chapter 51 " She's alive"

825 24 26
                                    


Bryan Pov.

"Please let's welcome our birthday celebrant! Miss Rhiann Calabim!" malakas at nakangiting sabi ng baklang emcee.

Natigilan ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ng baklang emcee.

What did he say?

Biglang napatingin ang lahat sa loob ng mansipn kaya napatingin na rin ako.

Biglang napako ang tingin ko sa hagdan ng may unti -unting bumaba na mgandang babaeng nakangiti. Kasabay no'n ang halos ikabingi ko dahil sa lakas nang kabog ng puso ko.

Gulat at napatayo na rin ako. Napatitig ako sa kaniya nang biglang nagtama ang mga mata namin. Bigla kong nahigit ang hininga ko saka lumabas sa bibig ko ang salitang

Asawa ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Gulat na gulat ako nang makita siyang nakangiti. Nanatiling nasa kaniya nakatingin ang mga mata ko.

Feeling ko nanaginip lang ako.

Pakiramdan ko isang panaginip lang ang lahat. Kung panaginip man lang lahat nang nakita ko. Sana... sana manatiling nandito pa rin ako sa panaginip na ito.

Dahil mas gugustuhin ko pang manatili sa panaginip na kasama ang taong mahal ko. Kesa bumalik sa realidad na hindi naman totoo. Kesa bumalik sa realidad na hindi ko na siya kasama.

Bagay na labis kong hiniling na makasama siyang muli ngunit sa panaginip ko lang nakita. Mas gustuhin ko pang ma trap sa panaginip kesa bumalik sa reality na wala siya.

Mas gustuhin ko pang makasama siya kesa reality na hindi ko siya kasama. Hindi ko alam kung bakit pero bigla siyang ngumiti sa 'kin.

Ngiti na ngayon ko lang nasilayan. Ngiti na matagal ko ng inaasam na makita. Panaginip pa rin ba ito. Mukhang nakalimutan ko nang huminga dahil nayanig na niya ang buong sistema ko.

"Nanaginip ba ako?" mahinang bulong ko sa sarili ko.

Ngunit bigla akong natauhan ng naramdaman ang malakas sa sampal sa pisnge ko.

 Nakita kong nakangiting nakatingin silang lahat sa 'kin.

Hindi ko ininda ang sakit sa lakas nang sampal ng kapatid ko. Dahil napagtanto kong hindi ako nanaginip.

Na totoo ang lahat ng nakita ko ngayon.

"You're not dreaming, Kuya." nakangiting sabi ni Shane.

"Kung ano ang nakita mo, paniwalaan mo." nakangiting sabi ni Tob.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi nila. Hindi nga ako nanaginip. Totoo nga ang lahat nang nakita ko.

Buhay nga ang asawa ko at heto siya ngayon nasa hagdanan at nakahawak sa braso ni Jake.

"Hinga, dude. Baka 'di mo na siya mayakap dahil tigok ka na." natatawang sabi ni Tom.

"Oo nga, gano'n mo na siya kamahal, dude? Dahil pati paghinga nakalimutan muna nang makita siya." nang aasar na sabi ni Kevin habang nakangiti ng todo.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Muling bumalik ang tingin ko sa loob kung saan patuloy ito sa pagbaba sa hagdanan kasama si Jake na nakangiti.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon