chapter 11 "Fear"

374 21 0
                                    

Rhiann's Pov.

Gabi na nang bumalik kami sa camp namin. Pinanonood pa kasi namin ang paglubog ng araw dahil ang ganda tingnan do'n. Kitang kita kung pa'no lulubog ang araw. It was my first time since then, na naka panood nang paglubog ng araw na gano'n ka ganda.
Pagdating namin dito kanina tapos na silang kumain. 'Di na rin kami kumain kasi nagluto kami do'n sa rest house ni Bryan at naghapunan do'n.

Idea nila Shane at Aya 'yon kaya pumayag na kami saka tinulungan silang magluto kanina. Pagkatapos sabay sabay kaming lahat na naghapunan do'n.

Maaga pa naman kaya nandito pa kami sa labas, 'yong iba nagpahinga na dahil na rin siguro sa pagod namin sa unang activity kanina kaya ayon.

Kaniya-kaniya nang kwentuhan ang lahat tungkol sa mga pinagdaanan nila sa loob ng gubat kanina.

Nakikisali na rin si Bryan sa mga tawanan nila. Parang walang namamagitan sa magkakaibigan at kay Shane.

Nagtataka rin ako na magkakasama silang nasa rest house niya kanina. Baka nga tama ang naisip ko na nagkaayos na sila.

Medyo parang okay na rin si Bryan at Shane. Parang walang sigawan at awayan ang naganap sa school no'ng papunta rito.

Hayystt.

Baka ayos na ulit silang lahat. Mabuti naman kung ganun.

"Alam niyo ba kanina muntik na akong gumulong sa gubat dahil sa pagkabigla nang makakita ako ng ahas." natatawang sabi ni Kath at pinagtawanan namin siya.

Nandito sila sa 'min ngayon. Kasi ka grupo pa rin namin sila sa mga iba pang activities bukas.

"Ang mas nakakatawa si Kevin. Eh, pa'no ba naman para siyang baliw nang makakita siya ng uod sa manggas ng pantaloon niya. Hahaha! "pambubuking pa ni Kath kay Kevin.

Nahihiyang napakamot naman ito sa batok niya.

"Grabe, tol! Takot ka pala sa uod? Hahaha!!" natatawang sabi ni Tob kaya nagtawanan kaming lahat.

"Oo nga, uod lang 'yon kaya mo lang pitikin." tawang sabi ni Tom.

"Hoy! Tom, tumigil ka para ka ngang asong baliw kanina, eh kakatalon no'ng dumapo 'yong gagamba sa ulo mo hahaha." pambubuking ni Aya kay Tom.

Hahaha kaya ang tukmol biglang namula ang mukha sa hiya at nag iwas ng tingin kaya tinawanan namin siya.

"Yon naman pala, eh takot sa gagamba hahaha!" sigunda ni Kevin at nagtatawanan ulit kami.

"Dude, ngayon ko pa lang nalaman na takot ka pala sa gagamba." natatawang sabi ni Tob.

Na mas lalong ikiniwas ng tingin ni Tom.

"Bakit? Ikaw takot ka naman sa daga, ahh" sabi ni Tom.

Kaya nabaling kay Tob ang tawanan at asaran.

"Bakit naman siya takot sa daga?" tanong ni Shane.

"Eh, no'ng bata pa kasi kami, pumunta kami sa may stock room sa bahay namin. Hinahanap namin 'yong laruan namin. Nang buksan ko 'yong isang cartoon may biglang lumabas na daga patungo kay Tob. Ang gunggong naman nagtatalon talon kasi nakaharang siya sa daan ng daga. Hanggang sa nawalan siya nang malay sa takot hahahah." natatawang mahabang kwento ni Tom.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now