chapter 36 "result"

621 14 0
                                    


Rhiann Pov.

Nagbibihis na ako ngayon para mag pa check up. Alam kong 'di ako titigilan ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong magbihis agad na ako bumaba. Hindi pa rin umuuwi si Bryan simula ng iwan niya akong nakahandusay sa sahig.

Masakit mang isipin pero kakayanin ko.

Hindi ko kayang makipag hiwalay sa kaniya. Dahil mahal ko siya at kakayanin ko lahat ng pananakit niya.

Gano'n naman talaga 'di ba 'pag mag Mahal ka dapat magtiis ka.

Agad na akong lumabas ng bahay. Gagamitin ko na lang 'yong sasakyan ko.

Pagdating ko sa Fertolaso hospital agad akong dumeretso sa office ni Dra. Jane Fertolaso ang anak ng may ari nitong hospital. Actually, ka batch niya si Kuya noon. Kaya kilala ko siya minsan na siyang ipinakilala sa 'kin ni Kuya noon at close naman kami.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Oh, Rhiann? What's bring you here?" tanong niya ng 'di tumitingin sa 'kin at busy siya sa binabasang papers. Iba talaga 'tong si Ate Jane, eh.

"Ahm... good morning, Ate." nakangiti kong sabi sa kaniya agad naman siyang tumingin sa 'kin.

"Good morning din. Wait, what happened to your face?" takang tanong niya.

"Hmm... nothing, Ate. I just want you to check up my back." sabi ko saka umiwas nang tingin.

Alam kong sinusuri niya ang mukha ko.

"Wait, you can't fool me. Bakit parang nagkulay violet ang mga pisnge mo?" tanong niya saka tumayo at lumapit sa 'kin.

"Wala po, Ate." sagot ko.

"Maupo ka nga muna. Anong wala? Halatang sampal 'yan, ah." sabi niya sabay hawak sa pisnge ko.

Wala talaga akong maitatago sa kaniya. Magaling siyang kumilatis ng tao. Sabagay, doctor naman siya.

"Ahm... ano, nasampal ko po ate dinapuan kasi ako ng lamok kaya ayon." palusot ko mahirap na baka sabihin niya kela Mom and Dad.

Malapit din siya kela Mom and Dad.

"What? At dahil sa pagsampal mo halos mag kulay violet na ang pisnge mo?" mapanuring tanong Niya.

"Ahh, nalakasan ko kasi nang sampal kaya ayan." sabi ko ulit.

"Nako! 'Wag mo 'kong gawing tanga princess." sabi Niya.

Talagang 'di ako makapag sinungaling sa kaniya. 'Tsaka, tinatawag din niya akong princess tulad nila Kuya at Jake.

"Bakit ka nga pala naparito?" tanong pa niya.

"Mag pa check up sa likod ko po." nakayukong sabi ko.

"Bakit? Ano bang nangyari sa likod mo?" tanong pa niya.

Patay ako nito. Pa'no ko ba sasabihin sa kaniya.

"Ano kasi---"

"Sabihin mo nga sa 'kin kung ano nangyari sa'yo." sabi pa ni ate Jane.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Where stories live. Discover now