chapter 48 "call sign"

627 15 24
                                    

Rhiann Pov.

Nandito na kami ngayon sa coffee shop. Sabi nila ito lagi ang pinupuntahan namin noon. Actually, pangalawang beses ko nang pumunta rito simula nang bumalik kami ni Jake rito sa pinas.

Sabi kasi ng mga kaibigan ko na tutulungan nila akong maalala lahat. Pero hanggang ngayon wala pa akong naalala. Nararamdaman ko lang na familiar ang lugar pero 'di ko naman matanadaan.

Haysstt.

"Ano gusto niyong inumin o kainin? Ako na mag order." tanong ni Kevin.

Ang cute nilang tingnan ni Kath bagay na bagay sila yiieeee.

"Yong dating order na lang." sabi ni Tob na nasa tabi ni Shane.

Bagay na bagay din sila.

"Yong dating order rin ni Rhiann ang sa kaniya." nakangiting sabi ni Jake.

Tumango lang si Kevin saka umalis. Habang naghihintay kami kay Kevin nag kwentuhan kami.

"Alam mo Shane, bagay na bagay kayo ni Tob." nakangiti kong sabi.

Namumulang kinilig naman si Shane.

"Syempre, wala nang pwedeng makakasama 'yang babe ko kundi ako lang. Ako lang kaya ang pinakagwapong bagay na bagay sa kaniya." nakangiting sabi ni Tob.

"Ang hangin," kunwaring sabi ni Shane pero halatang kinikilig naman yiieee.

"Kayo na?" tanong ko ulit.

"Oo, since no'ng mahiwalay ka sa 'min." nakangiting sabi ni Shane.

"Wow! Kung gano'n. 'Wag mo nang pakawalan ang bff namin, Tob. Baka pagsisihan mong pinakawalan mo pa siya." natatawang sabi ko na ikinatawa rin nila.

"Syempre, 'di mangyayari 'yon dahil itatali ko siya sa kama." nakangising sabi ni Tob na ikinpula ng mukha ni Shane.

Hahahaha ang cute niya.

"Tumigil ka nga!" saway ni Shane kay Tob.

Natatawang niyakap lang siya ni Tob. 'Yong iba naman bakas ang saya.

"So, I guess kayong lahat ay---"

"Mag jowa na!!" sabay sabay nilang sabi.

Natawa naman ako sa kanila. Hahahaha masaya ako para sa kanila.

"Sana all, may love life. Hahaha!" natatawang sabi ko.

"Iyong isa riyan ewan kailan pa siya manligaw sa isa rito." natatawang pagpaparinig ni Tom.

"Di ako interesado." halos mag kasabay na sabi ni Jake at April.

Natatawang tinutukso naman namin sila.

"Ayiieee! Baka kayo ang forever." sabi ko.

"Oo nga, kaya lang ayaw pa aminin ng dalawa." natatwang sabi ni Aya.

"Hahaha. Sadyang gusto lang nila tatanda ng mag isa." tawang sabi ni Kath.

"Hindi rin," halos magkasabay ulit na sabi ni Jake ar April.

"Hahaha. Pareho kayo nang sinasabi, eh. Baka pareho rin kayo ng tinitibok ng puso." sabi ni Tob.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon