Prologue

303 35 4
                                    

Malakas na ulan at malamig na hangin ang sumalubong sa kanyang mukha habang nanghihina na sa paglakad. Kasabay ng pag patak ng ulan ay ang mga luhang nag uunahan sa pag tulo. 

KUNTING TIIS PA!

Ang palaging sinisigaw ng kanyang isipan.

Kahit nanlamig, nanginginig at labis ng gutom ay pinilit niya ang sarili na kumilos at lakarin ang madilim na damuhang iyon. Ang malaking bilog na bilog na buwan lamang ang tanging nagbigay sa kaniya ng liwanag upang malaman ang paroroonan. 

Pangiwi-ngiwi siya kung maglakad, iniiwasang lumingon sa pinanggalingan at mas binilasan pa ang kilos habang pilit iniinda ang pananakit ng katawan at paa, wala itong sapin na kung gayon ay malayang tumutusok ang mga matutulis na patay'ng sanga na naaapakan niya.

Hindi ako susuko!

Kalaunay unting-unting lumilitaw ang imahe ng kalsada. Nabuhayan siya ng malaking pag-asa para sa kaniyang kaligtasan.

Malalim ang gabi, napaka tahimik na tanging patak ng ulan at kaluskos ng kahoy lamang ang maririnig. Animo'y pasan ang mundo habang lumuluha. Niyapos niya ang sarili sa lamig. Pakiramdam niya ay susuko na ang kaniyang katawan na kumilos, ngunit pinilit pa rin niyang ihakbang ang mga paa. 

Kalayua'y nakarinig siya ng mga boses, mga taong humahabol sa kaniya. Walang segundo ang kaniyang sinayang at nagsimula siyang lumakad- takbo. Natitiyak niya'ng paliko-liko at pataas baba ang daan dahil sa maliwanag na buwan.

Pinakinggan niya ulit ang mga boses at hayag niyang iilang minuto lang ay marating na rin nito ang kalsada na pinaroroonan niya. 

Nang tahakin na ang pababang bahagi ng daan ay isang sasakyan na nakapatay ang signal light ang biglang bumangga sa kaniya. Tumilapon siya sa di kalayuan at tuluyang na ngang hindi maka galaw.

Nahihilo at nanlalabo ang kaniyang paningin. Lahat ng kaniyang pag-asa ay parang binawi ng isang magnanakaw. Naka buka ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang buhay.

Naramdaman niya ang pag ibis ng isang malaking silweta at dahan dahan itong lumapit sa kaniya. 

Nakatayo ito at yumukong naka tingin lamang sa kaniya. Ilang sandali ay umupo ito sa kaniyang harapan at pinakiramdaman siya, lumapat ang daliri nito sa kaniyang ilong na para bang inaalam kung siya ay humihinga pa. 

"Hey, are you alive?" Ilang sandali ay walang emosyong tanong nito sa malaking boses.

Gustuhin man niyang sagutin ito ay walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Dahan dahang hinawakan nito ang pulso niya sa leeg. Naramdaman agad niya ang mainit nitong palad kaya hindi siya nagdadalwang isip na ibigay ang kaniyang buong lakas upang maigalaw ang sariling kamay, saka mahigpit na hinawakan ang braso'ng matigas na naging dahilan ng pagkagitla nito.

"Tulungan mo ako..."

Subalit walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Umiyak na nakikiusap na ginabayan ang kamay nitong nasa leeg papunta sa kaniyang pisngi. 

"P-please..."

"Tsk. What a waste of time..."

Unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata at tuluyan na nga siyang hinihila ng dilim.

------------------------------------------------------

WARNING

A/N:

Hellooo! Salamat po sa pagbibigay oras para basahin ang storyang ito! Bago po kayo magpatuloy, meron lang akong paalala sa inyo.

SERYOSO. MATAAS. MAHABA. ang bawat kabanata. Kaya sana mahaba rin ang pasensya niyo at hindi kayo ma boring. 🥺

SLOW-PACED ang story kaya sana hindi kayo malito.

Pa unti-unti ang pagkilala sa mga characters, kaya nakakalito sa una, pero sa mga susunod na kabanata ay malalaman mo rin.

You will ENCOUNTER typos and wrong grammars ahead. I'm not a Tagalog speaker, kaya hindi rin masyadong maayos ang tagalog words na gamit ko :).

Grammatical, typographical and technical errors might be present.

Happy reading :)

PS: THIS STORY IS NOT EDITED YET.

•d i e s g u i s e•

The Silver Lining of SolitudeOnde histórias criam vida. Descubra agora