Chapter 3

26 6 0
                                    

"Walk with me
Fly with me
To the end of the sky
So our hands can touch
Even if it hurts
You and I, if we're together
We can smile"
-You never walk alone

_________

"Ms Navarro!"

"Ay! Jungkook!"

Napasigaw ako nang may humawak sa balikat ko. Napahawak pa ako bibig ko nang marealize kong naisigaw ko ang pangalan ni Jungkook.

Nakabusangot ko siyang nilingon.

"Bakit ka naman nanggugulat Alexander!" Inis kong singhal sa kanya.

"You are not focused. Kanina pa ako nagsasalita dito," sermon niya.

"Eh bakit ka naninigaw ah?!"

Pwede niya naman akong tawagin nang mahina at hindi nakakabingi.

He glared at me. "Are you nuts? Kasasabi ko lang na kanina pa kita tinatawag therefore kasalanan mo kung bakit kita nasigawan."

Suminghap ako.

Napapalingon na sa amin ang ilang kaklase na nasa loob ng classroom.

"Nag aaway na naman ba kayo? Haha! Sige kayo! Baka magkatuluyan kayo niyan," biro ni Gerald isa sa mga kaklase namin.

"Yieeeee!" Gatong ng iba.

Nagkatinginan kami ni Alexander. Napangiwi ako. Never in my wildest dream.

"Yucks!" Parang susuka ko pang wika. Alexander glare at me.

"Arte!" Inis niyang singhal saka ibinato sa akin ang ilang papel na pinapabasa ko sa kanya para sa school newspaper.

"Ikaw yung mas maarte! Tse!" Pahabol ko habang padabog siyang lumabas ng pinto.

Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Inaamin ko naman na malayo yung isip ko kanina. My nerves are still awake for the fact na baka yung mga nasa mansyon ay sila.

Maryusep!

Huminga ako ng malalim. Just relax Aimee. Alisin mo muna sila sa isip mo. Ngayon lang.

Kinuha ko iyong mga papel na tinapon ni Alexander.

"Ang sama sama talaga ng ugali non."

Reklamo ko sa sarili habang isa isang pinupulot ang mga papel na tinapon niya.

Umupo ako at kinuha ko ang ballpen. Gagawa ako ng article about sa school festival na nangyari last week at ipapasa ko iyon kay Alexander para ilagay sa school newspaper na ginagawa namin. Ako yung nakatuka para gawin yon.

Itinuon ko ang atensyon ko sa pagsusulat. Hindi ako lalabas ng classroom hanggang hindi ko pa natatapos gawin ito. Ayokong sermonan nanaman ako ng lokong iyon.

I really hate him. Noon pa man talaga ay kinaiinisan ko na siya. Malayong malayo ang ugali nila ni bestie Alex. Too mayabang and too hot tempered.

Narinig kong tumunog ang bell para sa pagtatapos ng lunch break. Hindi na ako pumunta ng cafeteria to take a lunch because I need to finish it as soon as Alexander come.

"Hoy!"

May biglang tumapik sa balikat ko. I didn't hesitate to look up and tried my self to fucos.

"Aba! Snob siya oh!"

"Mamaya na bestie. Huwag mo akong estorbohin. Can't you see I'm busy," reklamo ko.

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now