chapter 31 "couple shirt"

312 13 3
                                    


Rhiann's Pov.

 Nandito kami ngayon sa restaurant ng mall. Lunch time na kasi at nagugutom na kami kaya dumeretso kami rito.

 Nag tatawanan kami habang hinihintay namin ang order namin.

"Hahaha! Nakakatawa 'yong mukha ni Jake kanina." natatawang sabi ko.

"Oo nga naman. Hahaha! Kawawa siya, ang pinakuha ng litrato." natatawang sagot pa ni April.

"Mukha siyang photographer. Hahaha!" tawang sabi pa ni Aya.

"Sa gwapo kong 'to tagapicture lang." nakapout na sabi ni Jake.

Lalao kaming nagtawanan sa itsura niya.

"Mukha kang pato, dude! Hahaha." natatawang sabi ni Kevin.

Sinamaan siya nang tingin ni Jake pero lalo lang kami natawa sa kaniya.

Pa'no ba naman may nagpapapicture sa 'min kanina. Mga teenagers gusto nila magpapicture sa 'min ng mga kaibigan ko. Daig pa namin ang artista dahil sa pagkuha ng picture at si Jake ang pinakiusapan ng babaeng teenager kanina na kumuha ng picture sa 'min.

Kaya ayon inaasar namin siya.

"Hahaha! Tama na 'yan baka umiyak pa 'yan, wala akong lollipop!" tawang sabi ko na ikinatawa nila.

"Ansama mo, Rn. Hindi naman ako bata." nakapout niyang sabi.

"Hahaha! Tumigil ka nga kakapout para kang pato, eh." pang aasar pa ni Tom.

"Tsk!" sabi niya saka sumandal sa upuan niya at humalukipkip.

Tumigil na lang kami sa kakatawa saka tumahimik kami sandali nang basagin ni Jake ang katahimikan.

"Rn, bakit pala nabanggit mo si  Kuya Ian kanina?" tanong ni Jake.

Tumingin silang lahat sa 'kin.

"Kanina lang ulit kasi kita nakitang galit na galit simula nang mawala si Kuya. Kaya naalala ko siya." nakayukong sabi ko.

Natahimik naman sila.

"Sorry," sambit niya nag angat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Wala ka dapat ihingi ng sorry walang kang kasalanan." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Tumango lang siya. Maya maya dumating na ang mga order namin kaya nagsimula na kaming kumain ng tahimik.

Matapos kaming kumain namamasyal kami sa buong mall.

 Nakita rin namin si Tyron na mag isa kanina kaya inaya siya ng mga kaibigan namin na sumama sa 'min.

Masayang-saya kaming lahat habang namamasyal. Puro tawanan at asaran lang kami.

Minsan pinagttitripan namin ang mga boys kung ano-ano ang makita naming nakakatawang bagay.

Minsan pinapasuot namin sila ng mga pambabae tapos pipicturan namin.

Hindi naman sila umaangal kasi tuwing aangal sila kunwaring 'di sila papansinin ng mga kaibigan kong babae. Kaya sa huli tuwang tuwa kami sa mga hitsura nila hahaha.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now