Chapter 4

29 8 0
                                    

Have ears but don't listen.
Have eyes but don't see.
-AmIwrong

_________

"What are you doing here Aimee?!"

Napatayo ako nang dis oras nang makita ko si kuya Manuel na nasa pinto ng bahay namin.

Nakapamewang ang dalawang kamay niya habang masama ang tingin sa akin.

Nagkamot ako sa batok saka ngumiti nang pilit.

"Ahm. Wala lang."

"Wala lang mukha mo. Bakit ka nakahiga sa damuhan? Bakit namamawis ka ng sobra? At bakit namumula ang boung mukha mo," he enunciated every words he said. Animoy nanggigil.

Kinuha ko ang bag ko at lumapit sa kanya.

Deads ako nito.

Hindi niya dapat malaman na kamuntikan na malagay sa panganib ang buhay ko dahil I'm sure mas magiging mahigpit siya akin.

"Tsk! Ang dami mong questions kuya. You make my head hilo hilo. Hehe. Anyway, I'm super gutom na. Pasok na ako."

Maglalakad na sana ako papasok nang bigla niyang itinulak ang noo ko gamit ang isang hintuturo niya. Napaatras ako nang dis oras at muntik nang matumba.

"Aish!" Reklamo ko saka siya tinignan ng masama.

"Aba! Aba! Huwag mo akong titignan ng masama. Makakatikim ka sa akin," banta niya.

"Magsabi ka nga ng totoo, Aimee alam mo naman na ayoko sa mga sinungaling."

Bumusangot ako sa kanya.

"Kuya naman eh."

"Kuya naman eh." Ginaya niya yung sinabi ko with matching ngiwi pa. Nang aasar pa.

"Kuya kasi eh! Tumakbo lang ako for exercise. Hmm?"

Nagpuppy eyes ako sa kanya. Ilang ulit akong kumurap nang tumingin siya sa akin. Sana tumalab.

"Ang sagwa!" Reklamo niya.

"Ano?! Anong masagwa ah?!"

"Yang mukha mo!"

Nagulat ako nang bigla siyang umakbay sa akin at inipit ang ulo ko sa braso niya. Automatikong napayuko ako.

"Kuya!"

Inis kong tinatanggal ang braso niya sa leeg ko pero masyado siyang malakas. Itinaas ko ang kamay hanggang sa mapunta iyon sa buhok niya. Dahil sa dakilang matalino ako ay sinabunotan ko siya.

Pareho kaming nag sisigawang nang magpunta sa sala.

Nakaipit pa ang leeg ko sa braso niya habang halos malagas na ang buhok niya dahil sa mahigpit kong hawak.

Ha. Ha. Ha.

"Wow! Siguradong mag vi-viral ito sa facebook." Rinig kong usal ni Kuya Jeric.

"Kayong dalawa. Tumigil nga kayo," saway naman ni mama kaya sabay kaming nag bitiw ni kuya. Lumayo kami ng ilang inches sa isat isa at sabay tumingin nang masama sa isat isa.

"Isip bata," asar ko.

"Pangit," asar din naman niya. Balak ko sanang asarin siya pero may isang boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Aimee!"

Mabilis sa alas kwatro akong tumingin sa sala. Unang dumapo ang paningin ko kay Kuya Jeric na ngayon katatapos lang videohin kami. Nang dumapo ang tingin ko sa katabi niya ay napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now