Chapter 44

14 5 0
                                    


“Living without passion is like being dead.” 
– Jungkook

_______

This is it!  

I did it!  

Isa sa pinakamasayang tagpo bilang isang mag aaral ay ang maka akyat sa stage habang suot suot ang toga. Mahawakan ang diploma, makipag kamay sa mga taong tumayong pangalawang magulang, humarap sa lahat na hawak hawak ang diploma at nakangiting nakatingin sa mga magulang na masayang kang pinanunuod. 

Lahat ng hirap na pinagdaan para lamang malagpasan ang mga unos na dumaan ay napalitan ng kasiyahan.  

I took a deep breath when I heard my name mentioning by Mc.  

"Ms.  Aimee Navarro.  With honors." 

Dahan dahan akong umaakyat sa stage kasunod non ang palakpak ng mga taong nanunuod.  

"Congrats Ms.  Navarro," nakangiting bati sa akin ni Sir Alan.  Nakipag kamay naman ako sa kanya at ngumiti bilang sukli bago humarap sa kapwa ko mga estudyante at mga magulang. 

Maluha luha ako nang matagpuan ng aking mga mata ang pamilya kong proud na pumapalpak habang nakatingin sa akin.  

Naka finger heart si Kuya Jeric sa akin samantalang todo palakpak sina kuya Manuel, kuya Lester at si mama.  

Mula sa unahan ay nasulyapan ko si Alexander na nakangiting nakatitig sa akin.  Sinuklian ko rin siya ng matamis ng ngiti.  

Napaka formal ng ayos niya at bagay na bagay sa kanya ang kulay green na toga.  

Almost three months na ang nakakalipas nang umamin siya sa akin.  Medyo nagiging akward sa part ko lalo na kapag nilalandi niya ako.  Char! But kidding aside he is nice naman at naging madali sa akin na maging close sa kanya.  

Mahilig na rin siyang manuod ng mga Bangtan Videos. Sinabi niya rin sa akin na yung mga merch, albums and poster na iniwan ni bestie, ipinamigay niya sa kapwa ko Armys na kapos sa budget samantalang yung ibang natitirang merch and albums ay nilagay niya sa kwarto niya.  

Napag usapan din namin yung tungkol sa ipon namin ni bestie na para sana sa concert ng Bangtan.  Tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko sa ipon at since na wala na si Bestie. Napag desisyon ko nalang na e-donate sa isang charity.  Though na hindi kalakihan yung perang naipon namin. Alam ko namang malaking tulong na rin iyon sa kanila. 

Ayokong rin namang gamitin yung perang yun para mapanuod ang concert ng Bangtan na hindi siya kasama.  

Muli ay ngumuti ako sa lahat at bahagyang yumuko bago lisanin ang entablado.  

Kakaiba ang pakiramdam ko nang bumaba na ako sa stage. It feels like I finished one of my dream. 

"Congrats anak!" 

"Congrats Bunso!" 

Pagkababa ko ay sinalubong ako nina mama at mga kuya ko.  Nagmadali akong lumapit sa kanila at mangiyak-ngiyak kong pinakita ang diplomang hawak ko.  

" lI did it po!  Huhu! I'm super overwhelmed!" I happily expressed.  

Kuya Manuel slowly tap my head.  

Inabot naman sa akin ni Kuya Jeric ang isang bouquet ng bulaklak.  

"Thank you kuya." 

Niyakap ko si kuya Lester at mama.  They congratulate me which make me feel so proud of myself.  

See? They are not my destruction. Nakapagtapos ako while fangirling with my idols. Ang saya sa pakiramdam.  

This is only the first step, unang hakbang para sa aking mga pangarap. 

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now