Chapter 39

16 5 0
                                    




"Failures is the mother of success. I learned from that passion and sincerity."
--Jhope💜

______

"Bakit ang daya mo naman bestie?  Diba pupunta pa tayo ng concert ng Bangtan?  Papanuorin pa natin sila. Ang daya daya mo bestie! Pano na si Jimin?!---" Before I could finish my words hindi ko na napigilan ang pahagulhul sa harap ng puntod niya.  

Dalawang araw na ang lumilipas nang tuluyan na siyang mamaalam sa mundong ito.  Isang araw lang siyang ibinurol, dahil na rin iyon ang hiniling ni Bestie.  

I wipe my tears but the ache is still there.  Umupo ako sa damuhan at dahan dahan na ipinatong ang isang basket ng bulaklak sa gilid ng puntod niya.  

"You can rest well bestie.  Though na masakit at ang hirap tanggapin na wala ka na. Alam ko naman na nasa mabuting lugar ka.  You're now an angel. Guide me bestie at ganun din ang mga taong nagmamahal sayo. " 

Dahan dahan kong pinaraanan ng mga daliri ko ang pangalan niyang nakaukit.  

"Pero ang sakit pa rin bestie.  Sobrang sakit. Alam mo naman ikaw lang ang nakakaintindi sa akin." 

I took a deep breath.  

"Thank you for everything, I love you and goodbye. Pangako tutuparin ko ang pangarap natin dalawa, ang makapunta sa concert ng Bangtan. " 

________

Kalahating oras akong namalagi sa puntod niya.  Saktong alas tres nang umalis ako.  

Sumakay ako ng jeep papunta ng mall. Magkikita  kasi kami ni kuya Manuel. Ililibre niya raw kasi ako plus bibili din siya ng pang exchange gift. 

Isang linggo nalang at Christmas eve na. 

Hindi pa man ako nakakarating sa mall nang bigla kong kinapa ang cellphone.  

I'm expecting that kuya Manuel will call me pero hindi pa siya tumatawag so I decided to call him nalang.  Kaya lang ay wala sa bulsa ko ang cellphone ko. 

Nasapak nalang ako sa noo ko nang maalalang naiwan yung cellphone ko sa puntod ni bestie.  

"Kuya!  Para ho!" 

Huminto naman ang jeep. 

Nagmadali kong ibigay ang bayad ko at pagtapos ay halos patakbo nang naglakad palabas.  

Mukhang sinu-swerte naman ako dahil may jeep ka agad ang dumaan.  

Pumara ako at sumakay sa jeep pabalik sa sementeryo.  

"Lagot ako nito kay kuya." 

Kinakabahan kong bulong sa sarili ko habang naglalakad papasok ng sementeryo. For sure ay kanina pa tumatawag yun.  

OA pa naman kung mag alala si kuya.  Hindi ko lang kaagad masagot ang tawag niya kung ano ano na ang pinagsasabi niya.

Habang papalapit ako sa puntod ni bestie ay napansin ko ka agad ang isang pigura ng lalaki.  

My forehead crease.  

Nakaupo siya sa harap ng puntod ni bestie habang yakap yakap nito ang tuhod niya.  Tumataas baba ang balikat niya na sa hula ko ay umiiyak siya.  

Hindi kaanong malapad ang balikat niya at may kapayatan.  

As I approached I realized who that man was.

It's Alexander.  

Nang ilang pulgada nalang ang layo ko sa kanya ay huminto ako.  Umiiyak siya at hanggang dito ay naririnig ko ang paghagulhol niya.  

Napakagat ako sa ibabang labi ko.  This is my first time na makita siyang ganito.  Nong pumunta ako sa hospital dahil sa nalaman kong wala na siya at nong burol ni bestie ay hindi ko siya nakitang umiiyak.  

He is the one who comfort me.  Hindi lang ako kundi pati ang mga magulang niya.  Siya rin ang umaasikaso sa mga bisitang dumarating sa burol.  

Nag isip pa ako nang masama sa kanya dahil akala ko ay wala lang sa kanya ang nangyari sa kapatid niya. Nong araw nga ng libing nakatulala lang siya at wala man lang kahit na anong emosyon ang nakita ko but seeing him right now ay na-guilty ako sa inisip ko.  

Alexander was in deep pain.  Pinipilit niyang ipinakita sa lahat na matatag at okay siya. Sa likod ng maskara ay isang durog at nasasaktang Alexander ang nandoon.  

He's not okay.  Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko habang pinanunuod siya. I took a deep breath before I continue walking toward him. It seems Alexander doesn't aware that I'm here.  Nanatili niyang yakap yakap ang tuhod niya at umiiyak.  

Lumuhod ako sa tabi niya at yinakap siya.  Bahagya siyang lumayo sa akin and look at me.  Akala ko ay pagtatabuyan niya ako but as our eyes met,  bahagya siyang nagulat. 

"Aimee?" 

Before I could uttur my words siya naman ang yumakap sa akin. I hug him back.  Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at nagsimula ulit siyang humagulhol. 

"Wala na ang kapatid ko Aimee!  Hindi ko kaya." 

Dahan dahan kong tinatapik ang likod niya.  

"Hindi siya nawala Alexander.  Nandito pa rin siya sa puso mo." 



Lahat ng tao ay given nang mamatay.  Hindi natin matukoy ang tamang oras at panahon kung kailan babawiin ang hiram nating buhay.  Pero hindi na tin maikakaila na nasasaktan tayo kapag namatay ang taong importante sa buhay natin. 

My Seven Anpanman Plus One (Completed)Where stories live. Discover now