chapter 23 "wife vs mistress"

518 14 0
                                    


Rhiann Pov.

Kung alam ko lang noon saan ka pwedeng hanapin. Sana ginawa ko na para hindi na ako nasaktan ng ganito.
Sa dalawang taon naming pagsasama ni Bryan 'di ko naranasan ang pagmamahal niya. Kahit isang napakatamis na ngiti man lang wala.
Nitong mga huling araw makakausap ko nga siya ng masinsinan ngunit panandalian lang. Nakita ko siyang nag-aalala sa 'kin ngunit alam kong dahil na gigulty lang siya. Kailan ko pa kaya maranasan ang totoong pagmamahal? Sana balang araw makita ko na ang totoong magmahal sa 'kin.

"Iiyak mo lang, nget." rinig kong sabi ni Aya.

"Alam naman naming mabigat ang pinagdaanan mo lalo na't harap harapan kang sinaktan ni Kuya." sabi ni Shane.

"Basta nandito lang kami sa tabi mo." rinig kong sabi ni Tob.

"Hindi ka namin iiwan." humihikbing sabi ni April.

"Shhhh! Ilabas mo lang ang bigat na nararamdaman mo." sabi ni Kath sabay hagod sa likod ko.

Lalo akong napaiyak habang yakap nila ako.

Parang sasabog na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko na naiipon lang sa loob ko.

Akala ko kaya kong itago lahat ng sakit na naramdaman ko. Pero Hindi ko pala kaya.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa tumahan na ako.

Pinusan ko Ang mga luha sa pisnge ko sabay bitaw sa yakap nila.

"Maraming salamat sa inyo, ahh. Malas man ako sa pag-ibig, swerte naman ako sa kaibigan ko."vpilit ngiting sabi ko.

"Wala 'yon handa ka naman naming damayan, eh." sagot ni Tom saka ngumiti.

"Basta magsabi ka sa problema mo." sabi ni Jake at ngumiti.

"Wag mong saloobin ang mga problema mo. I share it mo sa 'min." nakangiting sabi ni Shane.

"Oo nga para naman mapasa sa 'min. Pagnagkataon, i-share it din namin sa lalaking nangako sa'yong papakasalan ka." nakangiting sabi ni Aya.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Alam ko namang pinapagaan lang nila ang loob ko.

And I'm glad to have them.

"Yan dapat lagi kang nakangiti. 'Wag mong hayaan ang problema mong bubura sa mga magagandang ngiti mo." ngiting sabi ni Jake.

Kaibigan ko nga siya!

"Tsaka, 'wag kang mag alala pwede naman naming saluhin ang problema mo." tawang sabi ni Tob.

"Oo nga, kaya i-share it mo na. Dali!!" nakangiting sabi ni Kevin.

Nakatanggap naman siya ng sunod sunod na batok.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now