Chapter 13

18 6 0
                                    


" I can't just tell you to gain strength no matter what, but i do wish that within the hard times you face, you can find thing that make you happy. " 

-- Jungkook (2019) 

______

"Paano mo naman nakilala si kuya Min?" 

Tinignan ko siya nang seryoso. Inayos naman nito ang mala harry potter eye glass niya tapos tinignan niya rin ako nang seryoso. Oh! well nakalimutan kong seryoso nga pala siyang tao. 

"Just because." 

Tss. 

Tapos nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng jacket niya. Nasa labas kami ng bahay namin. Inutosan kasi ako ni mama na ihatid ko muna daw siya. Ayoko nga sana kasi nandoon sa loob si Namjoonie tapos si kuya Min pero baka pagalitan ako ni mama so I follow my mama nalang. 

"Okay! Basta ano... Alexander." 

Hinawakan ko siya sa balikat. 

"Huwag mong ipagkakalat na nandito ang Bangtan lalo na kay Alexandra ah. Gustohin ko man kasi sabihin sa kanya na nandito yung idol namin hindi naman pwede tsak-- " 

"Are you happy?" 

"Uh?" 

Gulat ko pang tanong kasi bigla nalang siyang sumabat. 

"I mean finally na-meet mo na sila. Masaya ka na ba?" 

Kinunotan ko pa siya ng noo dahil sa pag uulit niyang tanong sa akin. 

"Oo masaya ako! Sobrang saya ko at yung sayang nararamdaman ko ay hindi mapapalitan kahit sino man! Alam mo ba ginawa kong motivation yung mga masasakit na sinasabi mo sa akin as a fangirl ng Bangtan. You told me na wala ako mapapala at hindi ako papansinin ng Bangtan but look at now Mr. Alexander. Yung sinasabi mong imposible ay naging posible. I'm super happy at yung kasiyahang nararamdaman ko ngayon ay dahil sa Bangtan na sinasabi mong walang kwenta!" 

Tapos inirapan ko siya kahit nag te-teary eyes na ako. Syempre no! May mga sinabi siya sa akin about sa pagiging fangirl na talaga naman nakakahurt tapos kapag iniisip ko yung mga sinabi niya lalo na iyong hindi ako papansin ng Bangtan talagang nakakaiyak kasi napansin ako ng mga idols ko at ang sarap sa feels na masaksihan niya napansin ako ng Bangtan. So awesome talaga! Talagang malaking sampal iyon sa kanya.

Mukhang wala naman siyang pakialam sa sinabi ko. Nanatiling  seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Minsan ang sarap niyang bigwasan. 

"I'm sorry for that Aimee. Hindi ko naman alam na masakit iyon sayo but it is still truth hurts kasi darating din ang punto na makakalimutan mo sila at kakalimutan ka rin nila. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan, darating ang araw na papasok ka na sa mundo ng realidad kung saan hindi mo na sila kasama at ganun din sila. " 

Hindi ko alam pero bakit bigla nalang kumirot iyong puso ko. Bakit ang sakit sa tenga at sa  dibdib. Though na nakakainis ang sinabi niya, may point naman siya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa sinabi niya . 

"Nangbabash ka naman." 

"No. I'm just telling the truth Aimee and that's the reality." 

Sabi pa nito. Hindi naman ako nakaimik hanggang sa mahina niya nalang akong tinapik sa braso. Gusto ko nga sabihin na feeling close siya pero hindi ko nga kasi kayang umimik. Nakakahurt yung statements niya. 

"Go inside, malamig dito. Aalis na ako." 

I glared at him. 

"Nakakainis ka." 

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now