chapter 9 "first activity"

392 23 0
                                    

Rhiann's Pov.

Bigla akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Teka nasaan ba ako? Bigla akong napamulat at nasa loob pala ako ng tent. Oo nga pala, narito pala kami sa Tagaytay sa beach resort nila Shane.
Bumangon ako at kinusot ang mata ko habang humikab. Mukhang inaantok pa rin ako. Anong oras na nga ba ako natulog kagabi? Inayos ko muna ang sarili ko bago maisipang lumabas na ng tent ko.

Pagkalabas ko nakita kong kakalabas lang din ni Aya at Shane sa tent nila.
Habang sila Tob, Tom at Jake ay nakatayo sa 'di kalayuan. Gising na rin ang iba pang mga studyante.
May ibang naka ligo na may iba ring maliligo pa lang. Samantala ang iba ay nagkakape na

"Uyy! Nget, good morning!!" bati ni Aya at Shane.

"Good morning din, Ngets" bati ko rin sa kanila.

"Buti sabay tayong na gising, tara sabay na rin tayo maligo." Nakangitng sabi ni Shane.

"Sige ba," sabi ni Aya.

"Sige, kukuha lang ako ng damit." sabi ko tumango nalang sila saka pumasok na rin sila sa tent nila para kumuha ng damit nila.

Pagakatapos kong kumuha ng damit lumabas kaagad ako saka sabay sabay kaming tatlo na naglakad patungo sa banyo ng mga girls na malapit sa hotel.

Marami namang banyo do'n saka naka separate rin ang banyo for boys.

Pagdating namin do'n agad kaming naligo kasi may mga susunod pang gagamit ng banyo kaya mabilis ang naging kilos ko.

Pagkatapos kong maligo nagbihis ka agad ako bago lumabas.

Sumunod naman ang susunod na gumamit ng banyo.

Hinintay ko na lang sila Aya at Shane rito sa may bench malapit sa banyo dahil 'di pa sila tapos.

Hanggang sa matapos sila at lumabas na rin sila bago lumapit sa 'kin.

Maglalakad na sana kami nang biglang sumulpot si Athena sa harap namin nakangiti ito. Pero halata namang plastic psh!

"Oh? Anong sumapi r'yan sa utak mo at lumapit ka sa 'min?" pagtataray ni Shane.

"Wala lang. Gusto ko lang umupo tutal papaalis na rin kayo." nakangiti pa ring tugon nito pero mababakas mo sa mukha at pananalita niya ang sarcasm.

"Talaga? Eh, 'di suluhin muna. Kung gusto mo o 'di kaya lapain mo na rin." nakataas kilay na sabi ni Aya.

Halatang nangiinis ang tuno niya. Napataas naman ng kilay si Athena saka nag salita.

"Bakit ko naman lalapain, eh upuan 'yan." nagtataray na sabi niya.

"Wala lang. Baka kasi pati upuan aagawin mo. Kaya uunahan na lang kita. Sa'yo na 'yan kahit isak sak mo pa sa baga mo." nang iinis na sabi ni Shane.

"Hindi ako mang aagaw para pati upuan agawin ko?" nakataas kilay niyang sagot.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now