chapter 18 "Ice Cream shop"

283 21 2
                                    

Rhiann's Pov.

Nag aayaos na ako ngayon dahil susunduin ako ng mga kaibigan ko. Mag ice cream shop kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko. Tapos na rin naman ako sa gawaing bahay. Tapos na rin akong magluto at hinandaan ko na ng pagkain si Bryan sa mesa. 'Di pa kasi siya gising ewan ba't ang tagal niyang gumising.

Baka puyat lang kagabi. Pero...
Bakit naman siya nagpupuyat?

Hayst!

Ewan talaga. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at kulay blue na t-shirt na may print na 'my day' ang suot ko.
Hindi na rin ako naglagay ng make up. Hindi naman talaga ako mahilig niyan, eh. Skl hehehe. Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako. Nakita kong kakapasok pa lang ni Bryan sa kusina. Sumunod kaagad ako sa kaniya para pagtimplahan siya ng kape.

"Good morning." bati ko at dumeretso sa mesa at kumuha ng baso.

'Di man lang siya nag greet back.

Eh, 'di ikaw na ang masungit ang aga aga tss!

Agad kong inilapag sa harap niya ang basong may lamang kape.

Nakaupo na rin siya saka nagsimulang kumain.

"Bakit bihis na bihis ka?" tanong niya ng 'di tumitingin sa 'kin.

"Ahm... susunduin ako nila Shane. Sa Ice Cream shop daw kami," sabi ko sa kniya.

Tumahimik na lang siya saka nagpatuloy sa pagkain. Bigla kong naalala 'yong pag alis niya kagabi at ang tagal niyang umuwi.

Matanong nga baka sumagot nang maayos.

Wala pa naman siguro ang topak niya, eh.

Umayos muna ako sa pagtayo.

"Saan ka pala pumunta kahapon?" tanong ko kahit may kutob akong si Athena ang kasama niya kahapon.

Pero 'di ko maiwasan gusto ko malaman galing sa kaniya.

"Kay Athena," walang gatong niyang sabi.

Natahimik na lang ako.

Bigla kong naradamang sumikdo ang sakit sa dibdib ko. 'Di ko pa rin pala maiwasang masaktan.

Buti pa si Athena nakakasama niya ang taong mahal ko ng walang paghihirap.

Hayssttt.

"Okay," tipid kong sabi saka iniwan siya sa kusina.

Umupo ako sa sofa, maya maya may humintong sasakyan sa labas. Baka sila Shane na 'yon at----

Bulagaaaa! Sila nga.

Ang taray ng outfits, ahh naol!

Daig pang pumunta sa mall, eh sa ice cream shop lang naman kami, ahh.

Iba rin, ahh!!

"Uy! Nget, kanina ka pa tapos?" tanong ni Aya.

Tumango naman ako.

"Tara na," sabi ni Kath na kakapasok pa lang.

Wohh! Feel at home, ah.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now