A-VI

2.7K 167 29
                                    

Maingat na pumasok si Antidote sa loob ng bahay nang biglang bumukas ang ilaw

" anong oras na Antidote? " nakapameywang na tanong ni Jema sa anak

" Good Evening Mom " kagatlabi nyang bati sa Ina

" Good Evening? 2am na, san ka ba galing? " pag usisa ni Jema

" may pinuntahan lang ako Mom "

" may hindi ka ba sinasabi sakin ha Antidote? " may pagbabantang tanong nya sa anak

" wala Mom " sabay iling ni Antidote

Nang nilapitan sya ni Jema

" baby, nag aalala ako sayo lalo na pag ganitong oras wala ka pa sa bahay " malambing na wika nya sabay hawak sa pisngi ng anak

" sorry Mom " hinging paumanhin ni Antidote

" sige na matulog ka na " utos nito sa anak matapos halikan ito sa pisngi

" Good night "

Aakyat na sana sa hagdan si Antidote nang nilingon nya ang Ina

" Mom nakausap ko si Mama " pagkwento nya

" alam ko " sagot ni Jema na parang hindi nagulat sa sinabi ng anak

" uhmmm.. kayo pa ba? " may pag alinlangan nyang tanong

" anong klaseng tanong yan? "

" Naguguluhan na kasi ako Mom sa sitwasyon natin, kung ano na ba ang papel natin sa buhay ni Mama ngayon na ibang pamilya ang kasama nya at hindi tayo " paliwanag ni Antidote

" dba sabi ko sayo na maniwala ka lang? " giit ni Jema

" pero hanggang kailan ako maniniwala Mom? "

-

Next Morning

" Bola nga " utos ni Eania sa nakaupong Nicollette

" May kamay ka naman, bakit ako pa kukuha? " sagot ni Nicolette sa kanya

" malapit sayo "

" May ginagawa ako " tanggi ni Nicolette

" ibabato mo lang naman ang bola papunta sakin, hindi ko naman sinabi na dalhin mo dito" paliwanag ni Eania

Hindi kumibo si Nicolette

" Bingi "

Lumapit si Eania sa tabi ni Nicolette at padabog na kinuha ang bola sa tabi nito, nang aksidenteng natamaan nya ito

"What's your problem ba? Masakit yun ahh " at galit na napatayo si Nicolette

" Hindi ko alam na natamaan ka, sorry " sarkistong sabi ni Eania

" ikaw Panaga sumosobra kna " galit na wika ni Nicoleete

" you two, kanina pa kayo " pumagitna na si Clio sa dalawang bata

" Tsk.. Ms.Clio dapat kasi hinayaan mo na silang dalawa mag away, para matuto " patamad na sabi ni Antidote habang nakaupo sa silya at nakapatong ang parehong paa sa table na nilalagyan ng kanilang mga gamit

" For what? Para mag suffer na naman buong team sa punishment ng Mom mo? And why are you just sitting there? Try mo kayang tumulong Ace " wika ni Clio

" bola lang naman yan, ang dami na nila na gumagawa " parang inaantok na sagot ni Antidote

Sasagot na sana si Clio kay Antidote nang biglang pumasok sa loob ng gym sina Maruis at Hermes

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now