Chapter 25

18 6 0
                                    


“Dream, hope, forward, forward” — Young Forever

___________

"Aimee! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?  Alalang alala na kami sayo! You didn't even answer our call. Ni hindi ka man lang nag text sa amin kung buhay ka pa ba! Gusto mo ba mamatay ng maaga si mama dahil sa sobra---Aray! Mama naman!  Bakit ka nambabatok mama!" 

Automatiko nilayo ko ang cellphone sa tenga dahil sa malakas na boses ni kuya Manuel. 

"Bakit pinapatay mo na agad ako Manuel ah?" 

"Mama! Sorry po! Yong anak niyo kasi e!" 

Kahit nakalayo na sa tenga ko ang cellphone naririnig ko pa rin ang boses nila. 

"Mama,  kuya Manuel!  Sorry po talaga.  Walang signal sa resort na pinuntahan namin kaya hindi ako nakatawag sainyo po." 

I felt guilty tuloy. Alam ko pinag alala ko sila ng sobra.  Kapag iniisip ko yong mga times na nag eenjoy ako habang sila nag wo-worry saakin. Na-gu-guilty ako. 

How about my bestie Alexandra?  For sure nagtatampo na iyon sa akin. 

"Ganon ba anak?  Naiintindihan ko basta mag iingat ka jan anak a? Huwag mo na kami alalahin dito. Enjoy ka jan anak." 

I heard kuya Manuel whispering something. Mukhang nagpaparinig yata.  Sinaway naman siya ni mama. 

Pati ba naman sa mga asawa ko magiging strikto siya?  Duh! Akala naman niya ipapahamak ako ng Bangtan o baka mag gawin masama sa akin well in fact baka dapat sa akin mabahala ang Bangtan. 

"Opo mama." 

"Kumusta ka pala jan anak? Nag enjoy ka? Kumusta yong mga alaga ng kuya Min mo?" 

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa tanong ni mama. Obvious sa itsura ko naging masaya at memorable ang experience ko sa Boracay kasama sila. 

Sumulyap ako sa Bangtan. Nasa loob sila ng starbucks para kumain bago ang flight namin. Lumabas muna ako para tawagan si mama. Salamin lang yong pagitan namin kaya halos kita ko silang lahat pwera lang kay Rm,  kuya Min at Suga na ngayon ay nakatalikod saakin.

"No words can express how much I am happy right now mama. Yong feeling po na parang panaginip lang ang lahat. Sobrang saya po sila kasama  despite the fact that we have a language issue. Mahirap magkaintindihan lalo na kung magkaibang lenggwahe ang gamit niyo. Dudugo ang ilong mo at matutuyo ang utak sa kakaisip sa kung anong english ba ng ganito, ganyan kasi english lang yong nagsisilbing tulay para magkaintindihan kami pero keri naman. Basta para sa Bangtan kakayanin! " 

Ang haba Aimee ah! 

Habang sinasabi ko ang mahabang litanya ay nakatingin ako sa Bangtan.

Nagkwekwentohan sila ngayon at nagtatawanan. Jungkook accidently look at me. Sabay pa nanlaki ang mga mata namin at sabay na umiwas ng tingin.

I close my eyes so hard when suddenly something akwardly pop up in my mind. 

Jusmeyo! Ang akward nong nangyari kagabi! Ni ayoko isipin yon dahil everytime na maiisip ko yong nangyari pakiramdam ko matutunaw ako sa kahihiyan. 

What the pak taraga! Na fefeel ko pa yong soft and hard feeling ng kamay ko. 

"Mabuti naman anak! Mag iingat ka jan ah! Kakausapin ka raw ng kuya mo." 

"Hoy Aimee!" 

Hindi ko napansin boses na pala ni kuya ang naririnig ko. I open my eyes at nong nagtama ulit ang paningin ko sa deriksyon ng Bangtan nakahinga ako nang maluwang nang hindi na nakatingin sa akin si Jungkook. 

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now