Chapter 10

24 6 0
                                    

"To those who are tired and frustrated, if you open the door in your heart, there is Magic Shop. We'll be waiting there, be the strength & consolation to our fans."

- Jungkook

________

"Ang OA mo kuya ah!"

"Sino ang mga yan?!"

Tinuro niya ang Bangtan.

Tinignan niya nang maigi at mula sa matalim niyang tingin sa pito. Unti unting kumunot ang noo niya. He was trying to remember something . Uh! Lagot ka kuya!

"Teka lang! Parang namumukha ko kayo ah! Kayo yung mga lalaking nasa kwarto ni Aimee."

"Kuya."

"Mwo?" Jin asked.

Wala silang idea sa mga pinagsasabi ni kuya.

"Ya! Calm down Manuel--"

Napatingin si kuya sa gilid niya nang magsalita si kuya Min. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Kuya tab--este kuya Min?!"

Mangha naman wika ni kuya. Nawala na yung inis niya at nakangiti na siya ngayon. Baliw ata to si kuya .

"Kumusta Manuel. Mukhang hindi pa nagbabago ang pagiging protective mo kay Aimee ah."

"Ah!"

Nahihiya niyang kinamot ang batok niya. Taena naman si kuya. Ang sarap batukan.

Pero mabilis din iyon nagbago dahil bigla siyang ngumiti tapos tinapik niya pa si kuya Min sa balikat. Nagulat pa ang Bangtan dahil sa ginawa niya. Gusto kong panlakihan ng mata si kuya kasi ang disrespecful ng ginawa niya pero mukhang walang paki si kuya.

Maryusep naman!

"Hey! How are you kuya Min?! Long time no see. It's great to see you."

"Me too, Manuel. Parang kailan lang nga ay ganito ka kaliit."

Dini-describe ni kuya Min iyong height ni kuya na hanggang balikat niya lang.

"Yeah."

"But now, mas matangkad kana saakin."

Masaya namang kwento ni kuya Min. Napatingin ako sa pito and they're silent tsaka bigla nalang sumeryoso ang mukha nila.

May mga sinabi pa si kuya kay kuya Min at ganun din si kuya Min pero wala naman akong ganang pakinggan yun dahil nanatili ako nakatingin sa pito.

Minsan talaga pa-epal itong si kuya.

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan tapos marahas niya ako hinila papunta sa kanya. Tinignan ko naman siya nang masama kahit na nakatingin siya saka sa mga asawa ko.

"Sila ba yung BTS?" Kuya asked. Sasagot na sana si kuya Min pero inunahan ko na siya.

"Oo naman yes kuya. 'Yung mga idols ko. Bangtan Sonyeodan. They're famous around the world! Na-- "

"I'm not asking you. Ikaw ba si kuya Min?"

"Hindi."

Nakapout ko naman na sagot.

"Then shut up."

I saw kuya Min chuckled tapos napailing pa siya.

Pinakilala niya si kuya Manuel sa Bangtan.

He said na kapatid ko daw itong uggoy na to. Napa 'oh' naman yung Bangtan. Halatang nagulat kasi nga unggoy siya tao ako. Paano kami naging magkapatid. So ayun, sabay sabay naman na yumuko ang Bangtan they said 'Annyeonhaseyo. We are Bangtan Sonyeodan'.

Napa palakpak ako don kasi sabay sabay talaga sila at saka first time ko mapanuod 'yun in person pero sinaway ako ni kuya Manuel. Mukha daw ako timang, sinagot ko naman siya na 'Mukha lang. Ikaw timang na!' using my mind . Hindi ko naman nilabas sa bibig ko.

Nag apologize din si kuya Manuel dahil sa ginawa niya kanina. 'It's okay' lang daw sabi ni Rm.

Matapos iyon. Pinaupo na kami ni kuya Min sa sofa. Nasa kabilang side ang Bangtan samantalang kami ni kuya umupo sa isang sofa na katapat din ng Bangtan. Nakaupo na rin si kuya Min sa isahan ng sofa na pinagigitnaan ng inuupuan namin.

"So what's happening?"

Si kuya Manuel. Bakit ang cool niya parin umasta? Hindi pa siya na-inform na ang kaharap niya ngayon ay isa sa pinakasikat na boygroup sa boung mundo at tinitilian ng kababaihan.

"Si mama dapat ang nandito. Hindi ikaw kuya," bulong ko naman sa kanya.

"Nasaan nga pala si Auntie Daisy?"

"Umalis si mama. She told me na ako daw muna ang pumunta dito so I'm here. Ano ba ang pag uusapan natin kuya Min?"

Ay maryusep! Bakit si kuya Manuel pa? Pwede naman si kuya Keneth nalang eh!

Kasi si kuya Keneth supportive na kuya. Kung pag uusapan man ngayon yung about sa pagiging tour guide. Malaki yung chance na pumayag siya pero itong si kuya Manuel. Malaki ang chance na hindi siya papayag.

Kapansin pansin rin ang pagiging tahimik ng pito.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa at nag discuss na si kuya Min about doon sa vacation ng Bangtan. Kuya said na sa Boracay, Palawan, Cebu, Bicol at Baguio ang destination nila. So bali tig 3 days sila tatagal kada lugar na pupuntahan tapos yung natitirang days eh dito na sa Maynila. Maglilibot at magpapahinga.

Gusto nga sana ni kuya Min na sa iisang lugar nalang sila mamalagi para hindi na mapagod ang Bangtan sa pagbyabyahe but my Bangtan insisted. Nagsearch pa talaga si Jungkook at Rm ng mga places dito sa bansa na magandang puntahan.

Next week na yung alis nila tapos yung first destination is Baguio.

Exciting!

"Daebak! You know there are so many beautiful places here in the Philippines, Bangtan! I'm sure you will enjoy every places and every ano... thats all."

Narinig ko napa 'tsk' si kuya Manuel.

"I'm sorry. My sister is not good in English."

Nakita ko napatawa si Jungkook, Jin at Hobi. Ay hala naman.

"Wow ah!"

"Magpapaalam sana ako Manuel kung pwedeng isama namin si Aimee."

"Isasama?!"

Gulat pang tanong ni kuya.

"Kuya ang OA mo mag react."

"Tumigil ka," singhal nito sa akin

Tumingin siya kay kuya Min.

"Bakit niyo isasama itong unggoy na 'to? Bakasyon naman nila yan ah. Baka makagulo lang ito si Aimee tsaka kuya Min nag aaral pa itong si Aimee. Hindi siya pwedeng umabsent."

"Pwede naman akong mag excuse tsaka mag-ho-holiday na rin kuya. December na bukas oh! Konting kembot nalang holiday break na."

Gustong gusto ko talaga sumama kay Kuya Min eh! Sana nga ay payagan ako ni mama kasi once in a lifetime achievement yun.

Once in a lifetime na makasama ko nang matagal ang pinakamamahal kong Bangtan then after this babalik naman sa ulit ang dati.

Yung magiging malayo na ako sa kanila at babalik sa realidad na hindi na sila kasama.

Hays...

[End of Chapter 10]

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now