Chapter 5

28 6 0
                                    

"The me of yesterday, the me of today, the me of tomorrow.
(I'm learning how to love myself)
Every last one of them is me."
-LOve MysElf

_________

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang may pumalo sa pwet ko. I squinted at inis na kinakamot ang ulo ko.

Malapit nang magdikit ang mga labi namin ni Jungkook. Taena naman!

"Ano na, Aimee! Hihilata ka nalang ba diyan boung mag damag?! May pasok ka pa!"

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa malakas na sigaw ni kuya Manuel sa harap ko. Kulang nalang ay umusok ang ilong at bibig niya.

"Oo, kuya. Alam ko!"

Padabog akong tumayo. Ang sakit din naman ng pwet ko. Leche! Ang lakas lakas naman kasi ng palo ni kuya. Wala ba siyang manners? Conscience?

"Yan kasi eh! Late ka na umuwi. Pumunta ka ba talaga kay Manong Kardo kagabi o naglakwatsa ka?"

Dahil sa sinabi niya. Napangiti ako ng todo!

Waa! Kinikilig ako! Kinikilig talaga ako! Pakiramdam ko ay maiihi na ako eh!

"Kuyaa! Kyaaa!"

Lumapit ako sa kanya tapos pinaghahampas ko siya. Tinignan ko naman yong isang poster ni Jungkook. Napangiti ulit ako ng todo.

"Aimee! Araay! Tumigil ka nga!"

Nilalayo niya ako sa kanya.

"Papaluin kita! Ano ba nangyayari sayo ah! Are you insane?!"

Ne! Baliw na talaga ako sa BTS and of course kay Jungkook .

"Ano kasi kuya! Kilala mo ba si kuya Minmin. Yong tabachoy na bestfriend ni kuya Lester?!"

Napakunot naman ang noo niya tapos parang inaalala ang tinutukoy ko. Maya't maya biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Si kuya taba? I am right?"

"Ne kuya! Siya yung bagong dating sa mansyon. Nakausap ko nga siya e! Tsaka Manager na siya ngayon. Manager ng mga asawa ko!"

Si kuya Minmin o Bang Hyung min ngayon. Dati na siyang nakatira sa mansyon na katabi lang ng bahay namin. Half korea and half filipino siya. Yong papa yung Korean at si tita Jessy ang Filipina.

Bestfriend ni Mama si Auntie Jessy, mommy ni kuya Min tapos bestfriend naman ni kuya Lester si kuya Min. Sa tuwing aalis yung mama ni kuya Minmin palagi siyang nasa amin. Natatandaan ko pa nga na siya yung palagi ko kalaro. Close na close kami noon.

Parang kuya ko na nga siya ee! Nag migrate sila sa korea 10 years ago tapos hindi na sila bumalik dito.

Kaya pala! Kaya pamilyar siya sa akin. Daebak! Hindi ako makapaniwala na kakilala ko ang manager ng bantgtan.

(Daebak - Awesome)

But sad part nong tinanong ko siya kung saan nagbakasyon ang BTS hindi niya sinabi sa akin.

But something smell fishy. Naririnig ko kasi mula sa second floor ang ingay habang nakikipag usap ako kay kuya Minmin. Tsaka kapansin pansin ang isang maleta na sobrang familiar sa akin. Feel ko nga ay kay Jimin iyon.

_____

Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa classroom nang may dalawang babae ang nag uusap sa unahan ko. Pumalakpak ka agad ang tenga ko dahil BTS yung pinag uusapa nila.

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now