A-X

2.2K 146 25
                                    

Flashback

Isa...

Dalawa..

Tatlo...

Blanko na nakatingin si Deanna sa malaking bintana sa kanyang kaliwa. Tatlong eroplano na ang nag-take off. At hanggang ngayon ay tahimik pa rin sya na nakaupo sa waiting room, pero hindi pa rin sigurado kung ano ang option na pipiliin nya.

Kung ang kanyang mga paa ay aakyat sa eroplano, ibig sabihin na maiiwan nya ang panganay na anak at si Jema

Pero kung hindi naman sya aalis ibig sabihin kailangan nyang isuko ang magandang buhay na parangarap nya sa kanyang pamilya.

End of Flashback

" No! Hindi mo sila anak dba? She's lying to me para makuha ka nya sa akin! " wika ni Charlene sa kanyang katabi

Nang tingnan ni Deanna si Jema, na gets naman ng huli ang ibig nitong sabihin kaya pinalayo nya ang kambal at iba pang bisita sa kanilang tatlo

" anong nangyayari? dumating lang si Tita Deanna biglang nagkagulo " tanong ni Reo sa katabing si Antidote

" hindi ko alam " tanging sagot niya sa kaibigang lalake

Nang biglang tumalikod si Antidote

" san ka pupunta? " tanong ni Reo

" hahanapin ko muna si Jaden " sagot ni Antidote at mabilis na naglakad palayo

Flashback

Pennsylvania

" ibigay mo na lang sakin si Jaden "

" No, anak ko sya Ate " pagmatigas ni Charlene

" pero wala kang time sa kanya " giit ni Deanna

" bakit ikaw meron ba? Anak ko si Jaden kaya sa akin sya " dagdag pa ni harlene

" may depression ang bata, hindi pwede na iasa mo sa maid ang dapat na gawin mo for her as her mom " galit na saad ni Deanna

" kung gusto mo alagaan ko ang anak natin, sumama ka sa amin "

Napailing naman ito sa kanyang narinig

" what makes you think na papayag ako sa gusto mo? "

" ikaw na rin nagsabi na may depression ang anak natin, kaya ikaw pumili kung ano gusto mo mangyari sa kanya " makahulugang wika ni Charlene

At nang may nilabas syang brown envelop mula sa kanyang office bag

" when Jaden and I came here, i filed for divorced sa husband ko, and by next month mawawalan na ng bisa ang kasal namin. Kaya pwede na tayong magsama "

End of Flashback

Nang makalayo na ang kambal at ibang bisita sa kanilang tatlo ay tinanggal ni Deanna ang kamay ni Charlene na kanina pa nakahawak sa kanyang braso

" she's telling the truth Charlene " walang emosyong sagot nya

Parang nababaliw na umiling ito at akmang lalapitan si Deanna pero lumipat na ito sa tabi ni Jema

" ayokong maniwala dahil alam ko naman na plano lang ni Jema ito para tuluyan na tayong maghiwalay, para tuluyan na mawala ka sa akin " dismayadong wika ni Charlene at nagsimula ng maluha

" pinatulan ka lang ni Deanna dahil kay Jaden, dahil may depression ang anak nyo " sabi naman ni Jema

" pinatulan nya ako dahil mahal nya ako! " bulyaw na sagot ni Charlene

" bakit sinabi nya ba sayo na mahal ka nya? Nakipag sex ba sya sayo para masabi mo na ikaw ang gusto nyang makasama sa kama at hindi ako? " sarkistong tanong ni Jema

" ate please " pagmamakaawa ni Charlene sabay punas ng luha nya sa mata

" tell me na hindi totoo ang sinasabi nya, na kaya sinasabi nya lang ito para sirain tayo "

" You can't force me to love you just because you love me Charlene.. Kaya tigilan mo na ito " pakiusap naman ni Deanna

Flashback

" Magsasama kayo? " tanong ni Jema sa taong kausap nya sa kabilang linya

" Para lang kay Jaden " sagot ni Deanna

" Deanna naririnig mo ba ang sinasabi mo? Akala ko ba babalikan mo ako dito after 3 years?! " Jema

" Babalikan ko naman kayo ng anak natin Margarett, but for now hayaan mo muna akong gawin ang part ko for Jaden. Anak ko rin naman sya " Deanna

" kay Jaden ka lang may obligasyon hindi sa babaeng yun " Jema

" i know. pero ano magagawa ko? Mommy sya ni Jaden kaya kahit ayaw ko kailangan kong gawin ito for my daughter's sake. Intindihin mo naman ako, mahirap din naman ito sa part ko na makasama ang taong sumira sa pamilya natin " Deanna

" Papayag ako sa gusto mo Deanna, pero sa isang kondisyon " Jema

" okay, ano yun? " Deanna

" Gusto kong sundan na natin si Antidote " Jema

End of Flashback

" Jaden "

Tahimik na nakaupo sa back seat ng kotse si Jaden nang marinig nya ang kanyang pangalan. Nang nilingon nya ang taong tumawag sa kanya ay nagulat sya nang makita ang nakakatandang kapatid

" Achi? "

Ang kaninang walang emosyong mukha ni Jaden ay napalitan ng ngiti nang makita si Antidote. Walang pag alinlangan syang lumabas ng kotse at niyakap ang kapatid na ilang taon nyang hindi nakita at nakasama

Nang bumitaw sa pagkakayakap ay pareho silang nagulat nang makita ang umiiyak na mata ng isa't isa

" nung huli tayong magkita umiiyak ka, now we meet again umiiyak ka pa rin " komento ni Antidote sabay ngiti at pinunasan ang luha ng kapatid

Hindi naman nakasagot si Jaden

" na miss kita " naluluhang wika ni Antidote sa kapatid at niyakap ito ulit ng mahigpit

-

Hindi na natigil ang pagbubos ng mga luha ni Charlene dahil sa kanyang mga nalaman. Nagtiwala sya sa taong minahal nya at pinagtanggol nya laban sa pamilya nya.

" bakit Ate? "

" Don't ask something that you already know the answer " malamig na sagot ni Deanna

" i just want you, since the day we met Ate " nasasaktang wika ni Charlene

" you have to be okay Charlene, kasama mo man ako hindi "

" Okay? Okay Ate? Pagkatapos ng ginawa mo? pano ako magiging okay? " hagolgol nyang tanong

" kailangan mo maging okay dahil naging okay rin naman ako ng ginawa mo akong tanga sa pagkakaroon ng ibang anak ni Deanna " sabad ni Jema sa usapan

At nang lumapit sya sa umiiyak na si Charlene

" Sabi nga nila: don't do unto others what you don't want to do unto you " nakangisi nyang saad

" So ano pakiramdam na ngayon, ikaw naman ang nagmukhang tanga sa ating dalawa? " nakangising tanong ni Jema

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now