Chapter 7

23 6 0
                                    

"Whatever the reason for your criticism is
I know what I am
I know what I want
I never gon' change
I never gon' trade
(Trade off)"
--Idol

___________

"Oh! Kapatid himala at maaga kang nagising," pambungad sa akin ni kuya Jeric habang papunta ako sa kusina. Nakaupo ngayon si kuya Jeric sa dining table habang umiinom ng kape.

Si mama naman nagluluto na nang agahan. Maagang umalis si kuya Kenneth para asikasuhin ang visa niya papuntang Korea .

Next week na yung alis niya. Ngayon palang nga ay namimiss ko na siya.

Si kuya Manuel nasa kwarto niya pa at tulog mantika. Hating gabi na siya natulog kagagawa ng thesis. Mukhang napagod ang kuya ko kaya napasarap ang tulog.

Samantalang ako hindi pero hindi naman ako nabadtrip sa naging dahilan nang hindi ko maayos na pagtulog sa katunayan niyan maganda pa nga ang gising ko.

Sheyt! Hindi TALAGA AKO MAKAPANIWALA NA NAKITA KO ANG MGA ASAWA KO! Naalala ko yung mga mukha nila.

Maryusep! Na-i-imagine ko kung gaano kagwapo ang mga mukha nila. I just can't believe it. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay nanaginip ako.

"Kung inaantok ka pa anak, bumalik ka muna ng kwarto mo. Sabado naman ngayon."

Nginitian ko naman si mama na ngayon nag aayos na ng almusal namin.

"Hindi ma. Maaga talaga ako gumising kasi pupuntahan ko yung mga asawa ko," masayang wika ko.

At ngumiti ako nang matamis. Kapag iniisip ko talaga na ang lapit lapit ko na sa Bangtan. Napapangiti ako nang sobra

"Mukhang naka drugs yung anak mo ma oh! Bat ganyan ka makangiti?" nang aasar na usal niya.

Minsan talaga panira si kuya Jeric.

"Hay naku! Huwag mo na nga asarin yang kapatid mo. Anak umupo kana at mag a-almusal na tayo. "

"Okay po," sabi ko.

Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang nangyari kagabi. Na yung mga asawa ko nasa kabilang bahay lang namin pero ibinilin kasi sa akin ni kuya Min na huwag muna.

Siya raw mismo ang magsasabi kay mama.

Pinapapunta rin ako ni kuya Min mamaya kaya excited na ako makita ulit ang Bangtan.

Jusmeyo!

How to calm fam!

After ng breakfast namin, hinugasan ko na ang pinagkainan namin.

Nagpaalam si kuya Jeric na pupunta daw siya sa classmate niya para gumawa ng project. Bago naman umalis si mama papuntang palengke, nagpaalam na ako sa kanya na pupunta ako sa Mansion . Um-oo naman si mama basta daw maglinis muna ako ng bahay.

I make sure na malinis at walang alikabok na makikita si mama pag uwi niya. Hinihingal pa ako pumunta nang banyo at naligo. I need to take a bath para naman kahit pa-pano mag mukha akong tao kapag nakaharap ko ulit ang bangtan.

Ohmyghosh! Hindi ko talaga mapigilan mapangiti. Just seeing their face makes me smile.

Being fangirl is not easy but it's worth it naman kasi pinapasaya nila ako.

Maryusep! Pinapanuod ko lang sila sa screen but now. I will become their tour guide tapos makakasama ko sila nang matagal. Huhu! It's worth it talaga.

"Hoy babae! Where are going?"

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now