalin ng kanin gayong nandito pa siya. Baka inisiip niyang nalimutan ko ang rules niya at makikikain ako kasama siya psh!

"Don't worry sa kwarto ako kakain." sabi ko pagkatapos kong lagyan ng ulam ang pagkain ko.

Akmang aalis na sana ako nang magsalita siya.

"You can eat with me." mahinang sabi niya.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Nagtataka ko naman siyang nilingon.

Sabi niya ayaw niyang kasabay ako sa pag kain psh!!

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon