chapter 24 "Litrato"

406 14 0
                                    


Rhiann's Pov.

Anong laban ko nga ba sa taong  tinitibok ng puso ng taong mahal ko?
Sa huli ako pa rin ang talo! Sa huli ako pa rin ang luhaan! Sa huli ako pa rin ang nasasaktan! Iyak lang ako nang iyak habang nakayuko.

"Love, hindi ako nagsisinungaling, totoo ang sinabi ko." sabi pa ni Athena.

Ang galing naman niyang umakting. Siguro 'pag sumali siya sa isang aktingan show siguradong panalo na siya.

"Hoy babaita ka! Alam kong hindi si Rhiann ang nauna! Alam kong kayo 'yon!?" galit na sabi ni Aya.

"Hindi ugali ni Rhiann ang humanap ng gulo! Kilala ka namin, Athena. Noon pa man ay alam na namin ang totoong kulay mo!" inis ding sabi ni Tom

"I've never seen my Rn fighting with someone like this. At alam kong 'di niya kayang manakit ng tao. Pinagtanggol lang niya abng sarili. Kaya pwede ba, 'wag kang magsinungaling!" galit na sabi ni Jake kay Athena.

"Shut up, Jake!?" galit na sigaw ni  Bryan kay Jake.

He's really mad!

"Talagang kakampihan mo ang babeng 'yan, dude? Please naman, 'wag kang mag pauto sa babaeng 'yan!" inis na sabi ni Tob.

Buti pa mga kaibigan ni Bryan may malasakit pa sa 'kin.

"Ikaw higad ka, ah! Ang galing mong magsinungaling walang hiya ka?!" galit na sabi ni Shane.

Pati si shane nadadamay na rin dahil sa 'kin!

Gusto ko sanang umalis na ngunit hindi ako makagalaw.

"Bakit? Totoo namang sinampal niya ako, ahh at sinabunutan pa!?" inis na sabi ni Athena.

I slap you because you deserve it.

Ikaw na nga 'tong nauna ikaw pang may gana magalit tssk!

"Pero tapos niyo na siyang pinagtutulungan! Kayo namang mga coloring ang mukha,  pinagtutulungan niyo pa ang kaibigan namin!?" galit sa sabi ni Aya sabay tingin ng masama sa dalawang kaibigan ni Athena.

Tahimik na umiiyak lang ako habang nakayuko.

"Paki mo? 'Tsaka, bagay lang sa kaniya 'yon!" sabi ni Joy.

"Talagang sinusubukan mo ang pasensiya ko, ah." sabi ni Aya at akmang lalapit kay Joy nang pigilan siya ni Tom.

"Bitawan mo nga ako!?" sigaw ni Aya at nagpupumiglas.

"Nget, hayaan mo na." mahinang sabi ko kahit pa basagang boses ko.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now