chaptet 5 "Athena"

485 22 0
                                    

Bryan Pov.

Tahimik pa rin kaming tatlo rito sa loob ng class room wala pa 'yong mga kaklase namin. Hanggang sa binasag ni Tob ang nakakabinging katahimikan."Dito na ulit mag aaral si Athena, Payo ko lang, dude. 'Wag mong saktan ang asawa mo ng dahil lang sa maling akala mo." makahulugang sabi ni Tob.

Tiningnan ko lang siya saka muling pinikit ko ang mga mata ko. "Hayaan mo na lang siya, dude. Basta pinayuhan na natin siya bilang kaibigan. At kung ayaw niyang makininig bahala siya. Nasa huli ang pagsisisi." sabat ni Tom.

Nanatiling naka pikit pa rin ako habang nakasandal sa upuan ko. Tuluyan na akong 'di nakapag salita hanggang sa unti-unting pumasok na ang mga kaklase namin.

Tsk

Pumasok na rin sila Rhiann na 'di man lang niya ako tinapunan nang tingin saka umupo sa upuan katabi ng kaibigan niya.

Maya-maya pumasok na rin ang prof. namin at nagsalita.

"Good morning class!!!" bati ni prof.

"Good morning din prof!!" Bati namin pabalik.

"By the way, we have a transferree." anunsyo ni prof saka tinawag 'yong transferree.

"Miss Cruz, please come in." tawag ni prof sa miss Cruz.

Blanko lang ang mukha ko habang nakasandal sa upuan ko.

Tsk!

Maya-maya pumasok na ito at nagulat ako dahil si Athena pala ang Miss Cruz na transferree. Napatitig ako sa kaniya.

She's changed a lot now.

Natigilan ako habang nakatingin sa kaniya.

Nagbubulungan agad ang mga kaklase namin tungkol sa kaniya at puro negatibo. May positibo ngunit iilan lang din. Tiningnan naman niya ako saka ngumiti.

That smile, I miss that smile of hers.

"Good morning every one, I'm back. Athena Cruz." nakangiting sabi niya sabay tingin ulit sakin.

"Walang good sa umaga ngayon, kung may bitch namang nandito." narinig kong sabi ni Shane.

Nagiging matigas na ang ulo nito, ah! Hindi naman ganiyan 'yang kapatid ko noon psh!

Hindi ko na lang sila pinansin.

"Yeah, I agree. Sira na ang umaga natin." sang ayon ni Aya.

"Sinabi niyo pa," sang ayon ng ibang kaklase namin.

Tsk!

"Can you please shut up bitch!" sigaw ng isa sa kaibigan ni Athena.

Kaklase rin namin ang mga kaibigan niya noon no'ng dito pa siya nag-aral.

Nagbubulungan na naman sila at masama ang tingin ng iba kay Athena. Dahil siguro sa mga ginawa niya noon kay Rhiann at sa iba pa.

Naging bully kasi siya dahil sa nangyari sa amin.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now