chapter 17 "necklace"

347 17 0
                                    

A/: hello guyss! Hope you enjoy reading!

***

Rhiann's Pov.

Maaga akong nagising ngayon at nag toothbrush muna ako saka tinali ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.
Actually, kahit wala akong maayos na tulog kagabi dahil nga sa mga pinapakita ng asawa ko. Maaga pa rin akong nagising. 'Di ko nga alam anong oras ako nakatulog kagabi, eh. Sige, nagbibilar ka kasi sa puso mong ngayon lang pinansin!! Ang tanong pinansin nga ba? Psh!
Dumeretso na lang ako sa kusina.
Masyado pang maaga kaya magkakape na muna ako mamaya na ako maglinis.  Habang nagkakape naalala ko na naman ang mga nangyayari kagabi. Parang kailan lang nag-away kami sa Tagaytay.

Tas' ngayon nag uusap at sabay kaming kumain kahit 'di naman talaga kami ganito dati. Sana nga lang tuloy-tuloy na. Ako ang magiging pinakamasaya sa buong mundo kapag nangyari 'yon.

Haystt. Tinapos ko na lang ang pagkakape ko saka inilagay sa sink inn ang basong ginamit ko. Binuksan ko ang ref saka naghanap nang lulutin ko para pang almusal namin.

May nakita akong ham, bacon at corn beef kinuha ko ito saka inilagay sa mesa. Kumuha rin ako ng itlog mag fried egg na rin ako. Nagsaing muna ako bago nagluto ng ulam.

Pagkatapos kong magluto inihanda ko sa mesa saka kumuha ng pinggan at kutsara. Kakain na lang ako baka bumalik na naman ang topak nun at ayaw akong isabay kumain.

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko agad ang ginamit ko saka pagkatapos nagpahinga muna sa sofa.

Hindi naman na mahapdi ang sugat sa kamay ko.

Maya maya tumayo na ako at nag kuha ng walis at dustpan. Magsisimula na akong maglinis para madaling matapos.

Naalala kong mag uusap pa kami mamaya ni Bryan. Sana lang 'di pa siya tinopak.

***

Natapos na akong naglinis dito sa labas ng bahay pati na 'yong swimming pool nalinisan ko na rin.

Pawis na pawis ako habang papasok ng bahay. Nakita kong nasa hapag na si Bryan at kumakain.

Dumeretso na lang ako sa taas para makapag pahinga at maligo na.

Kasalukuyan akong nagsusuklay sa harap ng salamin nang makarinig ako nang katok mula sa pinto.

Malamang katok sa pinto alangan naman katok sa bintana.

Kontra ng isip ko. Oo nga naman 'no? hehehe.

"Pasok." sabi ko at nanatling nakaharap sa salamin.

"Are you busy?" tanong ng gunggong hehe 'wag kayong maingay, ah.

"Hindi naman patapos na rin ako." sagot ko sabay tayo at naglakad patungo sa kama para ayusin 'yon.

"Lets talk." sabi niya sabay sarado ng pinto.

Kaya sumunod na ako sa kaniya pababa ng hagdanan.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko nang makaupo na kami sa sofa sa sala.

Himalang kakausapin na naman ako ng matino.

Sana lord ganito na lang kami lagi.

"Hmm. 'Di ba isa sa rules ko na bawal kang makipaglapit sa mga lalaki." sabi niya habang naka cross arm at sumandal sa sofa.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now